Kabanata 36
"Ayos kana ba?" biglang tanong ni Sleepy mula sa pintuan, nasa likuran nya sina grumpy at historian. Tuluyan na silang nakapasok sa loob ng silid ko, naupo sa tabi ko si historian, habang nakatayo aa harapan ko sina grumpy at sleepy.
"Oo, okay na ako" Saad ko habang hawak hawak ang leeg ko.
"Pano ka napunta don ng ganong oras?"biglang tanong ni Sleepy. Napalunok ako, fuck! pano ko sasagutin yun? pakiramdam ko'y pinagpapawisan na ako.
"At saka pano mo nalamang nandon sya Dean?" bumaling ang tingin naming tatlo kay Dean na tahimik lang nakaupo sa tabi ko dito sa ibabaw ng kama.
"Naramdaman ko lang na andon sya" kibit balikat nitong saad. Napatingin ako sa kanya, may hindi sya sinasabi sa akin.
"At saka elyon! yung biseklita ko, ginamit mo pa talaga yun! pakialamera ka talaga, pati yung lubid ni Daddy nakita naming nakatali dyan sa isang paa ng kama mo!!! Puro ka kalokohan, ano na naman ang ginagawa mo dun ng hatinggabi??" sunod sunod na salita ni Sleepy, pakiramdam ko'y aantukin ako sa mga sinasabi nya.
"Sorry," iyon na lamang ang nasabi ko, at tinignan si grumpy na nakatayo lang pala at nakatingin sa amin.
Maya maya ay lumabas narin sina sleepy at grumpy samantalang nag paiwan naman si Historian.
"Ito nga pala, mga homeworks yan, kinopya ko na sa mga kaklase mo para sayo, ilang araw kanang hindj pumapasok simula ng itinigil ni father yung pagsuspende sa klase." tinanggap ko ang tatlong notebook na inabot nya sa akin.
"Salamat" tipid kong sagot. "Ah historian, pano mo pala nalamang nandon ako sa school?" tanong ko ng maalala kong gusto kong itanong iyon. Nakita ko kung panong para syang naging tuod. Natigilan sya sinabi ko.
Dali dali nyang isinara ang pintuan ng kwarto, pagkatapos ay naupo ulit sa tabi ko.
"Hindi ko alam kung maniniwala ka, kagabi kasi, habang natutulog ako, may malamig na hanging humahaplos sa balat ko at tila ba ginigising ako." saad nya, tinignan nya ang magiging reaksyon ko pero ipinahiwatig kong ituloy ang kwento.
"Ramdam na ramdam ko yun, hindi ako tinigilan ng malamig na hanging iyon hanggang sa tuluyan na akong napabangon, tapos....tapos biglang may bumulong sakin na nasa panganib ka daw!!! at kailangan ka naming puntahan sa school!!!, totoo yun ely maniwala ka!!! totoong narinig ko yun, hindi ako tinigilan ng malamig na hanging iyon hangga!t hindi ako nagigising!!! sa palagay ko'y kaluluwa yon,! maniwala ka ely!!!" mahabang saad nya, napangiti ako.
"Naniniwala ako!" nakangiti kong saad. Tila ba nagulat sya sa naging tugon ko kaya napalaki ang mata nya.
"Talaga? naniniwala kang may multo dito??" kuryosidad na tanong nya. Tumango ako. Napasinghap sya ng may marealize sya.
"Nakikita mo sya??" tanong ulit nya. tumango ulit ako.
"Lalaki? boses lalaki ang nadinig ko kagabi" saad nya muli akong tumango. Lumingalinga sya sa paligid.Tila ba may hinahanap sya,tapos ay bigla syang napakapit sa braso ko.
"Andito ba sya??" tanong ulit nya.
"Wag kang mag-alala wala sya dito" pagpapakalma ko sa kanya. Kumawala naman sya mula sa pagkakayapos sa braso ko.
"Ah dean? Pwede ba akong magtanong?? Alam mo ba kung ano ang meaning ng initial na L.O.V.E?" tanong ko rito, sandali syang nag-isip at maya maya ay tumayo sya.
"May kukunin lang ako sandali lang." saad nya bago lumabas, hindi ko na sana papansinin iyong binigay sakin ni Justin na bracelet kung hindi ko lang nakitang may tuldok pala ito sa pagitan ng mga letra.
Maya maya ay pumasok ulit si Historian dala dala ang ang isang luma at makapal ng libro. Naupo sya at binuklat ang aklat, parehas kaming napaubo dahil sa alikabok nito.
"Sandali, hahanapin ko lang yang tinatanong mo" saad nya bago buklatin ang iba pang parte ng aklat.
Maya maya ay napatigil sya.
"Aha! Gotcha!" biglang sigaw nya.
"Ayun dito, ang letrang L ay para sa pangalang Lorna, at ang O naman ay sa Olivious, ang V ay....bakit 22? at 5 naman sa E? hindi ko makuha." nahihirapang saad nya.
"May larawan dito ng isang babae, sa palagay ko'y sya si Lorna, base sa pangalang nakalagay sa ilalim ng larawan." muling saad ni Dean, tinignan ko ang larawang iyon, nakaupo ang babae habang nakasuot ng bestidang puti, nakalugay ang maiksi nyang buhok at masasabi kong walang emosyon ang mukha nya nong kinunan sya dito. Napansin ko ang maliiit na letra na nakaguhit sa ilalim ng larawang iyon. Maria Lorna Olivious, basa ko doon.
Sino sya???
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018