Kabanata 58
"Binibini!" sigaw ni Pilato nong papaakyat kami sa hagdan ng bahay nila, nasa taas sya ng hagdan habang nakatitig sa akin. Halatang hinihintay nya kaming dumating. Bumaba sya sa hagdan at lumapit sa amin.
"Magandang gabi ginoong Poncio" ngiti ngiting saad ni Ising, gumagalaw galaw ang katawan nya na para bang kinakabahan. Lihim akong napangisi, halatang may gusto talaga sya kay Poncio.
"Magandang gabi mga binibini, lalo na sa iyo binibining Corazon, napakaganda mo ngayong gabi" saad nya at yumuko.
"Ah magandang gabi din ginoong poncio pilato" pilit na ngiti kong saad. Lihim naman akong siniko ni Ising dahil sa sinabi ko. Tinignan ko sya ng matalim dahil don. What?
Mukhang hindi naman napansin ni Poncio ang ipinaapelyido ko sa kanya, kaya lihim akong nagsaya dahil don.
"Tayo na sa loob, hindi magandang pinaghihintay ang pagkain" nakangiting saad nito, tao ba ang kakainin namin? bawal daw paghintayin e? Is He a Carnivore?Eww! Hahawakan na sana nya ang aking braso ngunit mabilis ko itong iniwas sa kanya. Baka mamaya makasal ako ng di oras sa kanya, sinasadya nya atang hawakan ako e.
Mahina syang natawa dahil sa ginawa ko at umiling iling. Ang sexy ng tawa nya, siguro kung si Justin ang tumawa nabuwal na ako dito sa kinatatayuan ko. Ehhhh landi!
Si Ising na ang umalalay sa akin paakyat sa taas, habang nakasunod naman sa amin si Poncio sa likod. Ingay ng mga bisita ang bumungad sa amin ng makapasok kami sa loob. Puro mga kabataan ang imbitado at mabibilang lang ang mga matatanda na naroon.
Dumiretso kami sa isang mesa na may mga ibang kabataan ding nakaupo at nag-uusap doon. Pinaghila ako ni Poncio ng upuan, at katabi ko naman si Ising na ang laki laki ng ngiti tuwing napapadako ang tingin nya kay Poncio. Tumigil ang dalawang babaeng nag-uusap at tumingin sa amin. Tinignan ako ng babaeng may gloves na suot sa mga kamay nya.
Pamilyar sya kahit di ko pa sya nakita. Siguro ay kilala nito si Corazon.
"Poncio! Maligayang kaarawan nga pala sa iyo, nakaligtaan kong batiin ka dahil hindi agad kita nakita" biglang saad ng babae at tinignan si Poncio na nasa tabi ko na pala.
"Salamat, sana ay maimbitahan mo rin ako sa iyong nakatakdang kasal" natatawang saad ni Poncio. Ikakasal na pala ang babaeng to, mukhang nasa 20 pa lang sya o higit pa don. Nag bata pa nya para maikasal.
Tinignan ko si ising na palihim na umirap sa narinig. Tinignan ko ang ekspresyon ng babae, lungkot ang nakita ko sa buong mukha nya. Bakit?
Isamg pilit na ngiti lamang ang itinugon ng babae saka tumingin sa akin.
"Kamusta Corazon?, mas lalong tumingkayad ang iyong ganda" nakangiti nitong saad, naguguluhan ko lang syang tinignan, sino ba to? hindi nga ako nagkamali kilala nga nya si Corazon, famous siguro si Corazon, siguro kong may facebook ngayon ay magiging famous din si Corazon. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko bago sya tinugon.
"Mabuti naman, salamat" mahina kong sabi, nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang matamang pagtingin sa akin Poncio at ang lihim na pag-irap ni Ising.
"Balita ko'y magiging isa ka na naman sa mga lakambini sa darating na pyista? Nakakainggit ang iyong kagandahan sapagkat taon-taun ay iniimbitahan ka nila upang maging lakambini." nakangiti nitong saad. Kailan ba ang pyista?Bakit di ako nainform na magiging muse pala ako?
"Salamat" nahihiya kong saad.
Natigil lang kami ng biglang bumulong ang katabi nya. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ng babaeng naka gloves sa ibinulong ng katabi.
"Poncio, Corazon kung pahihintulutan nyo gagawi lang ako roon, maaari ba?" tinignan ko si Poncio na tumango bilang sagot.
"Sige" tugon ko.
"Huwag ka na sanang bumalik!" rinig kong bulong ni Ising, ano bang problema ni Ising sa babae, ang init ng dugo nya.
"Mag-iingat ka Lorna!" mahinang sigaw ni Poncio sa hindi pa nakakalayong babae. Napalaki ang mata ko dahil don, Lorna?? as in Lorna the fiancé of J-U-S-T-I-N? Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Lorna bago nilapitan ang lalaking hindi ko nakikita ang itsura dahil sa likod ni Lorna. Bigla tuloy akong kinabahan, kailangan kong malaman kung kailan ang kasal nila, para maunahan ko na ang kamatayan ni Justin I mean para malaman ko kung paano sya namatay.
Pagkatapos non ay tahimik lang kaming kumakain, umalis si Poncio dahil marami pang mga bisitang dumating, hindi ko pa pala nakikita ang mga kapatid ni Corazon. Gwapo at magaganda din kaya sila??
"Ising, kailan ang pyista dito?" kunot noong nag-angat ng tingin sa akin si Ising at tumigil sa pagkain. Tila ba may isang questio mark na nasa taas ng ulo nya dahil sa reaksyon nya.
"Maging ang petsa ng pyista ay nakaligtaan mo?" tanong nya sa akin, isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya, naguguluhan man ay sinagot din naman nya ang tanong ko.
"Bukas" maikling saad nya saka ulit kumain. Nanlalaking matang tinignan ko sya dahil don. What!? is she serious? bakit hindi ko alam? of course elyon! hindi ka taga rito sa panahon nila kaya hindi mo alam! pangaral ko sa sarili ko. Nandito na kaya si Justin bukas? kailan ba ang makalawa?
"Ahm Ising? bukas ba darating si Justi–este si ginoong Crisanto?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Nag-angat sya ng tingin sa akin habang ngumunguya.
"Hindi ko alam" maikli nyang sagot tapos ay sumubo ulit, hindi ba sya pinapakain ni Julio at ganito sya kadami kumain? Napabuntong hininga ako dahil sa sagot nya. Narinig ko pa ang ilang tawa ng mga bisita na narito sa harap namin pero hindi ko naiyon pinansin pa.
Tumingin ako kay Ising ng muli syang nagsalita.
"Hindi ba't sa makalawa pa sya darating?" tanong nya, pero nagpatuloy ulit. "Kung sa makalawa sya darating, ibig sabihin ay hindi nya maabutan ang kapyistahan bukas, ngunit hindi naman iyon lumiliban sa mga pagkalahatang kasiyahan katulad ng taunang pyista. Hilingin mo na lamang na sana ay makarating sya bukas" nakangising saad ni Ising sa akin. Ano na namang kasamaan ang iniisip ng babaeng to. Kahit gusto kong makita si Justin, hindi ko hihilinging na pumunta sya bukas no! Pakipot pa Elyon!
Inikotan ko ng mata si Ising ng hindi parin naalis sa kanyang labi ang mga mapanuksong ngiti nito.
"Halika na't umuwi na tayo bininini, natitiyak kong nakauwi na ang iyong mga kapatid, at natitiyak ko ring inaabangan na ng iyong ama ang iyong pagbabalik sa inyong tahanan" malungkot nyang saad. Lihim akong napalunok dahil don, kailangan ba nya talaga akong takutin at sabihing naghihintay si julio sa pag-uwi ko? Iniimagine ko palang kung anong itsura nya habang nasa pintuan at naghihintay ay nangangatog na ang mga tuhod ko. Whaaa!Corazon! magpakita kana! Ibalik mo na ako sa present!
Agad kaming umalis ng makapag-paalam kami kay Poncio Pilato. Mahirap na at baka maparusahan ako ni 'ama'.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018