Kabanata 68

304 9 0
                                    

Kabanata 68


"Doon mo ba nakita ang mga taong humahabol sayo nong isang araw?" tanong ni Justin habang nakayakap sa likod ko at nakanguso sa lugar kung saan ako nakita ng dalawang lalaki Pumunta kami dito sa tabing dagat dahil sinitsitan kami kanina ni Ising at sinabihang paparating daw ang ama ni Justin. Kaya kinailangan naming tumakas at sa bintana na kami dumaan.


"Oo, kilala mo ba sila?" tanong ko at hinawakan ang kamay nyang nasa beywang ko. Inamoy amoy nya ang buhok ko.

"Maaaring mga tauhan sila ng pamilyang Villiamar,  maaari ding taga labas sila, ano bang nadinig mo sa kanila?"

"May balak ata silang patayin ang isang dalaga, hindi ko alam!" naguguluhan kong saad. Naramdaman kong isiniksik nya ang ulo nya sa leeg ko na agad ko namang hinimas ang buhok nya.

"Mag-iingat ka Corazon, hindi natin alam kung sino ang kanilang papaslangin. Kaya't sana'y mangako ka na mag-iingat ka, naiintindihan mo ba binibini?"


"Naiintindihan ko Ginoo" nakangiti kong sagot sa kanya na ginantihan din naman nya ng isang matamis na ngiti.

Napadako ang mga mata ko sa dagat, ngayon ay alam ko na kung bakit gustong gusto ko ang dagat, dahil gusto rin ito ni Corazon ang ibig lang sabihin non,maaaring  iisa nga kaming dalawa, maaaring ako nga ang reincarnation ni Corazon. Ako ay sya. At sya ay ako. Ngunit Hindi na mahalaga sa akin ngayon ang tungkol don, ang mahalaga ay ang ngayon. Si Justin at ako, babalik man ako sa kasalukuyan ng hindi sya makakayakap at hindi makakasama dadalhin ko naman sa kaibuturan ng aking puso ang pagmamahalan at ala-ala naming dalawa. Dahil ako si Elyon at hindi si Corazon, marahil nga'y parehas kami ng mukha, ngunit magkaiba parin  ang aming katauhan. Dahil alam kong hindi ang puso  ni Corazon ang ginamit ko ng ibigin ko si Ginoo. Kundi ang puso ko ang syang  nagdesisyong mahalin ko ng kusa si  Crisanto.

Napatigil ako sa pagmumuni ng biglang inalis ni Justin ang ulo nya sa leeg ko.

"Saan mo nakuha ito?" nakasimangot na tanong ni Justin at itinaas ang kaliwang braso ko na may suot na bracelet, yung bracelet na may nakasulat na LOVE.

"Ah di–"

"Sinong nagbigay sayo nito?"

"I-ika–"

"Iniibig mo ba si Vergelio?"

"What?!" napalaki ang mata ko dahil sa tanong nya, ni hindi ko nga kilala ang pangalang binanggit nya!  Kaya napaharap ako sa kanya bigla!

"Iniibig mo ba si Vergelio? sumagot ka Corazon?" muling tanong nya, nakita kong nag-igting ang panga nya dahil don.

"Hindi ko nga kilala si Vergelio, tapo–"

"Kung ganun bakit nasa iyong braso ang bagay na yan? iyan ay pagmamay-ari ni Lorna Corazon!" saad nya at tumingin sa mga mata ko. Aba! sya nga tong nagbigay ng bracelet sa akin! tapos pagbibintangan nya ako?! sarap nya ding kutusin eh noh?!

"Hindi ko nam–"

"May lihim kabang pagtingin kay Vergelio?" Napalaki ang mata ko dahil don. Hindi ako makapaniwalang sinasabi nya to ngayon sa akin! Tumalikod sya na tila ba nagtatampo. Ayssttt uso pala ang pagiging childish sa panahon noon.

Napabuntong hininga ako at agad syang niyakap sa likuran.

"Ginoo?" dedma!

"Crisanto?" dedma parin.

"Mahal ko?" bahagya syang gumalaw pero hindi parin sya humarap. Hayss

"Unang-una hindi ko kilala ang Vergeliong sinasabi mo?, at wala akong pakialam kung sino iyon, dahil ang gusto kong pakialaman ay ikaw, ikaw lang ang nag-iisang lalaking iniibig ko, kaya wag ka ng magtampo ginoo" inamoy amoy ko ang likod nya, bakit nakakaadik ang amoy nya?

Kumalas ako sa yakap ng gumalaw sya at hinarap ako, malaking ngiti ang nakaukit sa labi nya ng tignan nya ako. Abnoy to!

"Binibiro lamang kita, alam kong hindi mo iniibig si Vergilio sapagkat ramdam ko sa aking puso ang pagmamahal mo!"  bakit ang corny pakinggan? hahaha!


"Alam mo naman pala e!" asik ko sa kanya.

Tumawa lang naman siya sa sinabi ko. Bat ang gwapo ng tawa niya?


"Uhm, matanong ko nga lang?, kaano-ano ni Lorna si Vergilio?" bigla ko kasing naalala ang 22, at 5 na nalaman naming ibig sabihin ng V at E

"Dating kalaguyo ni Lorna si Vergilio, nangibang bayan si Vergilio at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik. Si Miguelito na ngayon ang kasintahan ni Lorna, at yang bagay na yan, ako ang gumawa nyan, hiniling sa akin yan ni Vergilio, at ang  L at O, ay pangalan ni Lorna, samantalang pangalan naman ni Vergilio ang V at E. Vergilio Esteban ang totoong ngalan nya." mahabang paliwanag nya.


"E, anong ibig sabihin ng 22 at 5?" muling tanong ko. Mukhang nagulat naman sya sa tanong ko.


"Saan mo nalaman iyan?  walang nakakaalam non maliban sa amin ni Vergilio, dahil matalik kaming mag-kaibigan kaya't sa akin lamang nya sinabi ang ibang kahulugan ng pangalan nya" Matiim ang ginawang titig nya sa akin.

"Anong ibig sabihin non?" kuryosidad kong tanong.

"Iyan sana ang magiging petsa kung kailan nya aanyayahan si Lornang makipag-isang dibdib sa kanya" malungkot ang mga mata nyang tumingin sa akin at saka ako niyakap. Niyakap ko din sya pabalik, ngayon ko lang napansin na magdidilim na pala.


"Mangako ka Corazon, kahit anong mangyari, hinding hindi mo ko iiwan"

"Pangako, ipinapangako kong mamahalin kita hanggang sa aking kamatayan"

"Mabuti, sapagkat kung ako man  ang iyong tatanungin, hindi na mahalaga sa akin ang ibang tao, sapagkat ikaw lamang ngayon ang pinakamahalagang tao sa aking buhay, ikaw lamang ang tanging babaeng mamahalin ko ngayon, maging  hanggang sa ikalawang buhay ko kahit ilang buhay pa, ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong iibigin ko ng walang hanggan. Dahil ikaw ay para sakin, at ako ay para lamang sayo. At iyan ay isang pangako binibini"

With that, he kiss me passionately. This kiss just sealed our promises.
Kasabay non ay  nagdiliryo lalo ang puso ko sa sobrang kaligayahan.

"Halina't umuwi kana, ihahatid na kita sa inyo mahal ko" saad nya ng bitawan nya ang labi ko at saka idinikit ang noo naming dalawa,  ang sarap sa pakiramdam kapag tinatawag nya akong mahal ko. Para akong nakalutang sa mga alapaap sa sobrang saya!
Sana hindi na matapos to!

Madilim na ang paligid ng magsimula kaming naglakad pabalik sa kalsada, yung daang ginamit ko noon sa pagbaba sa dagat ay yun din ang ginamit naming dalawa ni Justin pauwi, I juat realized na diary nga ni Corazon ang binabasa ko palagi dahil ang letter M na nakatatak sa mga puno ay  Maria na unang pangalan ni Corazon.

Nahihintay na sa amin si Ising ng  dumating kami sa kalsada.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon