Kabanata 70
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa takot kong baka bigla nalang akong pasukin ni Ronaldo sa silid ko.
"Narito ang bagong laba mong damit Binibini" bumukas ang pintuan ng kwarto at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Aling Meling, ina ni Ising.
"Uhm, si Ising po?" tanong ko ng mapansing wala si Ising, si Ising ang nagdadala ng damit na isinusuot ko.
"Isinama sya ng kanyang ama sa maisan. Siya nga pala, nakahanda na ang iyong agahan, ang bilin ng iyong ama ay papuntahin ka sa punong bulwagan kasama si Ising, kaya't magmadali kana binibini, at nakakatiyak akong pauwi narin ang aking mag-ama" nakangiti nitong saad at saka inilapag ang damit sa higaan.
"Salamat po...ah sya nga po pala nasaan po si Ama?"
"Kasalukuyang nasa punong bulwagan sya binibini, kasama ng mga opisyal ng bayang ito"
"Si Ronaldo po?" bulong ko, mahina naman syang natawa sa ginawa ko. Magkamukha sila ni Ising.
"Sumama sya sa maisan, at ang nadinig ko pa'y tutungo sya sa tahanan ng mga Villiamar, pagkat nalaman daw nila ang pagdating ng iyong tunay na ama kaya't agad ayang inimbitahang mananghalian roon" salaysay nito, napangiwi ako sa bahaging binanggit niya na 'iyong tunay na ama', hindi bagay kay Ronaldo na tawaging ama.
"Maraming salamat po"
"Walang anuman iyon, mauuna na po akong lumabas binibini" tumango naman ako bilang sagot.
Unti-unti ko nag nasasagot ang mga katanungang nabuo sa isipan ko. Si Ronaldo at hindi pala si Julio ang nakita ko sa estatwa, sya rin ang humila sa akin papunta sa gitna ng kalsada. Mukhang malaki ang galit nya sa akin.
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili ko, naabutan ako ni Ising na kumakain kaya't dali dali syang nagbihis habang kumakain pa ako. Binilisan ko na lang din ang pagkain ko dahil ayokong maabutan ako ni Ronaldo.
"Binibini? tahimik ka?" pukaw ni Ising sa akin, habang naglalakad kami sa tabi ng daan. Kasama namin ang ama nya na mas nauna sa amin ng ilang dipa. Maraming gumugulo sa isipan ko ngayon.
"Bilisan niyo!" sigaw sa amin ni Mang Erning.
"Ganito Binibini, magpaligsahan tayo sa pagtakbo patungo sa punong bulwagan, kapag natalo ka ipapahiram mo sakin ang impostor na bagay na pagmamay-ari mo..."
"Akala ko ba takot ka don?" tanong ko sa kanya. Napakamot naman sya sa ulo at mahinang tumawa.
"Eh, napakaganda kasi ng bagay na iyon, naiwan mo kasi sa iyong silid noong isang araw na may tugtog pa kaya aksidente kong napakinggan ang mga tugtuginng iyon at nagandahan ako." nahihiyang sabi nya. Natawa naman ako. She likes music. Hmmm..
"Ah, o sige, e paano naman kapag natalo ka, tska nga, hinawakan mo ang impostor?, may nangyari ba nong hinawakana mo?"
"ipapahiram ko sayo ang aklat ko na gustong-gusto mong basahin, at isa pa binibini kailangan bang may mangyari kapag hinawakan ko ang impostor?" nakangiti nitong saad. Napailing na lamang ako, bakit ganun? diba dapat may mangyari? Ang weird Lang isipin, nakapagtataka.
Napasigaw naman ako sa tuwa. Nakita ko kasi ang aklat na yun sa tulugan ni Ising, nagkainteres akong basahin yon kaya gustong-gusto ko talagang basahin iyon, dahil sikat na writer ng mga nobela ang sumulat ng aklat na yon.
"Sige, sige!" excited kong sigaw.
"Magbibilang ako ng hanggang tatlo, pagkatapos saka lamang tayong tatakbo" parehas kaming naghanda sa posisyon namin. Siguro runner din tong si Ising.
"Isa" ready
"Dalawa" more than ready
"Tatlo!" mabilis akong tumakbo ng matapos ang bilang, tumakbo din si Ising at mas naunahan pa nya ako. Tumawa ako ng makita kong pawis na pawis na si Mang Erning habang naglalakad. Parehas namin syang nilagpasan ni Ising ng makarating kami sa pwesto nya. Sinuway pa nya kami sa pagtakbo namin pero hindi na namin iyon pinakinggan.
Nanalo si Ising sa paligsahan namin kaya pinahiram ko ang cellphone kong lagi lagi kong dala. Sadyang nagpatalo ako dahil hindi ko alam kung saan yung bulwagang sinasabi nila.
Nang makarating kami, ay agad kaming pumasok sa malaking bahay na may isang mahabang mesa at may mga nakahilerang upuan sa magkabilang gilid na puno ng tao ang nakaupo sa bawat silya. Maingay ang bumungad sa amin pagpasok namin. May mga malalaking bintana ang bahay sa magkabilanng gilid ng dingding. Ito pala ang bulwagan.
l
"Nagsisimula na ang pagpupulong" bulong ni Ising.
Naupo kami sa tabi ng bintanang may mga upuan din. Nakita ako ni Julio, kaya't nagpahiwatig syang manatili lamang ako sa kinauupuan ko.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa mga taong nakaupo sa hilera ng mga upuan. Nagtama ang mata namin ni Justin ng masuyo nya akong tinignan. Muli ko na namang naramdaman ang pagtibok ng dibdib ko dahil don. Damn! Nahihilo ako dahil sa epekto nya sa akon lalo na nong palihim nya akong nginitian. Ugh! Katabi nya ang babaeng sa palagay ko'y nasa 40 na o higit pa, parehas sila ng mata ni Justin. Katabi naman ng babae ang may edad naring lalaki na kamukha ni Justin.
"Pag may pulong lamang nagkakaisa ang dalawang pamilya" bulong ulit ni Ising, tinakpan ko ang mukha ko ng pamaypay upang matakpan ang pamumula ng aking mukha ng makita ko ulit ang mapaglarong ngiti ni Justin.
"Tahimik!" biglang singit ni Julio sa mga maiingay na kasapi ng pagpupulong na ito.
"Nadinig ko din iyon, kapitan! Napasailalim na ng kolonyal ng espanyan ang bayan ng Barcel! at nakakatiyak akong ang bayan natin ang susunod nilang sakupin!" nagtatagis bagang ng isang lalaking nakasuot ng baro.
"Sang-ayon ako sa kanyang ipinahayag kapitan!, kailangan nating magkaisa laban sa mga dayuhan, sapagkat mas lalong malalagay sa panganib ang ating mga buhay kung papasailalim tayo sa kanila!" dagdag pa ng lalaking nakatalikod sa amin. "Makikipagtulungan ang pamilyang Villiamar upang hindi mapasailalim ang bayang ito." muling giit nito. Saka ko lang napansin na likod pala ni Poncio ang katabi ng lalaking nagsalita.
"Tama!maging kami ay makikipagkaisa!" sabay sabay na sabi ng mga taong naroon.
"Naiintindihan ko ang inyong mga saloobin, ngunit nag-aalala ako sa mga babae at matatanda sa bayab natin" pahayag ni Julio.
"Dalhin natin sila sa tagong lugar dito sa ating bayan. Alam mo naman siguro kung nasaan iyon?" mungkahi ng isang natanda na sinang-ayunan naman ng marami. Napabuntong hininga naman si Julio.
"Kung gayon, ay magkaisa tayong lahat laban sa mga dayuhan upang ipagtanggol ang ating bayan!" nakataas ang kanang kamay ni Julio sa ere habang nakatiklop naman ang mga daliri nito. Nag-ingay naman ang mga tao at ginaya ang kamay nyang nasa ere.
MUNTIK na akong mapasigaw ng biglang may humila sa akin mula kung saan habang papalabas ng bulwagan kasama ang iba pang mga tao na nanggaling din sa loob.
"Ako ito" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
"Baka may makakita sa atin Justin!" saway ko sa kanya ng bigla nya akong yakapin. Ngina! Ayoko na!
"Ang ganda sa aking pandinig ang pagbanggit mo sa palayaw ko" saad nya at mabilis akong ninakawan ng halik sa labi at saka sya tumakbo palabas.
"Hahaha!" tawa nya, agad ko naman syang hinabol pero hindi ko sya maabutan. Naiiyak na ako sa kakahabol sa kanya dahil hindi ko talaga sya naabutan.
Hahaha!
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018