Kabanata 11

499 22 0
                                    

Kabanata 11




"Sinong tinitignan mo?" biglang tanong ng katabi ko na si Dean. Umiling iling ako.





Muli akong napatingin sa taong nakatingin sa malayo.




"Uhm Andrea? Sino yung taong yun?" bulong kong tanong kay Andrea. Nagulat naman sya sa tanong ko. Ngunit lumapit sya at bumulong din.





"Sya si James Greco, alam mo ba kung bakit ganyan sya? Kasi yung girlfriend nya kakamatay lang Isang linggo palang ang nakakalipas. Bestfriend ko ang girlfriend nya at nakakalungkot yung pagkawala nya." paliwanang nya.





"Ah akala ko nakadrugs sya." sabi ko sa kanya na narinigpala nilang lahat at nanlalaking matang tinignan ako. Nag peace sign lang ako sa kanila.




"Alam mo ba nong nabubuhay pa si Eunice, maraming ayaw sa kanya, kasi ang sama ng ugali nya" singit naman ni Bea sa usapan, nagulat ako sa pangalang nabanggit nya ngunit kaagad ko ding nabawi ang naging reaksyon ko.







"At alam mo ba kung anong klase syang gf? Lahat ng gusto nya masusunod. Nong pumunta sila dati ni James sa mall, nag expect sya na mag po propose si James dahil nagpunta sila sa pabilihan ng singsing. Sya mismo ang nagsabi kay James kung ano ang singsing na gusto nya." Singit din ng katabi pa ni Andrea. Tahimik lang kumakain si Andrea.





"At ayun na nga napressure ang tao kaya sinabi nya na hindi sya mag popropose sa kanya. Kaya ayun si Eunice napahiya! At kung ano anu ang sinasabi kay James, kaya ayun nasaktan yung tao kaya iniwan nya si Eunice don sa mall" sabi ulit ni Bea. Naging interisado ako sa kwento nila eunice.





"Tapos nun? Anong nangyari?" kuryosidad kong tanong sa kanila.





"Hindi na nagparamdam si James kay Eunice pagkatapks non, ikaw ba naman ipahiya ka sa harap ng maraming tao at kung ano ano ang pinagsasabi sayo. Sinong hindi masasaktan diba?" singit ulit ni Bea. Nakakatuwa sila dahil mukhamg saulo nila ang istorya niJames at Eunice.




"Alam mo bang ang kapal pagkatapos nun ay araw araw na syang nagwawala sa labas ng bahay ni James? Ayaw na kasi syang kausapin ng tao e" the other girl said.





Para silang nagdedebate sa ginagawa nila.

"Nang muli syang pumunta sa bahay nila James ay don na natapos ang buhay nya." biglang singit ni Andrea at halata sa kanya na nalulungkot sya sa nangyari.





"Paanong natapos? Paano sya namatay?" tanong ko ulit.


"Pumunta sya sa bahay nila James at naabutan nya don ang mommy ni James. Dahil sa pangungulit ni Eunice ay lumabas ang mommy ni James at sya na ang kumausap dito. Sinabi nyang wala ang anak nya at umalis papunta sa California at hindi na makakabalik dito. Nang marinig ni Eunice ang sinabi ng mommy ni James ay agad nyang nilabas ang baril na nakatago sa likod nya at nagbantang babarilin nya ang sarili nya pag hindi inilabas si James. Dahil wala ngang mailbas na Jamea ang mommy nya ay nagsisigaw ito na lumabs si James na nasa california nga nong araw na yon. At boom! Sa isang iglap lang yun na!" singit ng kakarating lang na si Cyruz, sya yung lalaki kanina sa office at sinabihan na boring ang isang sister.





"Anong yun na yun?" tanong ko ulit.





"She put the bullet in her head" si Andrea na ang sumagot. Nakaramdam ako ng awa kay Eunice dahil don.






"Sinisisi ngayon ni James ang sarili nya dahil hindi kaagad sya nakauwi, kaya ganyan sya at hindi sya nakadrugs" dugtong pa ni Andrea. Tumawa ako ng mahina.

"Hehehe"




Muli kong tinignan si James. Mas naawa ako sa kanya



My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon