Kabanata 31
"Hindi ka pa ba inaantok binibini??" naririnig ko ulit sakanya ang boses ni ginoong del valle, at hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis alis sa isip ko ang anyo ni ginoo.
"Hindi pa" mahina kong sagot, nanatili akong nakapikit hindi dahil gusto kong magrelax kundi dahil nahihiya ako sa eksenang muntik na nya akong mahalikan kanina. Hindi matanggal sa isip ko kung pano nya ako halikan sa pisngi kahit na alam kong may dahilan ang paghalik nya don.
"Anong iniisip mo? hatinggabi na ely, dapat natutulog kana" rinig kong saad nya. Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nya, pero hindi ako nag-abalang buksan ang mga mata ko, nahihiya parin ako sa kanya kahit na parang hindi na nya naaalala yun.
"Wala, hindi lang talaga ako makatulog" muling sagot ko sa kanya. Ang totoo nyan gusto konang matulog dahil nahihiya talaga ako, kung pwede lang sanang dumiretso na ako sa kama, ay gagawin ko pero tila ba natuod na ako rito sa kinauupuan ko dahil sa presensya nya, at hindi ko yun gusto dahil kumakabog ng malakas ang dibdib ko tuwing lalapit sya.
Hindi ko na muling narinig ang boses nya pagkatapos non. Baka wala na sya??? Idinilat ko ang mga mata ko para tignan kong andito pa ba sya, muntik na akong mahulog ng mukha ni Justin ang bumungad sa akin. Sobrang lapit ng mukha nya at halos isang inches nalang ay mahahalikan na nya ako.
Iniwas ko ang mukha ko sa hiya, hayysss, pinakiramdaman ko ang dibdib ko at parang kabayong nagkakarera ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Narinig ko ang mahinang tawa ni justin, kaya nilingon ko sya, itinikom naman nya ang bibig nya at nagpipigil ng tawa, anong nakakatawa???
"Bakit??" boryo kong tanong.
"Namumula na naman ang pisngi mo, hahalikan ko na sana kaso umiwas kana, baka masakit e" napalunok ako dahil don. Haysss
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umupo sa ibaba ng bintana, bubong na ang kinauupuan ko at bubong yun ng garahe, nasa ibaba yun ng bintana ko at ilang sukat lang ng daliri ang layo non sa bintana.
Tumutok sa akin ang liwanag na nanggagaling sabuwan, kasabay non ay ang paghampas ng hangin sa aking balat at ang marahang paglipad nito sa mga hibla ng buhok ko. Ganito yung gusto ko, yung tahimik, at payapa dahil nakakabawas iyon sa mga problema ko.
Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Justin, ano na naman ang ginagawa nito dito??
"Namimiss ko yung ganito na kasama sya" malungkot nyang saad habang nakatingin sa buwan. Tumingin din ako sa malaking buwan.
"Sino?" tanong ko ngunit nanatiling nakapako ang tingin ko sa malaking buwan na iyon.
"Ang babaeng– teka nga! chismosa mo talaga!" biglang saad nya at tumawa, haysss ano ba yan yun na e.
Tinignan ko sya gamit ang boryong ekspresyon, pero agad ko ding inaalis ang tingin ko ng matunghayan kong nakatingin din pala sya sa akin.
"Itutuloy mo pa ba yung balak mo?" biglang tanong nya. Nilingon ko sya pero di na sya nakatingin sa akin ngunit alam kong para sakin ang tanong nya.
"Oo, kailangan kong gawin yun" sagot ko at humikab.
"Hindi ba pwedeng ang pari na lang?" tanong ulit nya. This time nakatingin na sya sa akin.
"Hindi pwede, madaming ginagawa ang padre" dahilan ko sa kanya at muling humikab, inaantok na ako dahil ramdam kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
Pinipigilan ko pang wag matulog pero sadyang hindi sang ayon sakin ang mga mata ko at pumikit ako. Naramdaman kong isinandal ako ng katabi ko sa balikat nya. Narinig ko pa ang mahihinang tawa nya bago ako sakopin ng dilim. Narinig ko pa ang mahinang bulong nya bago magdilim ang lahat ngunit hindi ko na narinig pa iyon.
"Tinupad mo ang pangako mo Corazon"
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018