Kabanata 33

365 11 0
                                    


Kabanata 33



"Ma! hindi ako ang may birthday!" asik ko kay mama ng ipasuot nya sa akin ang isang kulay pula at mahabang gown. Siguradong dadaigin ko si Andrea pag nagkataon.

"Hindi ba formal ang isusuot nyo dun sa party?" ngumuso ako sa kanya.






"Mom wala namang sinabi na magsuot ng pormal" sagot ko habang nakasimangot. Nakarinig ako ng mahinang tawa sa gilid ko, napalingon ako sa taong yun, at as usual nasa bintana na naman sya at nakaupo.





"Ah wala ba??!" nakangusong tanong ni mama, biglang pumasok ang tatlong magkakapatid at naka Maong na pantalon lang ang suot nila sa ibaba. Nakasuot ng skyblue sweater si Ian, habang nakalongsleeves with dots on it naman si Josh. Si Historian naman ay naka Tshirt lang na kulay maroon.









"See ma??" baling ko kay mama, natawa naman si mama, pati ang tatlo, nakisali pa ang isa na nasa bintana.








"Saan ang punta mo Ely??. may senior ball ba?" inosenteng tanong ni Dean. Inikotan ko sya ng mata dahil sa tanong nya. Psh!





Maya maya ay nagpaalam na ang tatlo at nauna sa baba. Ako na ang nagdisesyon kung ano ang isusuot ko. Nakajeans ako at naka sando na white, tinack-in ko to paloob sa pantalon at pinaibabawan ng maong na jacket. I Felt comfortable.






"Bagay sayo, hindi katulad ng isa kita ang balat mo nakakairita" biglang sambit ng kasama ko dito sa kwarto. Tinutukoy nya yata ang dress na above the knee ang haba na isinuot ko pagkatapos ng gown.







Tinignan ko sya gamit ang nanliliit kong mata, ano bang pakialam nya????







Oo nga pala niligtas nya ang buhay ko hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya. Mabuti naman at buhay pa sya, este patay na pala sya.







Sinuspende ang klase namin, dahil malaki ang napinsala sa eskwelahan. Sinabi ko din kay father kung sino ang may gawa non, dahil dun natakot si Father na baka madamay pa ang iba pang estudyante., kaya sinuspende nya ang klase at pinaaayos narin ang mga nasira.








"Salamat nga pala" mahina kong saad, ngunit alam kong maririnig nya iyon.








"May bayad yun, saka ko na lang sisingilin kapag may naisip na ako" nakangising aso nyang saad. Napabusangot naman ako dahil don. Tsk!







Hindi ko na sya inimik at bumaba na ako. Nandon at naghihintay ang tatlo kong kinakapatid habang may sari-sariling ginagawa sa cellphone.









Bumyahe kami sa madilim na kalsadang iyon. Buti nga hindi ko na nakita ang taong nakita namin ni historian.




Nakakatakot!!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon