Kabanata 22
Kanina pa ako nakatingin sa labas ng bintana ng kotse, nagbabakasakali akong makita ko ang taong nakita namin ni historian kagabi.
"Hello?, oo, pupunta na kami, oo sasama sya, ayos naman sya, oo sige sige, bye" napatingin ako kay sleepy ng magsalita sya. May kinausap pala sya sa cellphone.
"Pupunta muna daw tayo kay James ngayon, andon daw sina father, at hinahanap ka ni James ely" sinilip nya ako sa front mirror, oo nga pala muntik ko na palang makalimutan si james.
Tumango ako sa kanya bilang sagot at saka ulit tumingin sa labas ng bintana. Narinig kong nagpatugtug ng radyo si Ian, pero di ko na pinanain iyon.
"Alam mo, sa palagay ko'y hindi buhay na tao ang nakita natin" napalingon ako kay historian ng sabihin nya iyon. Hindi sya nakatingin sa akin at may kung anong ginagawa sa cellphone nya ngunit alam kong ako ang kinakausap nya.
"Pano mo nasabi? " mahinang tanong ko. Umangat sya ng tingin sa akin at saka nagslita.
"Wala lang, napansin ko lang na nong nakita natin sya kagabi ay may nasa ilalim sya ng malaking puno. pero narealize ko na malalayo pala ang puno sa kalsada at puro palayan dito. Kaya imposibleng makita natin sya kung andon sya sa dulo ng palayan" inginuso nya ang napakalawak na palayan sa labas.
oo nga, imposibleng makita namin ang taong yun ng ganon kalayo, dahil puro palayan nga dito. Nabalot ng kaba ng dibdib ko dahil don!
"May nabasa kaba?" tanong ko, habang hinawakan ang dibdib ko na malakas parin ang pagtibok.
"wala, hinahanap ko pa e." saad nya.
Hindi ko na sya kinausap matapos non.
Ilang sandali pa ay napadako ang tingin ko sa malaking bahay na nadaanan namin na nasa gilid ng kalsada at katapat ng isang malawak na palayan sa kabilang gilid ng kalsada.
Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa bahay, pero imposibleng ito ang nakita ko sa paniginip ko kung saan pumasok si Corazon. Nanlaki ang mata ko dahil biglang may aninong lumitaw mula doon. Madilim ang bahay na iyon, halatang walang tumitira.
Masyadong madilim ang loob ng bahay kahit nakabukas ang bintana, kaya imposibleng maaninag ang looban nito, malibang nga lang kung papasukin mo.
Nawala din ang anino, makalipas ang sandali.
Nilingon ko pa ang bahay kahit malayo na kami doon, pakiramdam ko'y may pwersang humihila sa akin para tignan iyon.
Pinakaramdaman ko ang dibdib ko. Hindi normal ang tibok ng puso ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka umayos ng upo. Mukhang magkakasakit ako sa nangyayari sa akin ngayon...
Nilingon ko muna ang tatlo saka pumikit...
Katahimikan....
—
A/N: Hi sa mga newbie there😂😂😂
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018