Kabanata 6
Humarap ako sa likuran ko at andon sya na nakaupo sa upuang kinuha ko kanina mula sa ilalim ng mesa. Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong hininga.
"Ano pang ginagawa mo dito?" nakasimangot kong tanong sa kanya. Tipid syang ngumiti sapat lang upang masilayan ko ang dimple nya sa kaliwang pisngi.
"Dito ako nakatira" maikling sagot nya. Napabuga na lang ako ng hangin. Ang kulit nya!
"Kwarto ko na to, kaya pwede ba? umalis kana?" naiirita kong saad. Pinapainit nya ang ulo ko.
"Ang cute mo pala pag naiinis ka" bahagya pa syang natawa matapos nyang sabihin yon. Haysss. Bolerong multo!
"Alam mo nakaka–" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na nya ito. Tsk!
"That woman, your mom.... Tinawag ka nyang Ely, palayaw mo ba yun? Short for Elyana? Elysse?" tanong nya. Inirapan ko lang sya.
"Its Elyon!" madiing sabi ko, ayoko nang tinatawag ako na ely, sabi ni papa panglalaki daw yun. Si mama lang talaga ang tumatawag sa akin non.
"Oh I see, So Ely ito na ba tlaga ang magiging kwarto mo?" napasimangot ako sa pagtawag nya sa pangalang ayokong itinatawag sa akin. Psh!
"Oo, kaya umalis kana!" asik ko sa kanya.
"And why would I do that?" he said tapos ay mahinang tumawa. Haysss ang hirap nyang spellingin.
Nakakabanas!
"Kasi nga kwarto ko na to okay?" mahinang sigaw ko sa kanya. Promise nakakabanas sya. Tinignan ko sya na kasalukuyang pinapalibotan ng tingin ang kwarto ko.
Sya yung tipong magiging hearthrob pag nabubuhay pa sya, yung tipong guguputin ni Clarise yung mukha nya saisang magazine at ididikit sa pader ng kwarto nya at tititigan ito. Pinakatitigan ko ang mukha nya, sa tantya ko mga kasing edad ko lang o mas matanda sya sa akin ng dalawang taon kung nabubuhay sya ngayon.
Nabaling ang tingin ko sa peklat na nasa gilid ng noo nya. Mukhang matulis na bagay nga ang tumama dun.
"Anong tinitingin tingin mo?" pagsusungit nya sa akin. Haysss
"Wala, iniisip ko lang kung paano kita mapapaalis" irita kong saad sa kanya. Napalaki naman ang mata nya dahil dun. Ang cute nya! What? No way!
Sa dami ng multo, o kaluluwa ang nakita ko sya lang yung nakita kong maayos ang itsura. I mean, sya lang yung nakita kong cute kahit naka simangot na.
"Anong nangyari dyan sa noo mo?" I asked. Tinamaan lang ako ng kuryosidad ko, kaya ko natanong yun. Mukhang nagulat naman sya sa tanong ko.
"Wala ka na dun" saad nya. Bumalik ang inis ko dahil dun. E diwag!
"Okay, magbibihis na ako kaya umalis kana! Pagod ako galing byahe kaya pwede ba?" Tanong ko sa kanya. Tumawa sya ng mahina sa sinabi ko.
"Bakit sino bang may sabi sayong pumunta ka rito?" ang hirap nya talagang spellingin promise. Haysss.
"Alam mo wala k–" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang yabag ng takong ni mama pataas. Fudge!
"Ely sinong kinakausap mo?" tanong ni mama na nasa labas ng kwarto ko. Naku!
"Umalis ka na pwede ba?" bulong ko sa taong nasa harapan ko. Tumawa lang sya at muling naupo sa bintana. No!
"Ely? Open this door! Sinong kinakausap mo? Sino yang tumatawa??!" rinig kong sigaw ni mama. Oh no narinig nya? Haysss pahamak talaga tong kaluluwang to! Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Justin. Omo! Wag kang tumawa!
Saglit akong nag-isip kung anong pwede kong idahilan kay mama. Isip! Isip elyon! Asan na ang utak mo!
Tinaasan ko ng kilay ang taong kanina pa tumatawa ng mahina.
"Elyon!" oh no! Galit na si mama.
Lumapit ako sa pintuan, at dahan dahang binuksan iyon. Bahala na!
"Ma?" bungad ko kay mama.
"Sinong kinakausap mo?" tanong ni mama at nilibot ang tingin sa buong kwarto ko. Napalunok ako.
"Ah, si–si Cl–Clarise po ma, tumawag po kasi sya!" kinakabahan kong saad, at saka ipinakita ang phone ko na saktong tumatawag nga si Clarise. Save by the ring!
Nangunot ang noo ni mama."Hehehe" mahinang tawa ko." Sige na po ma, labas na po magbibihis na po ako kakausapin ko pa ho si Clarise." pahayag ko kay mama. Nilingon ko ang bintana ko at napabuga ako ng hangin ng wala na akong makitang bakas ni Justin. Wews!
Marahan kong itinulak si mama palabas ng kwarto ko at hindi naman sya nagrebelde don sa ginawa ko. Thanks God! Whoa!
Muntik na yun!
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018