Kabanata 72
"Magandang araw" bati ko sa dalagang sumalubong sa akin pagkarating ko sa pwesto nila ni Ising. Ngumiti sya sa akin kaya lumitaw ang one seat apart nyang mga ngipin. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa dahil sa nakita ko.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko upang hindi makawala ang mga tawa ko. Natigil lang ako ng mapansin kong kakaibang ngiti ang ipinukol nya sa akin. May kakaiba talaga sa babaeng to.
Kakaiba talaga sya, una marie ang pangalan nya. Maria ang karamihang ipinapangalan sa mga anak na babae sa lugar na to at wala pa akong narinig na marie. Pangalawa, may dala dala din syang cellphone, oo cellphone at Iphone pa. Pangatlo isang linggo palang sya dito, ibig sabihin pwedeng galing din sya sa kasalukuyan.
"Kung may nabuo ng kaisipan ang paraan ng pagtingin mo sa akin, maaaring tama ang nasa isip mo." wika nya, napansin nya atang nakatitig ako sa kanya. "Ising? maaari ka ba munang lumabas?, mag-uusap lamang kami" pagpapatuloy nya. Tumango naman si Ising at saka lumabas. Inilibot ko ang paningin sa munting bahay nila, marami silang ugat na nasa loob ng bote, may mga dahon pang nakalagay din sa isa sa mga bote at may tubig na kasama.
"Bahay ito ni Tata sielo, nakikitira lang ako" naningkit ang mata ko ng marinig ko ang pag-iba ng pananalita nya.Ngunit bago pa ako makapagsalita ay inunahan na nya ako.
"Ako si Marie Garcia, at katulad mo dito ako napunta" saad nya na ikinalaki ng mata ko.How?
"P-paanong?–"
"Paanong alam ko na hindi ka taga rito? Nakita kita sa bulwagan kanina. Base sa mga kilos at pananalita mo hindi ka kabilang sa kanila."
"Paano ka napunta dito?" tanong ko.
" Alam mo ba ang time travel? pwes ganun ang nangyari sa akin, galing ako sa taong 2018, at base sa hawak mong cellphone galing karin sa taong iyon, hindi ba?" napadako ang tingin nya sa akin ng itanong iyon, tumango naman ako sa kanya.
"Pero...ang alam ko kaya ako napunta dito dahil hinila ako ng kaluluwa ni ronaldo, dahil siguro inakala nyang ako si Corazon" paliwanag ko, hinawakan nya ang baba nya na tila ba nag-iisp. Mabilis nya akong pinaupo sa maliit na upuang katapat nya.
"Kung hindi ako nagkakamali, naincarnate si Corazon sa katawan mo tama ba?" tumango ako. " Kung ganun, maaaring may ipinapagawa sa iyo si Corazon kaya nandito ka, pwede ring nananaginip ka lang at dahil ikaw at si Corazon ay iisa kaya ka napunta dito" Napalaki ang mata nya ng parang may naaalala sya.
"Maaari ring nasa comatose ka, na nag-aagaw buhay. 50/50 kumbaga. Or worst baka patay kana!"
nabalot ng kaba ang dibdib ko
"A-are y-you k-kidding me?"
"No, Im not, sinasabi ko lang kung anong nalalaman ko.
"Paanong malalaman kung alin don ang nararanasan ko?"
Umiling-iling sya at umayos ng upo.
"Kung nasa panaginip ka, pwede mong mabago ang nakaraan ngunit hindi ang kasalukuyan, kung magigising ka man mula sa panaginip na iyon, ang dati mong nakasanayang buhay bago ka managinip ay ganon parin ang magiging buhay mo, sa maikling salita walang magbabago sa future. Ang sa nakaraan ay sa nakaraan ang sa kasalukuyan ay sa kasalukuyan." nagbuga ako ng hangin dahil don.
"Pangalawa...." itinaas nya ang dalawa nyang daliri. " Kapag nasa comatose stage ka, maaari mong mabago ang nakaraan gayun din ang kasalukuyan, Pero..." bigla syang tumigil na syang nagpakaba lalo sa akin.
"Maari mong ikamatay iyon, maari ring kabaligtaran at mabubuhay kapa. Sa pagbabago ng nakaraan at ng kasalukuyan nakadepende ang iyong buhay. Kaya payo ko sayo mag-iingat ka sa mga babaguhin mo"
"A-ano yung panghuli?" kinakabahan kong tanong.
Mataman nya muna akong tinitigan bago ulit nagsalita.
"Maaari ring..."
"...Patay kana" halos atakehin ako sa puso sa huling sinabi nya. No! Bago pa ako makapagreact ay muli syang nagsalita.
"Kapag patay kana, hindi mo mababago ang nakaraan gayun din ang kasalukuyan." Medyo napaatras ang kinauupuan ko.
"Hindi mo ba narealize? na patay na ang lahat ng taong narito sa kasalukuyan? Buhay lang sila dahil nasa panahon ka nila, buhay sila dahil nasa panahon ka nong nabubuhay pa sila." Nabalot ng takot ang buong pagkatao ko. Unti-unting bumagsak ang luha ko sa mga mata. Sumisikip ang dibdib ko at parang anytime ay kakapusin ako ng hininga.
"Hindi kita gustong takutin corazon, Im sorry. Ang maari mo lamang gawin ngayon ay ang subukang baguhin ang nakaraan, upang malaman mo kung nasang stage ka" sumilay ulit ang ngiti nya, pero hindi na ako natawa ng makita ko ang ngipin nyang nag e-exam.
"At isa pa, may paraan pa para makabalik ka sa kasalukuyan at malaman mo kung anong nararanasan mo"
"A-ano?"
"Tuparin mo ang kahilingan ni Corazon, sa ganong paraan lamang, kapag natapos mo na iyon, malalaman mo na ang mga dapat mong matuklasan." nakangiti nyang saad. Hindi ako makangiti pabalik sa kanya.
"Pero hindi ko alam kung anong hinihiling ni Corazon!?" naiiyak kong saad. Medyo lumapit sya sa akin at itinuro ang puso ko.
"Alam yan ng nasa dibdib mo Corazon" tuluyan ng bumuhos ang masaganang luha sa pisngi ko.
"MAG-IINGAT ka sa mga pagbabagong gagawin mo Ely, nakasalalay ang buhay mo sa lahat ng gagawin mo" huling habilin nya bago ako umalis don at pinuntahan si Ising. Sinabi ko narin sa kanya kung anong totoong pangalan ko kaya ely na ang itinawag nya sa akin.
Nakatulala lang ako sa buong paglalakad namin ni Ising pauwi.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Bí ẩn / Giật gân"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018