Kabanata 65

312 10 0
                                    

Kabanata 65


"Ano't hindi ka pa natutulog Corazon?" biglang tanong ng boses sa likod ko, patay! Napaikot ako paharap kay Julio na isang paa lang ang nakatukod sa sahig. Iinom kasi sana ako ng tubig, at dahil hindi ko gustong makagawa ng ingay kaya malalaki ang hakbang na ginawa ko, at naabutan ako ni Juliong ihahakbang na sana ang kaliwa kong paa pababa, pero naiwan sa ere.

"Ah, iinom po sana ako ng tubig" sagot ko sa kanya na nananatiling nakataas parin ang kaliwang paa ko. Tinignan nya ang kabuan ko at napatigil sya sa paa kong nakataas. Kumunot ang noo nya na syang dahilan kung bakit sumalakay ulit ang kaba sa dibdib ko. Pagagalitan ba nya ako?, hindi na ba lumalabas si Corazon pag oras na ng pagtulog? sana pala hindi nalang ako lumabas.

"Ibaba mo iyan" matigas nyang utos. Dali dali ko namang ibinaba ang kaliwang paa ko at saka tumayo ng tuwid. " Maidlip kana pagkatapos, bukas ay isasama kita sa maisan" mahinahon na nitong saad, na syang ikinataka ko. Nagbago na nga ata sya, bumait si Lolo!

"Oho"

Pagkatapos non ay nagdiretso na siya sa kwarto nya. Nakahinga ako ng maluwang dahil don, grabe talaga ang pressure na dala ni Lolo sa dibdib ko, parang aatakehin ako ng Asthma. Gosh!

Actually, hindi lang ako iinom ng tubig, hinihintay ko rin si Ising dahil hindi pa sya nakakuwi. Nagpaalam kasi sya kanina sa akin na may pupuntahan daw sya. At hindi pa sya nakakabalik hanggang ngayon. Buti nga hindi napansin ni Julio na wala pa si Ising.


Nagsalin ako ng tubig sa baso at pinuno ito. Ininom ko ang kalahati ng tubig at saka naglakad sa upuang nasa sala dala ang basong may tubig. Nagtangka akong ilabas ang cellphone ko mula sa tagiliran ko, pero muli iyong itinago sa takot na baka biglang lumabas si Julio at makita iyon.


Dahan dahan kong inilapag ang baso ko sa lamesang katapat ng upuan ko at humakbang papunta sa kwarto ni Julio. Pinilit kong wag makagawa ng ingay para hindi sya magising kung sakali mang tulog na sya. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto nya at nakinig.

Parang ginawa ko na to dati. Pinilit kong pakinggan ang hilik ni Julio mula sa loob ng kwarto nya, at ng makarinig ako ng hilik ay takip ko ang bibig ko habang tumitili, sinabayan ko pa iyon ng malademonyong tawa Wahaha! Dali dali kong inilabas ang cellphone at umupo ulit sa upuang inupuan ko kanina. Im free! Im free to use my phone!

Ikinabit ko ang earphone kong dala sa phone ko at saka inilagay sa tenga ko. Namimis ko na ang buhay ko sa kasalukuyan. Kamusta na kaya sina mama? si Sleepy? si Grumpy? si Historian? at si tito Fred? e yung mga kaklase ko? Masyado na ba akong nag-eenjoy sa time na to?


Muntik na akong mapasigaw ng biglang lumitaw sa harapan ko si Ising, Fudge!. Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga ko at tinignan sya na mukhang natatakot na nakatingin sa cellphone ko. oh! impostor nga pala tong cellphone ko para sa kanya. Itinago ko ito at saka lamang sya umupo sa katabing upuan.


"Nakarinig ako ng balita mula sa labas ng bayan!" habol hiningang saad ni Ising at saka ininom ang baso ng tubig na inilagay ko sa lamesa. Napangiwi naman ako.

"Anong balita?"

"May mga dayuhang dumating raw mula sa espanya at nakipag-kaibigan dyan sa kabilang bayan, dyan sa bayan ng Barcel, sa wari ko'y tutungo rin sila dito, at natitiyak kong dito ang tuloy nila" salaysay nya. Ising is the girl version of historian, ang dami nya ring alam.

"Ising?  tatlong milyon dagdagan ng isang daang tatlumpu't tatlo, ilan lahat?"  Napakamot naman sa ulo si Ising at saka nagsimulang magbilang. Lihim akong natawa. See?.


"Masyadong mahirap ang iyong ipinapasagot sa akin Corazon" reklamo ni Ising sa akin habang nagbibilang parin.Haha!

"kaya mo yan!"

"SINASABI, ko na nga ba't lalaking magandang babae ang nag-iisang supling nina Teresa at Rolan–"

"Tumigil ka Tonyo at baka marinig ka ni Corazon."

yan ang mga bulong bulongan ng mga tao dito sa maisan. Tinotoo nga ni Julio na isama ako dito. Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako, si Corazon nga ata ang tinutukoy ni Ka Tonyo na anak ni Teresa at ng lalaking binanggit nya? parang may mali. Diba dapat Julio at Teresa? Sa kabila ng narinig ay ipinagkibit balikat ko na lamang ito.


"Mga kasama, nais kong lubos ng ipakilala ang aking anak na si Corazon, batid kong mabibilang lamang sa inyo ang nakakakilala sa kanya kaya ipinakilala ko sa inyo si Maria Corazon Mercidito, ang tanging magmamana ng Ari-arian ko" Lumabas ang ngiti sa labi ni Julio ng ipakilala na nya ako. Ngiting walang bahid ng kaplastikan. Bakit pakiramdam ko'y mabait syang tao?Pero taliwas naman ang ipinapakita nya sa mga naaalala ko. Bakit ganun?


Yumukod ako at nagpasalamat sa mga tauhan ni Julio. Maraming bumati sa akin at nagsasabing namana ko raw ang kagandahan ko sa mama ko. Ni hindi nga kami magkamukha ni mama.

Ilang oras na akong tumutulong na mag-ani ng mais ng biglang may lalaking humahangos na dumating.


"Kapitan!Kapitan!" tawag nong lalaki, hindi na nito alintana ang nagtataasang puno ng mais, mahalaga siguro ang sasabihin nya. Tumayo ako at humakbang papunta sa kinaroroonan ni Julio. Medyo malayo ako ng ilang dipa pero rinig at kita ko parin sila.


"Ano't humahangos ka Tasyo?" rinig kong tanong ni Julio sa lalaki.


"Kapitan! mayroong kaguluhan na namang nagaganap sa pagitan ng dalawang pamilya!" pagod na sabi ng lalaki at saka ininom ang tubig na inabot sa kanya ng isa sa mga tauhan ni Julio.

Napatindig naman ang lolo ko at saka isinuot ang salakot sa ulo. Sinong dalawang pamilya? Ngayon ko lang narinig na may dalawang pamilyang nag-aaway pala sa lugar na to?

"O sya, dito ka lamang at bantayan mo si Corazon, tutungo ako roon" matapang na saad ni Lolo, nagsama sya ng ilang tao na nandon at naglakad na nga palayo.


Dali dali akong lumayo roon at pinuntahan si Ising na busy sa pag-aani ng mais.

"Ising? sino yung dalawang pamilyang nag-aaway?"



"May iba pa bang pamilyang nag-aaway rito sa atin maliban sa pamilyang Del Valle at Villiamar?" tila walang ganang sagot ni Ising at saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Bigla akong nagpanic dahil don!

Si Justin!

Akmang tatayo na ako pero namataan kong binabantayan nga ako nong Tasyo na yun. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, mukhang wala akong takas dito.

Kailangan kong puntahan si Justin!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon