Kabanata 35

375 14 0
                                    

Kabanata 35


Alas 10 na ng gabi at hindi parin ako natutulog, hinihintay kong makatulog na ang lahat, dahil ngayon ko isasagawa ang plano ko.




Nang wala na akong marinig na ingay sakabila ay dali dali akong bumangon, kinuha ko ang maliit na librong gagamitin ko, dahil naroon ang wikang ginagamit upang mapaalis ang isang kaluluwa, dahan dahan ko namang isinilid ang kandila sa pocket ng bag ko, maingat ko ring inilagay ang nakatripleng plastik ng dugo ng manok.







Chineck ko ang larawang hiningi ko kay James at buti naman at nasa loob pa ito ng bag ko. Dahan dahan akong humakbang palapit sabintana, tumingin ako sa baba at nakita kong medyo mataas anf bubong ng garahe pababa sa lupa.





Kinuha ko ang lubid  na sikreto kong kinuha mula sa gamit ni Tito Fred sa baba. Itinali ko ito sa isang paa ng kama, at inihulog sa baba ang karugtong. Nang masiguro kong ligtas ang pagkakati ko ay agad akong umakyat sa bintana.







"Saan ka pupunta? dapat nakakatulog kana ng ganitong oras hindi ba?" A manly voice interrupt me. Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya.









"Okey Justin, kung ako sayo wag kanang sumama dahil gagawa ako ng exorcism okay?, lumayo layo ka muna" saad ko, umiling iling sya.







"Delikado ang gagawin mo, maari kang mapahamak!" nag-aaalalang saad nya. Binalewala ko ang sinabi nya, wala talaga syang tiwala sa akin.









"Kaya ko sya, wag kang mag-alala sige aalis na ako, AND! if I were you hindi na ako susunod" banta ko sa kanya, tuluyan na kong nakababa mula sa bintana, pinipigilan pa nya ako ngunit hindi na ako nagpatinag.








Nilingon ko pa sya na nasa bintana at nakatingin lang sa akin, isinuot ko na ang jacket kong may hood at saka umalis gamit ang biseklita.









Nang mapadaan ako sa bahay na iyon ay dali dali kong pinaandar ang biseklita ko, nakakatakot!











Agad kong isinandal ang biseklita sa labas at agad pumasok sa sira ng gate.Hinanap ng mata ko si Eunice, ngunit hindi ko sya makita. Napaupo ako safountain na nasa gitna ng school nato. Banayad ang pag agos ng tubig pababa, kung saan may maliliit na isda ang naglalangoy. Nakapansin ako ng pangalan sa ilalim ng estatwang babae na ansa gilid ng fountain, tanging ulo lang nakalagay.





"St. Rosa of South, 1888-1949" basa ko don sa nakasulat.








"Anong ginawa mo dito??" madiing tanong ng matinis na boses, alam kong kay eunice iyon.








"Eunice alam mo ba kung sino si St. Rosa?" tanong ko sa kanya at itinuro ang pangalang nasa ilalim ng estatwa na yun, bahagya syang lumapit at tinignan yon.







"Ah Si St Rosa, ang alam ko sya ang kauna unahang nagpatakbo sa paaralang ito, ang narinig ko dati, paaralan ito ng mga lalaki, exlusive for the boys only kumbaga" paliwanag nya. Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.







"So? anong gingawa mo dito?" muli ay bumalik ang pagkamaldita ng tono nya.






"Ahm, gusto ko sanang tulungan ka" saad ka habang nakahawak sa batok ko. Nakita ko namang tila nagliwanag ang mata nya sa sinabi ko.





"Talaga? tutulungan mo akong mabuhay ulit?" eksayted nyang tanong. Napalunok ako, kailangang panindigan ko to






"Ah hindi sa ganon yun, ang ibig kong sabihin tutulungan kita papunta sa bagong buhay" muling sambit ko.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon