Kabanata 19

439 14 0
                                    

Kabanata 19

"Whaaaaaaaaaa"


Bago pa ako makasigaw ay may nauna nang sumigaw sa akin. Ehhhh sino yung sumigaw?


Hindi ko napansing may kasama pala ako sa loob, isang bata ang lumabas mula rito sa closet. Hindi nya ako nakita?





Ibigsabihin hindi nila ako nakikita????? ehhhhh?





"Sinasabi ko na nga ba, naririto ka na naman sa aking silid" pahayag ni Del Valle sa bata, nakita ko namang tumawa ang bata.





Lumabas ako mula rito sa pinagtataguan ko, isinuot ko pa ang isang damit na nakita ko roon para ipantabon sa buong katawan ko. Mahirap na baka nakikita nila ako.






"Hehehee, nahanap mo na naman ako ginoo" saad ng bata habang nakakalong sa binti ng binata, nakita ko na namang napangiti si Del Valle sa sinabi ng bata. Ang gwapo pala nya, kamukha nya si Justin hehehe, wait? what? si Justin?????



Pinakatitigan kong mabuti ang itsura ng binata habang masayang nakikipag-usap sa bata. Oo nga kamukha nga nya si Justin. Ehhh justin?



Literal na napanganga ako sa narealize ko, oo si Justin nga, anong ginagawa nya dito??? Pero imposible!!!




"Hindi kaba hinahanap ng iyong ama sa inyo Corazon??" rinig kong tanong ng binata sa batang babae.



"Eh, nagpaalam na ako kay ama na pupuntahan kita" kamot kamot na sabi ng bata. Ang ganda ng pangalan nya Corazon. Natatandaan kong sinabi sa akin ni lola na Corazon daw ang pangalan ng ninuno namin. Kapangalan nya yee.



Nakangiti na ako habang nakatayo rito. Ang saya nila pagmasdan.



Teka asan nga pala sina mama? Hahanapin ko pa nga pala sila.



Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita ang lalaki.



"Sandali!" sigaw nito. Ha? ako ba ang pinapatigil nya? ehhh? nakikita ako ng kalook alike ni Justin? omygaddd!!!



Pinagpawisan ako sa kinatatayuan ko habang nakatalikod sa face sounds familiar ni Justin. Napalunok pa ako ng laway.




"Paano ka nga pala nakapasok dito?" tanong niya. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko'y di ako makagalaw.


Omygossssshhhhh!!!!! Dos por dos!! Marimar!!!!Dora!!! help me !!!

-

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon