Kabanata 40"Magandang umaga sa inyong lahat, marahil ay excited na kayo ngayon dahil sa pupuntahan natin" saglit na tumigil si father at nagpakawala ng mahinang tawa.
"Gusto ko lamang ipaalam na ang bahay na iyon ay pagmamay-ari ng angkan ng mga Mercedito, Ang Casa De Corazon o mas kilala bilang Home of Corazon ay itinayo noong 18th Century, sa kasagsagan ng pagsikat ng mga manunulat. Ang bahay na iyon ay ipinangalan sa pinakabatang anak ng mag-asawang Mercedito na si Corazon." paliwanag ni father. Pakiramdam ko'y ayokong pumunta roon.
"Ely? Diba nagmula ka sa angkan ng mga Mercedito nakita ko kasi sa-Hmp!" tinakpan ko na ang iba pang sasabihin ni Historian dahil napalakas na ang boses nya.
"Sssshhh, wag kang maingay" bulong ko sa kanya saka inalis ang kamay kong nakatakip sa bunganga nya. Taumango naman ito at muling nakinig sa sinasabi ng pari.
Nagtipon tipon kaming lahat dito sa gym dahil ito ang araw ng pagpunta namin sa bahay na iyon, na ginawang tourist spot ng bayang ito.
Ilang buwan na rin nong sabihin ko kay father ang ginawa ko kay Eunice, nalungkot naman daw ito dahil napamahal narin daw sa kanya si Eunice, ngunit sa kabilang banda ay natutuwa din daw ito dahil wala naring mangugulo sa eskwelehang ito.
"Ipapaalala ko lang sa inyo na bawal ang mag-ingay doon, maliwanag ba???" tanong ni Father, sumagot naman ang mga estudyante.
"Kung ganon ay sumakay na kayo sa loob ng school bus at pupunta na tayo roon, pakiassist ang mga bata sisters" baling nya sa mga katabi nyang mga sisters. Agad namang nagpatiunod sa kanyang utos ang mga inutusan, nag-uunahan naman sa pagpasok sa 5 school bus ang mga estudyante ng paaralang ito.
"Hindi ko alam na bahay pala iyon ni Corazon hmm" nangunot ang noo ko sa biglaang paglitaw ni Justin at ang biglaan din nyang pagsalita. Hinimas himas nya ang kanyang baba na tila ba may nais maalala ng nakalimutan nyang nakaraan.
Sumunod sya sa akin papasok sa loob ng bus, pasaway! anong gingawa ng mokong dito??? sasama din ba sya?? Ang ipinagtataka ko lang bakit di nya maalala ang bahay ni Corazon, hinatid pa nga nya si Corazon hindi ba??
Naupo ako sa upuang malapit sa bintana, habang katabi ko naman si Dean at ang isa ko pang ka school mate. Nakita ko namang nakaupo sa may sahig ng bus si Justin at hindi alintana ang mga estudyanteng dumadaan at tumatagos lamang sa kanya. Inikot ko ang mga mata ko ng mabaling ang tingin nya sa akin, nag-iinit na naman ang mukha ko.
Dalawang buwan nadin siguro nang magpasyang ipaayos ang bahay na yun, lagi naming dinadaanan yun at marami nga ang nagtulong tulong para lamang maayos ito, maging si tito fred ay tumulong din dito. maganda ang naging kinalabasan non, kaya ginawa itong tourist spot, at hindi ko talaga gustong pumunta don kahit pinaganda at inayos na ito.
"Ayon sa narinig ko may kaluluwang nakatira daw dun sa bahay nila, hindi ko nga lang alam kung totoo, ang nabasa ko lang sa libro, doon din daw namatay si Corazon, ehhh nakakatakot talaga!!!" untag ng katabi ko, nilingon ko ito at nakita kong nasa kandungan nya ang malaking librong kinuha nya sa basement. What the???! saan nya inilagay ang librong yan at hindi ko nakitang dala dala nya.
"Nilagay ko sa bag, ito oh" saad nya at ipinakita ang mas malaki pa sa kanyang bag na tila wala nang laman.
"Dyan mo ba nabasa? paano mong nalaman yun???" tanong ko ng pabulong, lumapit din naman sya sa akin at itinapat ang buganga sa tenga ko.
"Inilimbag ito mula sa 18th Century hanggang 21st Century, ipinagsama sama ng mga writers ang mga isinulat nila kaya ganun ito kakapal" saad nya at ipinakita sa akin ang kapal ng aklat na iyon.
Napanganga na lamang ako sa sinabi nya. Ang daming alam ng batang to!!!
"Dean? square root of 36 =?" tanong ko, napakamot naman ito ng ulo at nag-isip. See? marami syang nalalaman kapag history ang pinag-uusapan, pero pag ganyan na, matagal pa yan bago makasagot, mga 30 minutes siguro.
Mahina akong natawa dahil binibilang pa nya sa kamay ang tanong ko. Lumingon ako sa likod at nakita kong tulog si sleepy, psh! lagi naman, habang abala naman si Grumpy sa cellphone nya. Hindi ko na binigyang pansin ang taong nakaupo sa gitna ng bus, invisible din naman sya sa lahat except sa akin.
Bahagya kong ipinikit ang mata ko at dinama ang hanging sinasalungat ko. Ngayon pa lang ay gusto ko ng umatras, ngunit may bahagi parin sa loob ko na matunghayan ang bahay ng angkang pinagmulan ko. Natatakot akong baka magpakita ang matang nakita ko sa bahay na iyon dati, umaga ngayon siguro naman hindi iyon magpapakita hindi ba??,
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang taong nakita namin ni Historian, ang 22 at 5 na kahulugan ng V at E? Kung panong namatay si Justin?? Kung kaninong mata ang nakita ko, kung sino ang may ari ng tala arawang iyon,? kung bakit nakatayo sa gitna ng dagat ang krus na laging tinitignan ni Justin???? para syang isang puzzle na hindi ko mabuo at wala akong ideya kung paano ito simulang buuin, sa palagay ko'y may kulang pang isang bahagi upang mabuo ko ang puzzle na iyon. Ipinilig ko ang ulo ko sa bintana ng bus at napatingin sa gawi ni Dean na abala parin sa pagbibilang.
Life in Southern Asia edition II
basa ko sa aklat na dala dala nya, nakita na pala nya ang hinahanap nya.
"Andito na tayo! bumaba na kayo!" sigaw ng kundoktor na syang naglilinis sa bus na ito, isa isa namang lumabas ang mga estudyante, naglabasan narin ang mga sakay sa iba pang bus na nasa unahan lang namin.
"Alam ko na! 6 ely yesss!" masayang sigaw ni Historian matapos ang pagkahaba habang pag-iisip. Tumalon pa sya bago tuluyang bumaba, nakasunod lang ako sa kanya at nasa likuran naman ang mga kuya nya.
Napatigil kaming lahat sa tapat ng gate, sa tingin ko ay ayoko ng pumasok pa roon. Kinabahan ako ng buksan ng gwardyang nagbabantay roon ang gate upang makapasok kami sa loob, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok sa dibdib ko at hindi ko gusto iyon.
"Gumanda ang bahay na ito, hmm dito pala tumira si Corazon" nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko ng sabihin iyon ni Justin. Hindi ko alam kung bakit.
Nanatili akong nakatayo habang sabay sabay na pumapasok paloob ang mga estudyanteng mukhang eksayted sa pagpasok. Ngayon pa lang isinusumpa ko na ang mga paa ko sa pagtapak sa lupang kinatitirikan ng bahay na ito.
Tila isa akong tuod na hindi umaalis sa pwesto ko at nanatili lamang na nakatayo roon, may pwersang humihila sa akin papasok, ngunit kusa ko itong nilalabanan.
Masama ang kutob ko, pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari sa oras na nakatapak na ang mga paa ko sa loob. Tila ba may mga ala-alang magbabalik, at hindi ko gustong balikan iyon.
"Handa kana ba sa pwedeng mangyari sa pagpasok mo???" tumayo din si historian sa kaliwa ko na hindi ko namalayang narito pa pala.
"Alam kong ayaw mong pumasok, base sa kilos mo, pero nandito lang ako, ang nag-iisang sidekick mo!!! Tara na!" nakangiti nyang wika at inilahad sa akin ang kaliwang braso nya.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa loob, sa palagay ko'y isinumpa ang bahay na ito, base sa nararamdaman ko, ewan, naguguluhan ako. Bahala na!
Tuluyan na akong nagpatiinod ng hilahin na ako ni Dean paloob.
-
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018