Kabanata 39

343 12 0
                                    

Kabanata 39

"Gezzzz!" muntik na akong mahulog dito sa bintana sa biglaang paglitaw ni Justin sa harapan ko, may plano ba talaga syang patayin ako.


"Pwede ba, kung magpapakita ka, please mag warning ka muna! papatayin mo ako sa ginagawa mo e!" asik ko sa kanya habang nasa dibdib parin ang mga kamay ko. Lately, napapansin ko, ang hilig nilang manggulat!


"Anong gusto mo magpagalaw munang bagay bago lumitaw? e di mas lalo kang matatakot non? Sanay na kaya akong ganon pag nagpapakita!" nakasimangot nyang saad.



"Kahit na, may balak ka sigurong patayin ako e!" asik ko ulit dito.



"Maayos ka na ba?" tanong nya saka hinawakan ang leeg ko, oo nga pala may bakas na ng pagkakasakal don. Nailang ako bigla ng hawakan ng ang leeg ko. Shit! Kapeng mainit! bakit nag-init ang mukha ko?!


"A-ah O-Oo okay na ako hehe" naiilang kong saad. Bumaba ako mula sa bintana at itinago ang diary sa bag ko, hindi ko namalayang gabi na pala, hindi ko man lang namalayan ang oras, dahil sa pagbabasa.



"Ah salamat nga pala, pero sana hindi mo nalang ginising si Dean" saad ko at saka sya hinarap na nakatayo na pala at mataman akong tinitignan.


"Anong magagawa ko? wala akong ibang maisip naparaan para matulungan ka don, sinabi mo sakin na wag akong pumunta at sumunod sayo, kaya ginising ko na lang ang kapatid mo." Nakasimangot nyang saad. Humakbang sya papalapit, pero nanatili parin ako sa pwesto ko.


"At saka teka? bakit mo nga pala ako hindi pinapunta don?" pahabol nyang tanong. Inikotan ko sya ng mata dahil dun, hindi ba malinaw na ang sagot?



"Eh kasi nga, gagawa ako ng exorcism, at baka mapano ka pag sumama ka!" asik ko sa kanya.

"Hindi ba't pagkakataon mo na yon?" tanong nya

"Ha?"

"Diba ayaw mo akong makasama dito sa kwarto mo? pagkakataon mo na yun para mapaalis ako rito, so bakit hindi mo ginawa?" I was caught off guard. Oo nga ba't hindi ko naisip yun? Pero, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sya hinayaang sumama sa akin. Oo nga naman pagkakataon ko na yun para mapalayas sya dito sa kwarto ko.



"Ah-Eh kasi–" nanatiling nasa hangin nalang ang sinabi ko dahil wala na akong mahagilap na salita. Napalunok ako ng laway ng ngumisi sya.


"I see," natatawang saad nya.

"Is it mean that, you're starting to like me?" tanong nya na nagpalaki ng mata ko. Humakbang ulit sya ng ilang hakbang, tatatlong dangkal nalang siguro ang pagitan namin.



Para akong tuod dito, dahil hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko para umatras, pakiramdam ko ang init init ngayon dahil nararamdaman kong nagsisimula nang mabuo ang pawis ko sa likod at sa noo,  malamig naman sa labas, pero bakit ang init init dito sa loob??



"H–Ha? di ah!" dipensa ko. Natawa naman sya sa sagot ko.


"I see" natatawa nyang saad. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng tuluyan na syang nakalapit sa akin. Shoot! Yoko na!


Tinitigan nya ako at saka ko nakitang umangat ang pangitaas nyang labi habang tinitignan ako, hindi ako makagalaw, pakiramdam ko'y babagsak ako ano mang oras.


Napadako ang tingin ko sa itaas ng kilay nya. Ang peklat na yon, nanlaban ba sya? o sya mismo ang gumawa non sa sarili nya?, Hindi ba nya matanggap na ikakasal na sya? pero base sa sinabi sakin ni Historian at sa librong binasa nya, pakiramdam ko ay minahal nya si Lorna, nag-iwas ako ng tingin don dahil biglang sumakit ang dibdib ko sa nga naisip ko.


"Anong klaseng babae ka? bakit ang hilig mo sa gulo?" tanong nya mula kung saan. Pinitik pa nya ang noo ko.



"Aww! Isa akong modernong babae" nakapout kong saad, napatingin sya sa labi ko at nakita ko ang pagtaas at  baba ng adams apple nya, saka nag-iwas ng tingin. Problema nya?




"Baka hindi ko mapigilan Ely, itigil mo yan!" bulong nya pero rinig na rinig ko parin! Ang ano ang itigil ko?

Lalo akong napanguso sa sinabi nya.

Gayon na lamang ang paglaki ng mata ko ng ilang inches nalang ang pagitan nya mula sa kin, omy! ang lapit ng mukha nya! Nakita ko kung paanong bumaba ang tingin nya sa labi ko. Shit! Lalabas na ang puso ko sa sobrang tibok nito!




Isang inches na lang ang pagitan naming dalawa, at heto ako halos maduling na sa papalapit  na nyang mukha, dumikit na ang ilong nya sa ilong ko, at napalunok naman ako dahil don, Tengene!!!!


"Ely" Kasabay ng pagbukas ng pintuan at pagpasok ni mama ay ang syang pagkawala ni Justin sa harap ko! Fudge!!


Dahan dahan kong nilingon si mama, at humakbang papalapit sa kanya.

'Pinagpawisan ako Ginoo, Shit!'

A/N: hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. :)

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon