Kabanata 66

304 11 0
                                    

Kabanata 66

"Binibini! Binibini! Sandali!



"Binibining Corazon! Wag kang magtungo roon!"


sigaw nina Tasyo at Ising ng mabilis akong tumakbo palayo sa maisan. Kailangan kong makita si Justin at walang makakapigil sa akin.


Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong nasa likod ko parin silang dalawa at sinusundan ako. Nak' ng! Hays kailangan kong makarating doon, baka mapano pa si Justin! Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Whooo exercise!



"Binibini! Tigil!" sabay nilang sigaw.


Muli akong lumingon sa kanila at nakita kong medyo napalayo na sila sa akin hehehe, runner yata ako noong elementary! Isang matigas na katawan ang nabangga ko ng pumihit ako paharap. Oh shoot! Great timing! Hindi naman ako natumba dahil hindi naman gaanong malakas ang pagkakatama ko sa bagay na iyon, kaya nakatayo parin ako.


Inangat ko ang tingin ko sa taong nakabangga ko, at napalunok ako ng laway ng matunghayan kung sino ang nasa harap ko. Patay!


"Patawad Kapitan, bigla syang tumakbo kaya't ni mahabol sya ay hindi na namin nagawa" paumanhin ni Ising na kakarating lang at napayuko sa pagod.


Napatingin ako kay Ising at mang tasyo habang naghahabol ng hininga. Pero napadako ang mga mata ko kay Julio ng mabigat syang huminga. Kasama nya pala sa likod ang mga tauhan nya.


"Umuwi na tayo Corazon, sige mga kasama maiiwan na namin kayo" pagpapaalam nya. "Sumunod ka Corazon" madiing banggit nya sa pangalan ko este sa pangalan ni Corazon. Laglag ang balikat kong sumunod sa kanya, maging si Ising ay sumunod din.



Hindi ako natatakot ngayong pagalitan ni Julio dahil mas inaalala ko si Justin? Okay lang kaya sya? Gusto kong magtanong kay Julio pero kinakabahan ako, baka mamaya sigawan ako bigla.

"NAPAKATI–"

napatigil si Julio sa pangangaral sa akin ng biglang dumating ang ama ni Ising, nasa bahay na kami at heto ako nakaupo, habang pinapagalitan ni Julio.


"Mawalang galang na Kapitan ngunit, mayroon kayong panauhin" saad nito, kasabay non ay ang ingay ng panyapak ng panauhing dumating. Hindi ko makita kung ano ang reaksyon ni Julio dahil nakatalikod na sya sa akin, maging ang panauhing sinasabi ng ama ni Ising ay hindi ko makita dahil sa akin nakaharap ang likod ni Julio.

"Kamusta kana Julio" pakiramdam ko'y nanindig ang balahibo ko dahil sa boses na yun. Pamilyar ang boses nya!  Pinilit kong halungkatin ang boses na iyon sa isipan ko pero hindi ko nahanap. Nilingon ko si Ising na nasa isang tabi at nanlalaking matang tinignan ang nasabing bisita.


Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Julio, nakatayo lamang sya at tila ba natuod sa kinatatayuan. Bahagya syang napaatras na tila ba tinatago ako mula sa taong kaharap nya ngayon.


Dahil sa kuryosidad ko ay tahimik akong tumayo at bahagyang sinilip ang taong iyon mula sa likuran ni Julio.


Napalaki ang mata ko dahil sa nakita ko, what the! Pakiramdam koy nabalot ng takot ang buong pagkatao ko. Gayunpaman ay matapang akong umalis sa likuran ni Julio at pumagitna sa kanilang dalawa. Nanlalaking tinignan naman ako ni Julio samantalang nakangiti naman ang lalaking kamukha nya.


Ipinagpalit-palit ko ang mga mata ko sa pagtingin sa kanilang dalawa, kahit ilang ulit kong ulit-uliting tignan sila ay hindi maipagkakailang magkapatid sila. Bukod sa parehas sila ng taas, parehas din ang mukha nila. Oo, kambal sila!


Kaya nga lang ay mas maaliwalas ang mukha ni Lolo kumpara sa kapatid nya. Dahil tuwing tinitignan ko yung isa nababalot ng takot ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit.

"Itigil mo iyan Corazon, nakakaliyo ang iyong ginagawa!" saad ni Julio ng hindi ko parin tinitigilan ang pagpapalit ng tingin sa kanilang dalawa. May kakambal pala si Julio?



Hinila nya ako at itinago sa likuran nya, parang gusto nya akong protektahan mula sa kapatid nya.

"Ising, samahan mo si Corazon sa kanyang silid, at huwag kayong lalabas ng silid naiyon hangga't wala akong sinasabi" madiing utos nya kay Ising na agad namang sinunod ng huli. Hinila nya ako papunta sa kwarto ko at doon ako pinaupo.


Nilingon ko pa ang bisita bago nagpatiunod. Pakiramdam ko'y tumakas ang kalukuwa ko dahil sa ngiting nasilayan ko sa lalaki ng sulyapan ko sya. Nakakatakot!


Pinoproseso ko pa sa utak ko ang nakita ko, dalawa sila? dalawang Julio?



"Binibini? Maayos ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang saad ni Ising sa akin at saka niyugyog ang balikat ko. Marahan akong tumango sa kanya

"Mabuti!" saad nya. at saka umupo sa tabi ko habang hinihimas ang likod ko.



Bakit ganon? Takot ang nararamdaman ko sa kamukha ni Julio?, lalo na pag nagtatama ang mag mata namin parang feeling ko sasaktan nya ako. Hindi ko alam kung bakit yun ang nararamdaman ko, hindi naman ganon ang pakiramdam ko kay Julio?! pero bakit?


Nanatili akong tahimik hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.


My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon