Kabanata 28
"Ah-ah pa-pasensya na " nauutal kong saad ng marealize kong matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Ibinaba ko ang tingin ko dahil hindi ko na kaya ang tensyong nararamdaman ko.
"Uhm sino si Corazon??" tanong ko, gusto ko lang tanongin, baka may mga malaman pa ako about sa kanya.
"Wala! Chismosa!" asik nya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. What? Chismosa agad? ansama ng kaluluwang to!
"Damot!!! sige na!, girlfriend mo?" tanong ko at sinundot sundot ang tagiliran nya. Naka poker face lang sya at tinanaw ulit ang krus na nasa dagat. ano bang meron dun?
Kung sakali mang may makakita sa akin ngayon dito, iisipin nilang baliw ako dahil iisipin din nilang nagsasqlita ako mag-isa. Natigilan ako ng bigla nyang hawakan ang braso kong ginagamit sa pagsundot sa kanya.
Nakaramdam ako ng kuryente, bakit ganon?? diba patay na sya? kaya hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganon. May kuryente ba syang tinatago sa katawan nya? whoa!
"Bakit??"
"Ha?" sagot ko, anong bakit?
"Bakit nararamdaman ko ito?" turo nya sa dibdib nya, ha? may sakit sya sa puso?? omo! baka yun ang ikinamatay nya??
"May sakit ka sa puso??" tanong ko, mahina naman syang natawa dahil sa sinabi ko. aisssh ano bang nakakatawa?
"wala, ang pintig ng puso ko'y hindi normal ang pagtibok binibini" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magsalita sya ng ganun, si ginoong del valle! kagaya ni Justin malamyos ang tinig nya kapag nagsasalita. Mag-ama ba sila? magpinsan? omo! baka magjowa?? charot!
"Ha?" loading....
Hinawakan nya ang kamay ko at inenterwind yung mga daliri namin.
"Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras nato, nakikita ko sayo ang babaeng lihim kong minahal ng hindi napapansin. Kamukhang kamukha mo sya Ely!" nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi yon.
"Anong ibig mong sabihin??"
"Nothing" biglang saad nya.
"Oo nga pala? bat marunong ka mag english ha? nag-aaral kaba?" ginulo nya ang buhok ko gamit ang kanang kamay nya, samantalang hawak nya parin ang kamay ko sa kaliwa nya. Natatawa nya akong tinignan.
"Binibini, ang mga kagaya kong may berdeng dugo ay nag-aral ng english sa europa, at isa pa ang aking ina ay maestra at english ang itinuturo nya" napanganga ako sa sinabi nya. Ganon? Ah kaya pala marunong sya mag english.
"Ehh yung tono ng pananalita mo??"
"Sa tagal ko nang nandito sa mundo, inoobserbahan ko ang bawat galaw ng labi nila, ang tono at ang iba pa, dahil umaasa ako na may makakaita sa akin at makausap ko sa sa pamamagitan ng napapanahong tono" nakangiti nyang saad.
"At masaya ako dahil ikaw ang biniyayaan ng kakayahang makakita ng kagaya ko."
Spechless...
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystère / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018