Kabanata 45

359 12 0
                                    

Kabanata 45

"Buti na lang nakita kita don" bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang mukha ni Historian. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.


"Hi elyyy!" tuluyan ng nakapasok sa loob si Dean na kasunod pala sina Cyruz, Andrea at iba pa.


"Ano kaba! kita mong nagpapahinga ang tao, tapos sisigaw ka!" asik ni Andrea kay Cyruz, nagkamot naman ng ulo ang huli.


"Okey ka na ba? grabe di namin akalaing may pil–hmp!" di na naituloy ni Andrea ang sasabihin nya ng takpan ni Historian ang bunganga nya. Bakit? Anong meron?


Tinignan ko naman si Dean, alam kong alam nya ang kahulugan ng titig kong iyon, nanlaki naman ang mata nya ng makita ang mga tingin ko, maya maya ay binitawan nya din ang bunganga ni Andrea at nagbuga ng hangin.


"Pwede bang lumabas muna kayo? Kakausapin ko lang!" Mahina ngunit sapat na ang lakas upang marinig nila Andrea ang paki-usap na iyon ni Dean, na agad namang tinutulan ni Cyruz.


"Ano?! kakarating ko lang tapos palalabasin mo lang ako?! pare naman!" reklamo nito, piningot sya ni Andrea sa tenga dahil ukit sa pagsigaw nya.


"Sabi nang wag kang sumigaw, sige na tara na, may sasabihin si Dean kay Ely, wag kang chismoso!" asik ni Andrea kay Cyruz, nagkamot naman ng ulo ang huli sa pagkabigo.


"Sige na, labas muna kami, babalik din kami mamaya ely" saad ni Andrea habang nakatingin sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya, sapalagay ko'y tanggap ko, na Ely na ang tawag nila sa akin ngayon. Not Bad! pero di ko parin gusto!


"Matagal na bang nasa iyo ang pelat na yan?" panimula ni Dean ng makalabas na sila. Nangunot ang noo ko sa tanong nya. Wala akong natatandaang may pilat ako, balat meron pa, hindi sa pwet kundi sa likod ng tenga ko.


"Anong peklat?" naguguluhang tanong ko. Lumapit sya ng kunti sa akin at umupo sa upuang katapat ng hospital bed ko.


"Yang peklat mo?!" muling saad nya na lalong nagpagulo sa utak ko. Ang alam ko wala akong peklat.



Tinignan ko si Dean gamit ang nagtataka kong ekspresyon. Napahawak naman sya sa pantalon nya, at tila may hinahalungkat sa loob ng pocket nya. Maya maya ay inilabas nya ang cellphone nya.



Napaupo ako, hindi ko alam ngunit sumasalakay na naman ang kaba at takot sa dibdib ko.


"Ito tignan mo" saad nya at inilahad sa akin ang cp, tinanggap ko naman ito. Gayon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita ko kung ano ang nasa larawang iyon.


"Kinuha ko yan sa aklat, kani-kanina lang." Mga peklat sa likod ang nakita ko, kung hindi ako nagkakamali, mukhang pamatpat ang tumama roon.


Napasinghap ako ng maalala ko ang senaryong natunghayan ko sa kwartong iyon. Di kaya?....


Napatingin ako kay Dean upang kompirmahin ang nasa isip ko, at mukhang nakuha naman nya iyon.


"Oo, likod yan ni Corazon, ang sabi ng manunulat na nagsulat tungkol dyan sa larawan, mahigit dalawang daan ang tinamong sugat ni Cora sa kanyang likod"  napasinghap ako sa nalaman ko, ganun kadami? pero napakabata pa ni Corazon? kung ganon ay hindi na tama iyon, dapat ay ipinpatay ang mga kagaya ni Julio, ngayon palang ay ikinahihiya ko na ang lahing pinagmulan ko.

"At...." pagpatuloy ni Dean.

"At?" tanong ko, upang maipaglatuloy nya ang nais nyang sabihin. Kinakabahan ako!


"Yang mga peklat na yan ang nasa likod mo!" dire-diretsong saad nya. Napalaki ang mata ko dahil dun! Imposible! Wala akong natatandaang may mga peklat ako sa loob! Ni minsan ay hindi ako pinagmalupitan ni Daddy kahit noong nabubuhay pa sya!



Muli akong nakaramdam ng kaba, iisa lang ang ibig sabihin non, kung totoo ngang mayron nga ako sa likod ng pelat na nasa likuran ni Corazon? Kung ganon, sumasalamin sa akin ang mga nangyari kay Corazon? Pero....

Pero...Pero? Bakit?


"Nag search ako kanina, ang sabi don, kapag may mga bakas, pangyayari, lugar, tao na nakita mo na, ay nakakaranas ka ng tinatawag ma Dejavú, hindi pa ako sigurado kung dejavu nga ang nangyayari sayo, dahil yan palang naman ang nakita ko, unless may hindi ka sinasabi sa akin" mataman akong tinignan ni Dean.


Siguro naman ay maiintindihan nya kapag sinabi ko sa kanya ang mga nakikita ko.


"Nakikita ko ang mga naging buhay ni Corazon, yung nawalan ako ng malay, doon ko nakita kung pano sya pinarusahan ng kanyang ama, hindi lang yun, nakita ko din sya sa panaginip ko ng minsang mapanaginipan ko ang kaluluwang nasa bahay" sambit ko. Tumango tango sya at saka hinawakan ang baba nya na tila ba nag-iisip.


"Hmm, sa palagay ko'y hindi lang dejavu ang nararanasan mo, may mga pamilyar bang lugar sayo na parang nakapunta ka na dati don?" muling tanong nya.


Nag-isip ako, yung krus na nasa tabing dagat, nong makita ko dati yun habang naglalakad kami ni Justin, sa palagay ko'y nanggaling na ako dun, ngunit s tabing dagat lang kasama si Justin, at wala pa ang krus doon nong panahong iyon.

"Meron" maikling saad ko.


"Reincarnation! Reincarnation ang nangyayari sayo, nakita mong nakapunta kana don, pero ang totoo hindi ikaw yon!, akala ko hindi na uso ang ganun, nangyayari pa pala yun sa totoong buhay?! tsk!" Iling iling nyang saad.

Reincarnation?.....


"Oo nga pala bakit ka nahimatay? dahil ba dun sa nakita mo? Alam kong nandun yung kaluluwa sa bahay dahil naramdaman ko sya, sinamahan ka ba nya don?" tanong ni Dean. Namula naman ang mukha ko ng maalala ang nangyari pagkatapos kong matunghayan ang kalupitang iyon.

Taena!


Pakiramdam ko'y napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko ng maalala ang mukha ni Justin habang magkalapat ang mga labi namin. Shettt!

Nakakahiya!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon