Kabanata 75

299 12 0
                                    

Kabanata 75

Alas sais na ng gabi, pero wala parin si Ising. Ayoko namang lumabas sa kwartong to dahil baka nandyan lang sa labas si Ronaldo. At isa pa, bawal din naman akong lumabas ng bahay, nakapalibot na ang mga tauhan ni Julio sa buong bahay kaya katiting lang ang tanstya kong makakalabas ako dito.

Napahiga ako, buti na lang hindi nila itinali ang mga kamay at paa ko at least makakagalaw pa ako ng maayos kahit na andito lang ako sa kwarto. Dinukot ko mula sa ilalim ng unan ang cellphone ko, 4% na lang ang battery level nito.

Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa lumang cabinet, agad kong hinanap ang bag kong dala dala ko nong napunta ako dito. Hinalungkat ko roon ang power bank na lagi kong dala pag nasa school ako.


NAKARINIG ako ng ingay sa labas ng kwarto kaya't dali dali kong itinago ang bag at ang cellphone ko sa cabinet at agad na humiga sa higaan at nagkunwaring tulog. Nakapikit ako, ngunit rinig ko parin ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pintuan sa silid ko, at sigurado akong pumasok ang taong iyon dito sa loob.

Hindi ako gumagalaw, ayokong makalikha ng ingay na magbibigay sa taong iyon ng ideyang gising ako. Kahit naiinitan dahil sa makapal na kumot, ay tiniis ko parin huwag lamang malaman ng taong nasa gilid ko na ngayon na alam kong pumasok sya dito sa loob.

Nakiramdam ako sa paligid, nakinig. Wala akong naririnig sa taong pumasok dito sa loob. Wala sigurong balak magsalita, o baka wala rin syang balak gumawa ng ingay. Napangsinghap ako ng palihim ng may biglang pumasok sa isip ko. Baka magnanakaw?! Dahil don ay mas lalo akong nainitan sa loob ng kumot. Naramdaman ko ng may pawis sa noo ko at ang init ng mukha ko.


Ilang sandali pa ay narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maaaring umalis na sya dahil sa inakala nyang tulog na ako. Nakahinga ako ng maluwang ng wala na akong maramdamang presensya ng ibang tao dito sa loob ng silid.

Tinanggal ko ang kumot na nakapalibot sa akin at inihagis sa kung saan dahil sa sobrang init na lumulukob sa akin ngayon. Nakakabanas!

"Corazon" napatayo ako ng di oras ng may biglang may nagsalita sa gilid ng higaan ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang sobrang lakas ng pagtibok nito. Magkaka heart attack ako nito!

Nakasimangot akong humarap sa taong iyon, ngunit agad napalitan iyon ng makita ko kung sino ang taong iyon.

"Ising! Tinakot mo ako!" mahina ngunit may diing sabi ko.

"Patawad binibini, sinigurado ko lang kung natutulog ka na nga ba o hindi pa." paliwanag nya. "  Dahil lagi mo paring ginagawa ang bagay na iyan sa tuwing may pumapasok sa iyong silid" dugtong pa nya.

"Pasensya kana, akala ko kasi ikaw si Ronaldo" saad ko. "Ahm, naka-usap mo ba si Jus–Crisanto?" tanong ko at umupo sa higaan ko, sumunod din sya at naupo sa tabi kona nakaharap sa akin.

"Oo, at anumang oras ay nasa labas na sya ng tahanan nyo." nakangiti nyang saad.

"Ah eh, delikado may mga tauhan ang aking ama sa labas at nagbabantay baka kung anong gawin nila sa kanya, baka masaktan sya! baka, baka..." hindi ko na maituloy ang iba ko pang sasabihin dahil sa pag-aalala. Mabilis naman akong hinawakan ni Ising sa magkabilang balikat upang pakalmahin ako.

"Binibini, mayroon na kaming isinagawang plano kung paano sya makakapasok rito ng hindi nalalaman ng mga bantay, wag kang mag-alala sa kanya Corazon" kinindatan nya ako at ngumiting aso sa akin. Napanatag naman ang loob ko dahil don.

"Sandali lang binibini" biglang sabi ni Ising ng ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin. Tumayo at pumunta sa bintana. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat kilos nya. May kung ano syang tinatanaw sa labas ng bintana at hindi nya maaninag ang hinahanap nya.

Labing limang minuto na ang lumipas pero nakatingin parin sa labas ng bintana si Ising, hindi ko alam kung sino ang tinitignan nya kaya hinayaan ko na lang sya. Muli kong kinuha ang cellphone kong nakatago sa cabinet at bumalik din sa kama dala dala rin ang power bank.

Hindi siguro pupunta si Justin. Napanguso ako ng makita ang nakatalikod na larawan ni Justin sa phone ko ng tuluyan ko na itong nabuksan. Namimiss ko na si Justin.

Napalukot ang mukha ko ng maalala ang nalalapit ng kasal ni Justin, sa sabado na iyon, at martes na ngayon. Makukulong pa ako rito ng apat na araw. Naiiyak ako ng pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Justin. Baka ito na ang huling araw na makita ko sya or worst baka di ko na talaga sya makita.


Nabaling ang tingin ko kay Ising ng namataan ko syang mahinang tumalon at nakaguhit sa kanyang labi ang isang ngiti. Napabuntong hininga ako, baka nga hindi na pupunta si Justin dito. Nahiga na lamang ako at isinuot ang earphone ko at saka pumikit. Nakatulog na ako.

Nagising ako sa gitna ng pagkakatulog ko ng maramdaman ang isang mabigat na bagay na nakadatay sa beywang ko. Hinawakan ko ang bagay na iyon at kinapa-kapa. Limang daliri ang nakapa ko, sobrang dilim dito kaya hindi ko alam kung kaninong kamay ang nasa beywang ko ngayon. Nabalot ng takot ang buong pagkatao ko sa isipang baka kamay ni Ronaldo ang nandon.

Nasan nga pala si Ising? tanong ko sa isipan ko.

Naramdaman ko ang hininga ng taong iyon sa likod ko, lihim kong kinapa sa dilim ang cellphone ko at nagtagumpay naman akong mahanap iyon.

Nagbilang muna ako sa isip bago buhayin ang cellphone at itutok yun sa taong nasa likod ko.

Gayon na lamang ang paglaki ng mata ko ng matunghayan kung sino iyon!

Shit!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon