Kabanata 64
Mabilis na tumakbo si Ising papalapit kay Justin, habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanila, hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Dumagdag narin sa pagkatulala ko ang pagtibok ng puso ng masilayan ko ang mukha nyang hinahawakan ang paa nyang tinamaan ko ata ng bato.
Nangunot ang noo ko ng makita kong may ibinulong si ginoo kay Ising na syang dahilan kung bakit tumango si Ising at saka naman ito lumingon sa akin
"Binibini! Hindi kaba naawa sa kanya, wala ka bang puso upang saklolohan sya!" sigaw ni Ising sa akin, napalunok naman ako dahil don, nagigiulty tuloy ako. Hindi na ako nagdalawang isip at kusa ko nang inihakbang ang mga paa ko papunta sa kanila.
"A-ayos k-ka l-lang?" utal-utal kong tanong kay Justin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kaba, lalo na nong maramdaman ko ulit ang pakiramdam sa tuwing malapit sya sa akin. Nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa labi nya, na syang dahilan kung bakit dumoble ang tibok ng puso ko. Damn!
"Napakaganda mo, lalo na sa malapitan" banat naman ng kaharap ko habang tinitignan ko ang paa nya. Lihim akong napangiti dahil don. Hindi ko man nakikita ang mukha nya ramdam ko namang nakatingin sya sa akin ngayon dahilan upang mailang ako.
"Mauuna na ako binibini, at ginoong Crisanto, sumunod na lamang po kayo" napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ising. Ano iiwan nya ako dito? hindi na nga ako mapakali sa prisensya ni Justin, tapos iiwan pa nya ako kasama sya. Napansin ata ni Ising ang paglaki ng mata ko kaya pangiti-ngiti syang nagsalita ulit.
"Wag kang mag-alala binibini, ligtas ka kay Ginoo" ngising saad nito sa akin at napalingon kay Justin na nakatayo na at nakatingin sa akin. Kaya dali dali kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Pero–"
"Mauuna na ako ginoo, alagaan mo ang aking binibini, sapagkat kayamanan sya ng angkan ng Mercedito" nakangiti nitong saad at saka umalis, tututol pa sana ako ng magsalita ang kaharap ko.
"Halika na binibini" saad nito, tumingin ako sa paa nya, pantay syang nakatayo at parang walang bakas ng pagtama ng bato ang paa nya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakangiti naman syang naglakad papalapit sa akin. Omy!
"Naniningalang pugad ba sa iyo ang Villamar na iyon" bungad nya ng tuluyan na syang makalapit sa akin. Nangunot naman ang noo ko dahil don, paano nya nalamang nandon si Poncio kanina?
"H-ha? a-ah hindi" ilang kong sagot at saka yumuko. Nag-iinit ang mukha ko I can feel it!.
"Mabuti kong gayon" tila nasisiyahan nyang sabi. Hindi ko man maintindihan ang sinagot nya ay hindi ko na pinansin pa iyon. "Halina't tayo ay umuwi na at baka hanapin ka ng iyong ama" saad nya at nauna ng naglakad. Inangat ko ang tingin ko, nakatalikod na sya sa akin ng tumigil sya at muling humarap sa gawi ko.
"Aaah!" sigaw ko ng bigla nya akong hilahin, kaya napadikit ang katawan ko sa kanya. Naramdaman ko na naman ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
"Hindi magandang iwan ang napakagandang binibining kagaya mo" sabi nya at tuluyan ng pinagsiklop ang kamay naming dalawa, na syang dahilan ng pagtibok ng puso kong tila naging kabayong nakikipag-unahan sa karera. Tuluyan na akong nagpahila sa kanya ng higitin nya ako at naglakad. Gusto kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya, una dahil bawal iyon, at dahil nag-aalala akong baka may makakita sa amin.
Hindi ko rin naman gustong alisin dahil pakiramdam ko ay safe ako, pero hindi parin mawala sa akin ang matakot. Paano kong may makakita? paano kong makarating kay Lorna? at Worst baka makarating kay Julio! Tapos parurusahan nya ako! tapos...
"Hindi mo kailangang mag-alala Corazon, hindi ko hahayaang ika'y mapahamak" untag ng kasama ko sa akin, naramdaman nya ata ang pagkabalisa ko kaya tumigil sya at humarap sa akin. Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko, pagkatapos ay inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng takas kong buhok sa likod ng tenga ko. I feel safe.
"B-bakit?" kusang lumabas iyon sa bibig ko. Nakuha nya ata ang ibig kong sabihin kaya nagsalita sya.
"Malalaman mo rin iyon binibini" nakangiti nyang saad at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak hawak nya. "May kailangan pa akong isaayos kaya hinihiling ko na sana ay hintayin mong matapos ko iyon" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? May sira ba ang bahay nila?
Hinila nalang nya ulit ako ng wala syang marinig na sagot mula sa akin. Baka napikon? ewan bahala sya!
Pagkatapos non ay nanatili kaming walang imikan sa isa't-isa, wala rin naman akong sasabihin sa kanya, kasi natuyo na ang laway ko ng dahil sa kanya. Mukhang ayaw rin naman nyang kausapin ako, dahil wala na talagang syang sinabi pagkatapos non.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay bigla syang tumigil kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya ng tignan ko sya. Hindi ba napupunit ang labi nya aa kakangiti? Dahan dahan nyang binitiwan ang kamay ko.
"Mga limang dipa na lamang ang layo natin sa iyong tahanan, naroon si Ising..." tinuro nya ang kinaroroonan ni Ising na nakatayl at bitbit parin ang mga pinamili namin kanina. Hindi parin siguro sya pumasok. " ...Magpapaalam na ako Corazon, mag-iingat ka, at sana'y maghintay ka binibini" pagkatapo nyang sabihin iyon ay umalis na sya. Iniwan na naman nya akong may question mark sa taas ng ulo ko.
Tinignan ko lang sya habang papalayo, saka lang ako tumingin kay Ising ng hindi ko na sya natanaw.
May mapanuksong ngiti naman sa labi ni Ising ng makalapit ako sa kanya.
"Ano ang inyong pinag-usapan? ito ba'y tungkol sa inyong matamis ngunit lihim na pag-iibigan?" saad nito sa malambing na boses. Mahina naman akong natawa dahil sa itsura nya, bigla tuloy syang naging puppy, dahil parang naging puppy eyes pa ang mga mata nya.
"Hindi noh" nakangiti kong sagot at saka naglakad papunta sa bahay. Narinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Ising.
Hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay ay hindi parin ako tinigilan ni Ising. Buti nalang wala si Julio.
Minsan napapansin ko na hindi ako pinapalo ni Julio kapag may ginawa akong mali. Parang nagbago na sya?, pwede kaya yon?
'Dunno'
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018