Kabanata 73

286 9 0
                                    

Kabanata 73

"Corazon!" nagulat ako ng marinig ang lamig ng boses ni Julio pagkapasok namin ni Ising sa loob ng bahay. Bigla akong kinalabutan ng makita ang seryoso nyang mukha ng mabaling ang tingin ko sa kanya.

Mukhang sinasagad na ng tadhana ang kamalasan ko ngayon, una yung mga sinabi ni Marie at ito naman ngayon, nakikita kong galit si Julio dahil sa nanlilisik nyang mata at wala akong ideya kung bakit galit sya ngayon.

"Po?"

"Saan ka nagtungo?" madiin nitong tanong sa akin, ngayon ko lang narinig ang ganun nyang boses, parang may mali. Dati naman ay hindi sya ganyan kahit na pinapagalitan nya ako. Napalingon ako sa taong katabi nya na prenteng nakaupo lang sa isang nakahilig na upuan. Nakangisi sya ng malaki sa akin.

Sa paraan pa lang ng mga ngisi nya alam kong may ginawa sya na sigurado akong hindi ko magugustuhan, mukhang may hindi magandang nangyayari at hindi ko mawari kung ano iyon.

"Kina Marie ho Kapitan" si Ising na ang sumabat  sa tanong ni Julio.

"Hindi ikaw ang aking kinakausap Ising! kaya't manahimik ka!" napatalon kami ni Ising sa gulat dahil sa sigaw na iyon ni Julio. Hindi ko talaga maintindihan. Sa buong panahon na nandito ako sa Casañarez, hindi ko pa narinig ang mautoridad na sigaw ni Julio.

"Huwag nyo po syang sigawan, nagsasabi lamang po sya ng totoo" malumanay na sagot ko pagkatapos ay itinago si Ising sa likod ko dahil nakita ko ang panginginig ni Ising.

"Diyata't natuto kanang sumagot Corazon" singit naman ni Ronaldo sa tabi, hindi ko sya pinansin dahil alam kong nakangisi parin sya ngayon.

"Saan ka nagtungo Corazon?!" muling tanong ni Julio,napalunok ako at dahil matalim ang titig nya saakin ngayon, na tila ba ay may malaki akong kasalanang nagawa.

"K-kina Marie h-ho" malumanay kong sagot. Napaatras ako ng marinig ulit ang sigaw nya.

"Sinungaling! Bakit hindi mo na lamang sabihin na magkasama kayo ni Crisanto?" sigaw nya. Nagulat ako sa sinabi nya. How did he know? Nag-iingat naman kami ni Justin kapag nagkikita. Pero paanong nalaman ni Julio na nagkikita kami ni Justin?

"Yun po–" naputol ang sasabihin ni Ising ng matalim na tumingin sa kanya si Julio. Ngayon ay nakikita ko na kung paanong totoong magalit si Julio.

"Hindi kami magkasama at iyon ay ang katotohanan" matapang kung sagot at saka hinawakan ng mahigpit ang bahagi ng damit ko sa tagiliran.

"Akala mo ba'y hindi ko nalalaman na nakikipagkita ka kay Crisanto?" mahina ngunit may diin ang pagkakasabi nya ng bawat salita.

Napatingin ulit ako kay Ronaldo, biglang pumasok sa isipan ko na posibleng sya ang nagsabi kay Julio na nagkikita kami ni Justin. Maaaring sya ang nakikita kong anino na palaging sumusunod sa amin ni Crisanto. Akalako nong una ay nagkataon lamang, pero narealize kong kami nga ang sinusundan nong aninong yun nong makita ko ulit ito sa bulwagan.

At malakas ang loob kong si Ronaldo ang may-ari ng aninong iyon.

"Nakikipagkita ka sa taong malapit ng magkaroon ng pananagutan" tumigil saglit sa pagsasalita si Julio at saka tumingin sa akin, nakita kong may gumuhit na sakit sa kanyang mga mata. "Isa syang Del Valle Corazon, hindi mo sya maaaring ibigin" pagpapatuloy nya. Naramdaman kong hindi dapat iyon ng sasabihin nya, dahil may mas malalim pa na dahilan kung bakit nya sinasabi sa akin ang lahat ng ito ngayon.

"Nag-iibigan kami ni Crisanto, Mahal namin–"

"Hindi nyo maaaring ipagpatuloy ang inyong pag-iibigan, sapagkat sya ang pu–"

"Ronaldo!" sigaw ni Julio na syang nagpatigil kay Ronaldo sa iba pa nyang sasabihin.

Medyo naguluhan ako sa kanila. May lihim ba sila?

Hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong natakot sa kanilang dalawa ngayon, nagkaroon pa ako ng lakas ng loob na alamin ang posibleng lihim nila.

"Mananatili ka rito sa loob ng bahay na ito hanggang sa matapos ang pag-iisang dibdib ni Crisanto at Lorna" malamig na saad ni Julio, na syang nagpadurog sa puso ko at ikinangiti ng malaki ni Ronaldo.

"Hindi mo maaaring gawin iyon sa akin Ama!" naiiyak kong saad.

"Ito ang nararapat Corazon" saad nya.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon