Kabanata 34Agad akong nagpaalam kay mama na may pupuntahan pa ako kinabukasan. May gagawin pa ako sa demonyitang Eunice na yan, gusto na nya akong patayin, at sumosobra na yun.
Hindi naman nagtaka si mama, dahil sinabi ko namang dadalawin ko si James na nasa hospital parin ngayon.
Dali dali akong umalis na dala dala ang backpack ko sa likod, ginamit ko ang biseklitang ginagamit ni Josh sa pamamasyal, bahala na kung magalit sya. Basta ang mahalaga ay magawa ko na ang gusto kong gawin.
Bumagal ang takbo ng biseklita ko ng mapadaan ako sa malaking bahay, sinadya kong bagalan ang pagpapatakbo dito dahil gusto ko lang matignan ang bahay na iyon. May enerhiyang humihila sa akin at inaakit akong pumasok sa loob, halatang wala nang nakatira rito, dahil may butas butas na ang ilang bahagi ng dingding niyon.
Kalawangin narin ang bakal na gate nito, mayabong narin ang mga damong naroroon sa loob. Itinigil ko ang biseklita ko sa tapat ng luma at sirang gate nito.
Kung hindi ako nagkakamali, ito ang bahay kung saan inihatid ni ginoong del valle si corazon, maganda at halatang kakagawa lamang ang bahay na ito nong panahong iyon, anong nangyari at naging ganito ang itsura nito?.
Napamura ako ng mapatingin sa butas ng dingding, dali dali kong pinatakbo ang biseklita ko palayo doon. May nakatira ba don?ngunit imposibleng may tumira pa don dahil sa itsura ng bahay, sira na talaga ito.
Eh ano yung matang nakita kong nakasilip don sa butas? aksidente lang akong napatingin don dahil naramdaman kong may nakatingin sa akin at tama nga ako, naroon sa butas ang matang iyon, hindi ko alam kung matagal na ba syang nakasilip sa akin. Hindi ko alam.
Humina na at tuluyang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko ng makalayo na ako sa bahay na iyon, kung may shorcut lang dito ay doon na ko dadaan at hindi dito sa kalsada. Pinedal ko nang mabilis ang biseklita ko papunta sa ospital.
"Hi James" saad ko ng makaupo na ako sa tabi nya. Lumabas muna ang mga magulang nya at ang nakababatang kapatid nya upang makapag-usap daw kami ng maayos.
"Hello, nabalitaan ko ang nangyari sa school, ayos ka lang ba?" tanong nya, nakita kong wala na ang telang nakapalibot sa ulo nya.
"Ayos lang, nakakalakad pa naman ako" natatawa kong saad.Bahagya din syang tumawa sa sinabi ko.
"Mabuti naman, salamat at dinalaw mo ako rito" nakangiti nyang sabi.
"Ah okey lang yon" sambit ko sa kanya. Nagtagal pa ng ilang oras ang pag-uusap namin hanggang sa napunta kay eunice, at doon ko lang naalala ang sadya ko sakanya.
"Ah James? may picture ka pa ba ni Eunice? pwedeng makahingi?" tanong ko ng paalis na ako.
"Ah oo, sige wait lang" saad nya. May kinuha sya sa ilalim ng unan nya at nakita kong wallet iyon. Binuksan nya iyon at agad namang kumuha ng isang 2x2 ID picture ni eunice, ibinigay nya sa akin ito, at buti naman hindi sya nagtanong kung bakit ko hinihingi.
Nagpaalam na ako, at bibili pa ako ng dugo ng manok, nasira na kasi ang una kong binili.
Alas 5 na ng hapon ng makarating ako sa bahay, binisan ko kasi ang pagpapatakbo sa biseklita ng tumapat na ako sa bahay na iyon, ni sumilip roon ay hindi ko ginawa dahil natakot ako don kanina, at buti na lang hindi rin nagpakita ang malaking mama sa akin.
"Wews!!"
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018