Kabanata 27
Tahimik lang kaming naglalakad, sa kalsada, may mga tindahan pang nakabukas kaya medyo maliwanag pa ang dinadaanan namin at hindi pa kami masyadong nakakalayo sa school.
Pakiramdam ko ngayon ay nasa gitna kami ng isang tahimik na bayan, Pero ganito talaga dito kapag gabi, maagang nagsasara ang mga tindahan pagsapit ng alas syete ng gabi, kaya kailangan mo talagang umuwi ng maaga.
Tinignan ko si Justin na nasa gilid ko, diretso lang ang tingin nya sa daan, tumingin ako sa likod upang makita kong may anino sya, pero wala, kahit na may streetlights nang nakatapat sa kanya. Ilang taon na kaya syang patay???
"Anong iniisip mo???" biglang tanong nya, napatingin ako sa gawi nya. Hindi sya nakatingin sa akin at diretso lang na tila ba may inaalala.
"Wala" mahina kong saad.
Hindi na sya nagtanong pagkatapos non. Isang katahimikan ang bumalot sa amin. Paano nga pala ako makakauwi??? iniwan na ako ng tatlo.
Natigilan ako ng tumigil si Justin, sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya, isang krus sa dagat na pinaiilawan ng liwanag ng buwan ang naroon. Kagaya nya ay pinagmasdan ko din yun. Parang perpekto ang pagkakagawa ng krus at ang pwesto non sa dagat. Kung titignan mong mabuti, tila nakatusok ang krus sa buwan At nagsakto ang liwanag niyon dahil nakikita ang anino ng krus sa dagat. Hmmm.
Bigla ay naalala ko ang nakasulat sa diary. May binanggit na dagat don. Lihim kong kinuha ang talaarawang iyon sa bag ko at binasa ang unang pahina. Ngayon ko lang napansin na may nakasulat sa pinakaibaba na....
'Ikaw ang aninong nilikha ng liwanag na nasa gitna ng dagat, at tila ba...... sadyang kayo'y ginawa para sa isa't-isa ng iyong tanglaw.'
'At masakit iyon para sa aking loob ginoo.....'
Halos hindi ko mabasa yun dahil sobrang liit ng letrang sinulat nya, marahil ay paraan nya ito para hindi mapansin kung sakali mang may makabasa. Muli kong itinago iyon at tumingin ulit sa dagat.
anino? sino?? Tanglaw?? sino???
"Tara na, umuwi na tayo" mahinang saad ni Justin nahimigan ko ang lungkot sa boses nya.
Muli kaming nabalot ng katahimikan, marahang humahaplos sa mukha ko ang malamig na hangin, nakikita ko pa sa anino ko na nililipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko. Nakaramdam ako ng saglit na kapayapaan ng isip ng malanghap ko ang hanging nagmumula sa dagat. Wala sa sariling napangiti ako.
May mga pamilyar na lugar at pangyayari na, nakikita ko kahit ngayon ko lang nakita. Napapikit ako ng makaramdam ng konting kapayapaan. Nitong mga nagdaang araw ay maraming gumugulo sa isipan ko, at gusto kong makawala sa mga isipang iyon.
"Corazon" rinig kong sambit ng katabi ko. Napamulat ako ng mata dahil don! Kilala nya si Corazon???
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, at nakita ko naman syang nakatingin sa akin na tila ba may nakikitang ibang tao sa katawan ko.
Napatigil kaming parehas sa ilalim ng isang streetlights. Hindi ko alam ngunit kusa na akong tumitig sa kanya, at ganon din naman sya. Sa mga oras na yon pakiramdam ko'y naging isa ang pag-iisip namin, pakiramdam ko'y nag-isa ang pagtibok ng dibdib namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.
Tila ba....nakita ko na sya dati pa...
Muling dumapo sa katawan ko ang malamig na hangin, naririnig ko na rin ang huni ng mga kuliglig at ang paglagaslas ng dahon sa mga puno...Tibok lang ng puso ang naririnig ko at iisang tao lang ang nakikita ko sa mga oras na ito.
'Ginoong Crisanto Del Valle'
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018