Kabanata 8

582 22 0
                                    

Kabanata 8



Nagtungo kami ni Ian papasok sa office ni Father Esteban. Buti naman at wala akong nakiktang hindi maganda sa paningin.




"Stepsister, halika na pasok na tayo." singit ng boses ni Ian. Nagpatiunod naman ako sa kanya. Pumasok namin kami sq loob.





"eh mother ang hirap kasi ng tinuturo ni sister e" isang lalaki at isang madre ang nag-uusap ng makapasok na kami sa loob.




"Maupo ka muna jan, pupuntahan ko muna si Father" sabi ni Ian. Tumango lang ako bilang sagot pagkatapos nun ay pumasok sya sa isang pintuan.




"Mother naman e! Ayoko nang pumasok sa klase nya, ang boring kaya" napadako ang tingin ko sa nagsalita. Sya yung nabungaran namin kanina pagpasok dito.




Nakaupo sya sa harapan ng mesa ng isang madre, kasalukuyan nyang kinakamot ang batok nya.




"Ikaw talalagang bata ka, wag mong sasabihan si sister May na boring" rinig kong sabi ng madre. "Pumasok kana sa klase mo Cyruz, malelate ka na naman mamaya" dagdag pa nito.




Hindi na umangal ang Cyruz na yun at sumunod sa madre papalabas ng opisina. Napatingin sa gawi ko ang Cyruz na yun at halatang nagtaka dahil may bagong mukha syang nakita. Tapos nun ay tuluyanna silang lumabas.




"Ikaw ba si Elyon?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang lumitaw ang boses na yun. Nag angat ako ng tingin at isang sister ang nakita ko.




"Oo ako nga po" sagot ko rito. Ngumiti naman sya sa akin.

"Naku,pasensya kana at ginulat kita" natatawang saad ng sister.




"Okay lang po" gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.




"Oo nga pala pinapapunta kana ni Father Esteban sa loob, hinihintay ka niya." sabi ni sister habang itinuturo ang pintuang pinasokan kanina ni Ian." Sige ha, aalis na ako may klase pa akong tuturuan" nakangiting dagdag pa nito. Tumango ako sa kanya lumabas naman sya matapos nyang kunin ang mga gamit pangturo.




"Stepsister, pasok kana mabuti at narito si Father Estban" sabi ni Ian habang papalapit sa akin. Tumayo naman ako at sinalubong sya.




"Oh sige may klase pa ako, si father na ang bahala sayo step" napangiwi ako sa itinawag nya sa akin. Pinayagan ko na nga syang tawagin akong stepsister tapos may bago na naman syang endarment sa akin. Haysss.




Umalis na si Ian, at nagtungo naman ako sa pintuan at kumatok. Nabuksan naman ito ng isang estudyante na galing sa loob. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay nilawakan ang pagbukas sa pinto.




Pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang isang medyo may katandaan na pari. Nakaupo sya sa mesa nya habang nakangiti. Ang weird ng mga tao dito. Narinig ko ang pagsara ng pintuan tanda na lumabas na ang estudyanteng narito kanina.





"Ikaw ba si Elyon McAndrews?" tanong ng pari sa akin habang sinisenyasan akong maupo. Half american si Papa kaya ganyan ang apelyido ko.





"Opo" maikling sagot ko rito saka naupo sa harapan nya. Napadako ang tingin ko sa pangalang nakaukit sa maliit na kahoy na nasa ibabaw ng mesa nya. Fr. Frank Esteban.... Sigurado akong sa kanya ang pangalang iyon.





"Naikwento kana sa akin ni Ian, na ikaw ang stepsister nila, maligayang pagdating dito sa St.Mary Academy" panimula ni father, kahit kailan talaga nakakinis si Ian pati ba naman dito hindi mawala wala ang stepsister. Tsk!






"Opo," sagot ko. Saglit akong tumingin sa paa ko ng mapansin kong natanggal ang sintas ko mula sa pagkakatali. Napatingin ako kay father habang binabasa ang ibang impormasyon tungkol sa akin. Tapos na akong ayusin ang sintas ko. Nakita kong nangunot ang noo nya sa pagbabasa, may mali ba? Hindi ko alam kung paanong mayron na silang mga birthcertificate ko, health clearance at etc. Baka binigay ni Tito fred nung pina enroll nya ako dito.





"Ano ang rason kung bakit ka pinacheck up ng mama mosa isang Psychiatris?" biglang tanong sa akin ng pari matapos nyang basahin lahat. Naku! Paktay! Napalunok ako sa tanong nya. Eh kasi naman si mama, sya may kasalanan nito e. Pinatingin ba naman ako sa psychiatris nung isinumbong kong may nakita akong multo.





"Ah eh, ewan po" sabi ko na lang sa pari "pero hindi po ako baliw o kung ano man" mabilis kong pahabol. Tumawa naman ang pari aa sinabi ko.




"Mukha nga namang matino ka" natatawang saad ng pari. Nakisabay ako sa tawa nya gamit ang pahiyang tawa. Hehehe





"sige ito yung room number mo at yung susi sa locker mo, kumaliwa ka pagkalabas dito andun sa dulo ang mga lockers, pagkatapos nun ay lumiko ka sa kanan at hanapin mo ang room hindi ka masasamahan ng mga sisters ngayon dahil may ginagawa sila pagpasensyahana muna Elyon" mahabang paliwanag nya. Naging seryoso sya ng tumingin sya sa akin. Ehhhh





"Salamat po, sige po lalabas na po ako" paalam ko sa pari. Tumango naman si father.





Bago ko pa maisara ang pintuan ay nakita ko pa si Father Esteban na tila nag-iisip. Wews!




Buti naman tapos na! Hoooo...


-

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon