Kabanata 13
Nagising ako ng makarinig ako ng ingay sa paligid Ko. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nadatnan ko ang mga bago kong kaibigan at mga kinakapatid na nag-uusap. May mga kaklase ko rin ang narito. Nasaan nga ba ako? Ang alam ko ay nabagsakan kami ng semento ni James.
"Si James!!!" sigaw ko at napabangon, Nang marealize kong masama ang tama nya kanina ay pinagtyagaan ko syang hilahin, pero dahil nabagsakan ang paa ko ng semento ay nabitawan ko rin sya. Bago pa man ako mapapikit kanina ay nakita ko ang nag-aalalang si Father Esteban, na humahakbang papalapit sa amin. Pagkatapos non hindi ko na alam ang nangyari.
"Whaaa" napasigaw si Andrea ng makitang gising na ako, lumapit agad sya sa akin at niyakap ako. Nilingon ko ang iba pang narito sa loob, halos lahat ay mababakasan ng pag-aalala samukha, maliban kay Joshua. Napairap ako sa kawalan ng mapansin ko ang ekspresyon nya. Poker face.
"Stepsister, ayos kana ba? Grabe ka! paano mo nalaman na babagsak ang kisame?" tila nag-iisip na sabini Ian.
"Malamang nakita nyang babagsak ang kisame" sagot naman ni Dean. "Aray" reklamo nya ng batokan sya ni Ian. Kinamot pa nya ang batok nya at masamang tumingin sa kuta nya.
"Bess, nag-alala kami sayo my gosh!, buti at pilay lang ang inabot mo!" singit ni Andrea. Napansin ko ngang nakabenda ang kaliwang paa ko. Ginalaw ko ang paa ko para matiyak kong hindi ito napurohan. Hindi nga, makakalad pa siguro ako.
Maya-maya ay nagsilapitan na rin ang mga kaklase ko. Alam na kaya ni mama?? Naku! mapapagalitam ako non.
"Ahm, si James kamusta na?" Tanong ko kay Andrea. Nag-iba ang ekpresyon nya ng itanong ko yon.
"Okey lang naman sya, sabi ng doktor baka daw dead on arrival si James kung hindi mo lang sya iniligtas at hinarang ang katawan mo" nakangiting saad nya. Wews! buti naman, siguro kailangan kong protektahan si James mula kay Eunice.
"Mabuti naman" sagot ko sa kanya.
"Alam mo bang sikat ka na sa school? Hanep ka kabago bago mo palang sikat kana" singit ni Ian sa usapan namin. Anong sikat?
Tinignan ko si Andrea ng nagtatanong. Nakuha naman nya ang nais kong itanong.
"Ah, oo, balita na sa buong school ang pagligtas mo kay James, grabe ka! hooo" mahinang sigaw nya.
"Ayon sa nabasa ko, pag may ginawa kang kabutihan sa kapwa mo ay matatandaan ka ng tao dahil dun sa ginawa mo, sa palagay ko'y ganon ang nangyari sayo Elyon" Singit ni Dean, ayan na naman sya.
"Hindi ko sinabi sa mama mo ang nangyari sayo kaya magpasalamat ka" biglang sabi ni Sleepy. Ang sungit! lagi yata syang may dalaw!
"Ah, salamat" sagot ko na lang.
"Sige magpahinga kana girl, sabi ni Dok, makakauwi ka naman kasi hindi ganon kalala ang bali mo, dadalawin na lang kita" mahabang saad ni Andrea. Tumango na lang ako.
Sabay sabay silang lumabas pero nag paiwan Yung tatlo. Step brothers.
"Sabihin mo lang kung gusto mong umuwi, andyan lang kami sa labas" masungit na saad ni Josh. Tango lang ang isinagot ko. Lumabas sila, ngunit nagpa-iwan si Historian, haysss ano na namang ang sasabihin nito.
Magsasalita na sana ako, ngunit muntik na akong mapasigaw ng biglang lumitaw sa harapan ko si Justin!!!! Shit! Napahawak ako sa dibdib ko ng kumalabog ito ng malakas!
Papatayin ba nya ako sa gulat!!!!
Bwisit sya!'
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018