Chapter 4: Meaning of Love

3.9K 97 0
                                    

Zen's POV (Teacher)

Satisfied ako kahapon sa ginawa kong parusa kay Ms. TroubleMaker.
Akala mo magpapatalo ako? Hinding-hindi ako magpapatalo.

*Riiiinnnggggggg Riiiiinnnggggggg*

Maraming estudyante ang pumasok sa loob ng classroom. Pumunta na sila sa kani-kanilang mga upuan. Tinignan ko yung desk ni Sunhee. Wala pa siya? Or maybe absent?

"Good morning Mr. Gueveras!" Bati ng klase sakin habang nakatayo. Nang pagkatapos nila ako batiin, sabay-sabay ko silang pinaupo.

Nung nakita ko parin na wala si Sunhee, parang ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon. I shrugged that feeling off and then proceed to the lesson.

Nung nagsusulat ako sa board, Nagulat kaming lahat biglang may bumukas ng pintuan.
Si Sunhee, agad naman parang naramdaman ko yung pagtuwa nung nakita siya. What is this feeling?

Nakita kong hindi niya ako pinansin at basta-basta nalang naglakad papunta sa upuan niya. I cleared my throat para makuha atensyon niya.

"Ms. Troublemaker, wala ka bang sasabihin?" Sabi ko sa kanya at tinaas ko kilay ko.
"Wala." Sagot niya habang hindi nakatingin sakin, nagdodoodle lang siya sa notebook niya.
"Sigurado ka?" Tanong ko ulit. Tumango nalang siya.
Nagbuntong hininga nalang ako at nagproceed sa lesson. Kailan ba siya matututo ng manners? Tsaka ang snobber niya pa!
.
.
.
.
.
"Okay class! May ibibigay akong performance task sa inyo. Search what's the meaning of 'love'. Tapos gumawa kayo ng poster tungkol dun. Walang magsesearch sa Google, Dictionary o kahit anong website pa. Dapat based on you're mind yan. Hindi lang kayo mag-isa gagawa niyan, kailangan niyo ng partner. Since mabait pa naman ako ngayon, kayo ang pumili ng partner nyo. Okay start! Papasa nyo yan ngayon! Kumuha nalang kayo ng kartolina dito sa gilid. Huwag niyo lang uubusin."

Maraming estudyante nag si tayuan at pumunta sa kani-kanilang kaibigan. Nakuha ng atensyon ko si Sunhee. Nakaupo lang siya dyan. Walang partner.

Lalapit na sana ako,ng bigla akong naunahan ng isang estudyanteng lalaki. Siya ay si Adrian Vicencio. Isang sikat na basketball player dito sa school.

"Sunhee, pwede ba kita maging partner?" Tanong niya kay Sunhee.
"Pwede." Umupo siya sa tabi ni Sunhee at nagstart na silang mag-usap.
.
.
.
Tinitignan ko lang yung dalawa. Sina Sunhee at Adrian. Kanina ko pa sila pinapanood. Ewan ko ba? Parang gusto ko lang sila panoorin.
Nakikinig rin ako sa pinag-uusapan nila. It turns out, si Adrian yung taga drawing at si Sunhee naman yung taga-research.
Habang si Adrian nakaisip na siya kung ano yung iguguhit niya, Si Sunhee naman, parang wala pa rin maisip.

"Huy! Naka-isip ka na nung meaning nun?" Narinig kong tanong ni Adrian.
"Meron kaso lang, ayoko isagot yun. Parang mali eh."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin sakin yung buong klase. Pati na rin si Sunhee.

"10 minutes." Sabi ko at marami sakanila nagmadali. Maraming na sakanila binibilisan yung pagkulay ng drawing. Kasama na dun sina Sunhee at Adrian.
Pinanood ko ulit yung dalawa. Hindi nila alam na sila lang pinapanood ko.

"Bilisan mo magkulay! Mali! Hindi red yung heart! Black dapat! Tsaka dapat may guhit dito! Ako na nga!"
Nakakatuwa silang panoorin. Mostly, kay Sunhee lang ako nakatingin. Hindi ko lang talaga matanggal yung pagtingin ko sa kanya. Ewan ko ba kung ano nangyayari sakin.

"5 minutes."

Nung sinabi ko yun lalo sila nagmadali. Natawa naman ako sa mga reaksyon ng ibang mga estudyante. Pero mas lalo akong natawa kay nila Adrian at Sunhee.

"Ay bwiset! Naputol yung krayola!" Sabi ni Adrian. Lalong nagpanick si Sunhee at tinulungan na rin siya mag kulay.
.
.
.
.
.
.
.
"5.........4.......3....2....1....Times up!"

Tumingin sakin yung buong klase except kay Sunhee. Nagkukulay pa siya, kasama si Adrian.
"Ehem... I said, times up! Ms. Gonzales and Mr. Vicencio."

Tumigil silang dalawa sa pagkukulay at tumingin sakin. Pero nung tumingin sakin si Sunhee, inirapan niya nalang ako. Taray naman nito.

"Okay class, please come forward with your partner when I call you..."

Sunhee's POV

Naiinis na ako sa kanya. Pinapamadali niya kami. Bwiset siya! Malapit na nga kami matapos eh! Sana kami huli ni Adrian.

"Adrian Vicencio and Sunhee Gonzales, please show us you're work in front." Great just great!

Pumunta kami ni Adrian sa harapan at nung pinakita namin yung drawing namin sa kartolina, marami sa mga kaklase ko ang natawa at marami rin sakanila nagtaka.

"Ano yan? Pwet?" Sabi ni Rey. Isa sa mga comedians dito sa klase namin. Lalong tumawa yung mga kaklase ko sa sinabi niya.

Yung nakadrawing kase sa poster namin ay isang puso. Na may hati sa gitna. Yung kaliwang parte ng puso ay kulay pula. Yung nasa kanan na parte ng puso ay kulay itim.
My smiley face sa kaliwa at may umiiyak naman sa kanan. May nakadrawing rin na holding hands sa ibabaw ng puso.

Pinatahimik ni Mr. Masama yung klase dahil sa kakatawa nila. Pfft! Ganda ganda ng gawa namin eh.

"Okay, please explain you're work." Sabi ni Mr. Masama. Ako yung taga-explain kase magaling ako pagdating sa mga ganito. Tawag ko na sakanya ay Mr. Masama kase ang sama niya sakin eh.

"This poster symbolizes the meaning of love. The left side means that love can make you happy. Love makes us think of the positive side. It bring smiles to our faces and leads us to the bright side..... The right side is the complete opposite of the other. Which means that Love does not only make you happy. It can also lead us to sadness too. That holding hands in the top of the heart symbolizes that when you love someone, it's hard for them to let go......... you need to be strong when it comes to love. Di ko lang alam kung totoo nga ba yung love. Pero agree ako sa mga bitter diyan. So yun lang, Thank you!"

Nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko sa mga sinabi ko. Binigay namin kay Mr. Masama yung poster namin at umupo na kami ni Adrian sa sari-sarili naming upuan.

"Good job Adrian and Ms. TroubleMaker! Perfect na sana kaso lang yung last sentence na sinabi mo ay...... ewan. Okay next!"

Wala na akong pakialam kung sino yung next kase matutulog nalang ako. Linagay ko yung arms ko sa desk at hiniga dun yung ulo ko.

Inaantok ako.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon