Kabanata 57

354 14 3
                                    

Kabanata 57


Tahimik lang akong nakatayo rito sa taas ng kama habang hinihintay si Ising, hindi pa ako nakabihis dahil parang ayokong suotin ang mga mahahabang saya na nakatago sa loob ng aparador. Magaganda naman sila, kaso ang plain ng kulay. Ang boring tignan.

"Corazon ano pang ginagawa mo riyan?? hala't pumanaog ka pababa at magpalit ng iyong kasuotan" biglang saad ni Ising habang isinasara ang pintuan. Napanguso ako.

"Ayoko kasing isuot ang mga damit na nandyan, hindi kasi pasado sa taste ko" bulong ko dahil nasa kabilang kwarto lamang si Julio.

"Taste?, ano iyon?" naguguluhang tanong nya sa akin, ay putik!

"Ah hindi ko rin alam, pero wag mo ng pansinin yon hehe" natatawa kong sagot sa kanya. Umiling iling sya at saka binuksan ang lumang aparador at ginalaw galaw ang mag damit na nandon.

Napaupo ako sa kama, at sinusundan ko lang ang bawat galaw nya. Pansin kong, tinatawag akong binibini ni Ising kapag may kaharap kaming ibang tao, pero pag kaming dalawa lang corazon lang ang tawag nya sa akin, siguro ay in-allow yun ni Corazon, baka best of friends sila, kaya parang sobrang komportable ni Ising sa akin. Lihim akong nagkibit balikat, gusto ko rin naman na corazon nalang ang tawag nya sa akin, kung pwede nga lang elyon na lang, kasi mas komportable ako don.

"Uhm, Ising?? palagi kabang sinisigawan ni Jul-este ni ama?" Tanong ko ng maalala ko kung paanong parang hindi naapektuhan si Ising kanina sa pagsigaw ni Julio. Nagkita kong nagtaas baba ang balikat nya at tumigil sa ginagawa nya at saka humarap sa akin ng nakangiti.

"Ayos lang sa akin na sigawan ako ng iyong ama, dahil wala pa ni sa kalahati ng iyong hintuturo ang mga parusang natatanggap mo mula sa kanya, kumpara sa mga sigaw nya sa akin" maluluhang saad nya, may kung anong humaplos sa dibdib ko ng sabihin nya iyon.

"Kung maaari ko lang pasanin ang mga parusa ng iyong ama sa iyo ay ginawa ko na." malungkot nyang saad at tumabi ng upo sa akin." Ngunit alam nating pareho na hindi iyon mangyayari, dahil hindi iyon pahihintulutan ng iyong ama." pagpapatuloy nya, ramdam kong may namuo nang butil ng tubig sa mata ko pero pinigilan ko itong tumakas mula roon.

Parang naging matanda si Ising ngayon sa mga sinabi nya, ibig sabihin ay alam nyang pinarurusahan ni Julio si Corazon, nakita rin kaya nya yung pagpapalapat ni Julio ng pamatpat kay Corazon noon?.

"Tumayo kana riyan at isuot mo na ito, wag mo nang dagdagan pa ang galit ng iyong ama sa iyo kapag naabutan nyang narito kapa" nakangiti nitong saad, isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya at saka tumayo, mabigat din siguro sa dibdib nya ang makitang nasasaktan si Corazon. Mukhang kilalang kilala na nga nya si Corazon.

Tinulungan nya akong isuot sa akin ang sayang napili nya. Tahimik lang ako habang inaayos nya ang buhok ko. Namanhid na ata si Ising, o kaya'y nabingi na sa mga sigaw ni Julio, dahil parang wala lang para sa kanya ang sigaw ni Julio kanina.

Lihim kong kinuha ang cellphone kong nasa ilalim ng unan, at inilagay ito sa camera, another remembrance with Ising.

"Ano ang bagay na iyan?" tanong nya ng mapansin ang cellphone, sakto dahil tapos na rin nyang ayosan ang buhok ko. Itinapat kk sa kanya ang front camera, at nanlalaking mata naman nyang tinignan ang sarili nya at saka umatras! Omo! natakot ko yata!

"Impostor!! itapon mo iyan! ginagaya nya ang aking wangis!" nahintatakotang asik nya. Paktay! natakot nga! Dali dali ko syang nilapitan nang hindi ko parin binibitawan ang phone ko.

"Ising hindi ito impostor, ang tawag dito cellphone" saad ko ng tuluyan na akong makalapit nakatakip ang mga kamay nya sa mga mata nya, natakot ko ng sya!

"Ilayo mo sa akin ang bagay na iyan!" mahinang sigaw nya habang humihikbi. Nataranta naman ako kaya itinago ko sa likod ang phone ko.

"Wala na" saad ko at saka lamang nya inalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha, napabuntong hininga ako at saka ngumiti. Inilabas ko ang cellphone ko, pero bago pa makasigaw si Ising ay tinakpan ko na ang bunganga nya.

"Wait lang okey? makinig ka muna, hindi impostor ang bagay na ito, ang tawag dito cellphone, at yung sinasabi mong impostor ang tawag dito camera" sabi ko sabay kuha saming dalawa habang nakatakip parin ang kanang kamay ko sa bibig nya.

Nanlalaki parin ang mga mata nya habang nakatingin sa akin, ipinakita ko sa kanya ang kuha ko. Mukhang nacurious sya  don, kinuha nya ang phone ko at tinitigan ito, tinipa tipa pa nya ang screen nito na nakakunot pa ang noo nya.

"Hindi na ito gumagalaw, hindi na nya ako ginagaya" she said.

"Picture na kasi yan" saad ko at sumunod sa kanya na naupo sa kama.

"Picture?" naguguluhang tanong nya habang nakatitig parin sa picture. Ano nga palang tagalog ng picture? litrato? larawan?

"Ah larawan iyan, kapag pinadevelop ko yan, maganda ang kalalabasan niyan" nakangiti kong tugon sa kanya. Napatingin naman sya sa akin at saka binitawan ang phone.

"Kakaiba, wala niyan sa eskwelahan, maging ang mga kumukuha ng larawan ay hindi katulad niyan ang gamit" iling iling nitong saad." Kung hindi lamang kita kilala ay mapagkamalan na kitang hindi ka nagmula sa panahong ito, dahil sa mga kakaibang gamit na iyan" muling saad nito, *gulp*.

Napalunok ako, nakakapansin pala talaga sya ng mga kakaiba. Dali dali kong itinago ang cellphone ko at umayos ng tayo, baka malate na kami sa birthday party ni Poncio. May cake kaya don? Ice cream?. Baka letchon lang hehehe!

"Pasensya na Ising, hehe tara na baka mahuli pa tayo" pang-iiba ko. Mukhang nahimasmasan naman sya kaya tumango sya.

"Mas mainam, at ilang oras lamang ang pananatili natin roon, tayo na Binibini" saad nya at nauna na syang lumabas sa pinto. Sumunod lang ako sa kanya. Natakot ko sya hahah! naka pag si Justin ang ginanon ko, baka matakot din sya haha!

Hindi ko pa pala sya nakikita, ang sabi ni Ising sa makalawa daw? kailan ba ang makalawa? martes ba? Taena! Explain!

'Goodluck Ely!' mahinang bulong ko at saka sumunod kay Ising palabas ng bahay.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon