Kabanata 24
"Hi pwedeng hiramin ko muna si histo-I mean si Dean?" napatingin sa akin ang tatlong magkapatid habang prenteng nakaupo sa ilalim ng puno. Nangunot ang noo ni Josh, alam ko na ang iniisip ni sleepy.
"Hindi ako gagawa ng kalokohan" boryo kong saad at inikotan sya ng mata. Nanatili paring masama ang tingin nya sa akin, napalingon ako kay Dean na nakatingin lang din sa akin.
"Sige na dean, sumama kana, basta hihintayin namin kayo sa parking pag uwian na" singit ni grumpy at inilagay ang headseat sa ulo nya at saka pumikit. Nakita kong kumilos rin ang katabi nya at saka sumandal din sa puno at pumikit.
"Basta ibalik mo ng walang galos ang kapatid ko Ely" sabi ni sleepy na nanatiling nakapikit. Sumimangot ako dahil dun, anong tingin nya sakin trouble maker??? may points sya...
Hindi ko na sya sinagot at hinila nasi Historian, kaylangan ko sya sa gagawin ko kay Eunice.
"Anong gagawin natin?" bulong nya sakin habang naglalakad.
"Tulungan mo kong maghanap ng aklat sa library hindi ko alam kung nasan ang library e"
Napangiwi sya sa sinagot ko.
"Yun lang??? dapat nagtanong ka nalang saiba!" dismayado nyang saad. Bumagal ang lakad nya dahil don.
"Hindi lang yun, basta! Ililibre nalang kita ng burger mamaya pag natulungan mo na ako"
Lumiwanag naman ang mukha nya sa sinabi ko. Mahilig sa burger si Historian kaya yun lang yung naisip kong sabihin para matulungan nya ako
"Sige sige! Basta yung burger ko!" muntik na akong matumba dahil sa paghila nya sakin. Nakisabay nalang din ako sa takbo nya.
Bumungad sa amin ang napakalaking espasyo ng library, antique ang mga bookshelves. Saglit akong nagpahinga dahil walang tigil sa pagtakbo kanina si Dean papunta dito at syempre hila hila nya ako kaya napagod talaga ako.
"Anong aklat ang hahanapin natin Ely?"
"About sa exorcism" natigilan sya sa sinabi ko. Kasalukuyang nakatayo sya sa harap ng mga libro at may hawak na isa sa kaliwang kamay nya. Nkatingin sya sa akin na tila ba nagtatanong."Babasahin ko lang, wala akong gagawin" saad ko sa kanya.
"Weird" rinig kong bulong nya.
Nagsimula na akong maghanap, puro mga bagong aklat ang nandito sa pwesto ko, at mukhang walang aklat na tungkol sa exorcism. Lumipat ako sa iba pang bookshelves.
English...Math....Chemistry...blah..blah...blah...
Hayss bat wala?
"Dean, nakakita ka?" mahinanag sigaw ko sa kanya. Sumilip sya sa akin at umiling... hayss ano ba yan!!
Napadako ulit ako sa iba pang aklat. May mga luma dito. Kinuha ko ang aklat na nakita ko.
"MY LIFE"
basa ko sa aklat hmmm.. interesting para syang diary na aklat. Wala syang author o pangalan ng kahit sinong o kompanyang nagpublish nito. Kakaiba.... Lihim ko itong inilagay sa backpack ko.
Bagsak ang balikat kong lumayo sa pwestong iyon. Hayssss pano ko gagawin yun pag walang aklat.
"Wha!"
"Ayyy!" napahawak ako sa dibdib ng biglang sumulpot sa harapan ko si Historian. Aatakehin ako sa puso sa batang ito. Tawa tawa naman syang naglakad aa isang mesa, sumunod nalang ako sa kanya.
"May nakita ako. THE EXORCISM ang tittle, si Krystalla Schenieder ang author, inilimbag noong 1984, sa ilalim ng Paper and works Publushing company, may nakasulat din dyan kung ano ang mga dapat sinasabi kapag gumagawa ng exorcism, grabee nakakatakot sya basahin pero ang ganda! hooo!" mahabang paliwanag nya, di ko na pala kailangang alamin kung anong laman ng aklat dahil sinabi na nya. Sinaulo na nya yata ang nakasaad dito e.
Kinuha ko ang aklat sa kanya at bahgyang binasa, yesss itong aklat naito ang kialangan ko.
"Salamat tara na libre na kita" ngumiti naman sya sa akin ng pagkalaki laki.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018