Wakas

780 32 5
                                    

A/N: This will be the final chapter. Once again thank you so much!💕

Wakas

"Sino ka?" nagulat ako ng biglang magsalita ang babaeng kamukha ni Corazon sa harapan ko, tinignan ko muna ang mga balikat ko at muli syang tinignan upang masiguro kong ako nga ang kinaka-usap nya. Nakikita ako ni Corazon?

"Nakikita mo ak–"

"Oo nga nakikita kita!" umirap sya sa kin at mataman akong tinignan. Magkaiba sila ni Corazon, hindi ganyan si Corazon, mahinhin at hindi magsaydong nagsasalita. Ngunit ito, ay kabaligtaran nya.

It's been hundreds of years simula ng mamatay ako sa paupahang bahay na ito. At kung sino-sino na rin ang tumira sa bahay, pero ni Isa sa kanila ay hindi ako nakikita. But Finally! finally may nakakakita na sa akin, akala ko ay makakasundo ko sya, pero hindi pala. Dahil sa tuwing nakikita ko sya lumalabas ang pagkairita ko sa kanya. Nakikita ko sa kanya si Corazon, at hindi ko matanggap na mas lalaki pa kumilos sa akin si Corazon.

Pero sa hindi malamang dahilan, naghuhumintirado ang puso ko kapag kasama sya. Hinahanap-hanap ko sya kapag hindi ko sya nakikita, at hindi tama ito.

She's stubborn, lumalaban sya kahit wala syang dalang kahit na anong pansanggalang. And I hate it.

I hate her dahil sa ugali nya. Hindi ko  kayang makita na ganon si Corazon, masyado syang mapangahas, madaldal!

I hate her dahil lagi nyang kinakausap si James, I hate her dahil hindi man lang sya ngumingiti saakin, pero sa iba wagas makangiti.I hate her dahil ang tigas ng ulo nya. Ayoko sa kanya dahil hindi sya nakikinig. I hate her because I am starting to like her. I hate her...

....But I love her. Ang gulo, dahil magulo din ang nararamdaman ko. I was torn between the past and present. Lagi kong sinasabi sa isip ko na si Corazon ang mahal ko. Pero kabaligtaran naman ang sinasabi ng puso ko.

Hindi ko sya pwedeng mahalin, No! Si Corazon lang ang mahal ko!, pero sa twing sinasabi ko iyon ay agad namang napapalitan iyon ng pangalan ni Elyon.

Mali to!

Pero ..nagsimula na ang pagmamahal ko sa kanya  at sa buong pagkatao nya

"Saan ka pupunta? Dapat nakakatulog kana ng ganitong oras hindi ba?"  tanong ko ng makita ko kung paano nyang inihulog ang lubid sa labas ng bintana nya habang nakatali naman ang isang dulo ng lubid sa paa ng kama nya. Humarap sya sa akin, at binalewala ang sinabi ko. Alam kong iniisip nya na wala akong tiwala sa kanya. But no! Ayoko lang na mapahamak sya dahil sobrang delikado ang gagawin nya.

"Okey Justin, wag ka ng sumama dahil gagawa ako ng exorcism okay? lumayo layo ka muna" saad nya habang isinusukbit ang bag nya. I already knew na ngayon nya gagawin ang bagay na yon.

"Delikado ang gagawin mo, maaari kang mapahamak!" inilabas ko talaga ang nag-aalala kong boses. Fuck!

"Kaya ko sya, wag kang mag-alala okay? And If I were you hindi ako susunod" pagbabanta pa nya. Damn this girl! ang tigas talaga ng ulo! Hindi ko na sya napigilan ng mabilis na syang bumaba mula sa bintana gamit ang lubid. Papalayong bulto na lamang nya ang natanaw ko mula sa bintana.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito sa loob ng kwarto nya dahil sa pag-aalala. Sana pala ay itinali ko na lang sya dito para hindi na ako nag-aalala ng ganito. Damn!

"Asan kana Elyon!" frustrated kong saad. I have to do something! pakiramdam ko'y mapapahamak doon si Elyon.

Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang pintuan ng natutulog nyang kapatid na si Dean. Si dean lang ang mapagkakatiwalaan ko ngayon, at kailangan din sya ngayon ni Elyon. Hinaplos ko ang paa nya. Hindi ko sya gustong takutin, gusto ko lang syang gisingin.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon