Chapter 43: Remembered Everything

1.9K 52 5
                                    

Sunhee's POV

Magkasama kami ni Adrian ngayon. Nandito sa mall, ewan ko ba? Si Adrian nag-aya sa akin dito. Pero okay na rin yun, bored naman ako sa bahay eh.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong sa akin ni Adrian. Naghanap ako ng restaurant, maraming choices. Kaya wala akong mapili.

"Saan ba gusto mo?" Tanong ko sa kanya pabalik. Nagkibit-balikat lang siya. Man, this is going to be tough.

"Kung saan gusto mo, dun ako kakain." Sabi naman nito. Well, stubborn naman siya so, okay...

"Sa Greenwich. Lasagna lang gusto ko, wala ng iba." Sabi ko sa kanya. Tumango siya at naglakad kami papunta dun. Paborito ko kase yung lasagna.

Pagkadating namin sa Greenwich, walang masyadong tao kaya nakapagpila kami agad at nakapag-order. Kay Adrian, o-orderin raw niya ay isang pasta, pizza at ewan ko. Basta marami siyang in-order. Makikihingi nalang ako.

Muahahahahaha! Char.

Basta lasagna nalang yung akin, busog pa ako eh.

Pagkatapos naming mag-order, pumunta kami sa table at umupo. Tinignan ko lang surroundings ko at nakita ko na lahat ng mga nandito ay couple.

Ang dami nilang romantic moments... all I gotta say is....

Yuck.

Ba't pa sila magiging couple?? Kung alam naman nila yung mangyayari sa susunod?

You know the cycle? Ok. Magkakagustuhan kayo ni 'crush', tapos magcoconfess siya sayo. Tapos magiging together, at magpapakasal.

HOY! DI PORKET KINASAL NA, HAPPY ENDING NA AGAD!?!?!? LUH!

Tapos nagka-anak kayo, bigla nalang kayo mag-aaway dahil hindi umuuwi ng maaga yung asawa bla bla bla bla bla! Sa huli, magkakahiwalay rin naman.

Kung sakaling magbalikan.... edi wow.

"Sunhee. Uy. Okay ka lang. Kanina ka pa nakatitig sa dalawang mag-asawa na yan. May problema ba?" Tanong ni Adrian. Ngumiti ako at umiling.
"Psshh! Kailan pa ako nakatitig sa dalawang 'nagmamahalan'?"
"Kanina lang."umirap ako sa sagot niya. Nakita ko siyang nakangisi nanaman sa akin.

"Selos ka lang noh? Kase puro couples yung nandito tapos yung bestfriend mo lang yung kasama mo?" Sabi niya habang nakangisi.

"Bestfriend pala tayo? Kailan pa? Jk." Kita kong sinimangutan niya ako. Ang cute.

Bigla nalang niya akong binatukan at natawa naman siya sa reaksyon ko. Kaya natawa rin ako. Masaya talaga toh kasama.

Tawanan lang kami ng tawanan, halos lahat ng mga tao dito sa loob ng restaurant ay tinitignan kami. Pero di nalang namin pinsansin.
We stopped laughing and started to catch our breath. Dumating yung mga pagkain namin at nagsimula na ako kumain. Ignoring Adrian who's just staring at me while eating.

Tinignan ko rin siya pero he looked away...

"... Anong gagawin mo pagna-alala ka na ni Zen??" Tanong ni Adrian. Nabigla ako sa seryosong mukha niya. As in yung parang hindi kami nagtawanan kanina.

"Edi magiging masaya. Ano pa ba??" Sabi ko. I heard him chuckled bitterly.

"Alam ko yun. Pero, ano kasunod na mangyayari? Magkakatuluyan pa ba kayo?? Or??"
What's up with all this questions??

"Wala. Magiging masaya lang ako. Parang malabo naman na magkakatuluyan kami. Malabo naman rin na mahal niya ako. One-sided love lang. Pero hayaan mo na, pinipilit ko naman mag-move on eh, kahit mahirap." Nararamdaman kong kumikirot yung puso ko habang sinasabi ang mga toh.

Nagbuntong-hininga siya habang ako naman ay subo ng subo ng pagkain dito para mawala yung malungkot na aura. But, it doesn't seem to work.

Nakatitig lang siya sa akin. It sends shivers down my spine.

"Gusto kong tandaan mo toh, Sunhee. Dapat dun ka sa mga taong nagpapasaya sayo. Oo, alam kong si Zen ang nagpapasaya sayo, pero hindi na ngayon. Nasasaktan ka na pagnakikita mo kasama niya yung asawa niya. Meron pa namang mga ibang lalaki diyan na pwede mong mahalin eh." Agree naman ako sa mga sinasabi niya.

"Kung mahal mo ang isang tao, handa ka na sa lahat. Handa kang masaktan, handang magsakripisyo para sa kanya at higit sa lahat, you're ready to let him go.... even if it hurts. As long as he's happy, I'll be happy. Kahit masakit."

Habang sinasabi ko yun, nakita kong naging malungkot yung expression ni Adrian. I didn't know what I was doing.... basta-basta ko nalang hinawakan ang kamay niyang hawak-hawak niya, habang nakatitig lang ako sa kanya.

Nagkatitigan kami ng may marinig kaming nagbukas ng pinto. Hindi parin humihiwalay kamay ko sa kanya.

Zen's POV

"Where do you want to eat, love?" Tanong ko sa asawa ko. Naglalakad kami dito sa mall, naghahanap ng restaurant para makakain.

"I love Greenwich. Dun nalang tayo, love."
"Sige."

Pumunta kami dun. Pagpasok namin sa loob, halos lahat ng mga nandito... couples.

Umupo kami sa upuan malapit sa gilid. Si Grace ang nag-order habang ako naman naghihintay na bumalik siya dito sa table.

May nararamdaman na may tumititig sa akin kaya tinignan ko kung sino. Lumaki ang mga mata ko nung nakita ko si Sunhee, nakatingin sa akin.

Kaso lang, the sad part is.... she's holding Zen's hand.

Nakita kong nakatingin sa rin akin si Zen. Pumunta silang dalawa sa table ko.

"Hey Bro, kamusta ka na?" Bati sa akin ni Adrian. Ngumiti nalang ako. Pagtingin ko kay Sunhee, kanina pa siya nakatitig sa akin.

Dun nagkaroon ng mga paru-paro sa loob ng chan ko.

Sunhee's POV

Tinitignan ko lang si Zen. Walang expression yung mukha niya pagtingin sa akin. Kaya naman ako nasaktan ng onti dun.

"Hi Ze-"Kakausapin ko sana siya ng bigla siyang tumakbo paalis. What??

Nakita kong may hinihila siyang babae. Teka, ba't pamilyar yung baba- SI GRACE!!!

Hindi ko alam kung bakit siya tumakbo papalayo sa akin kaya bumalik nalang kami ni Zen umupo dun sa tables namin. Tinapos naalang namin yung aming pagkain habang nagkwekwentuhan.

"Don't worry, Sunhee. I think he needs time with his wife." Tumango nalang ako ng matamlay.
"O-okay."

Zen's POV

"Hi Ze-" tumakbo ako paalis sa kanya. Hinila ko si Grace paalis ng ng restaurant. Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Love, what's going on??" Tanong sa akin ng asawa ko, hindi ko nalang siya pinansin at patuloy tumakbo habang hawak-hawak yung kamay niya.

Huminto naman kami sa isang tabi at nagpahinga.

Hindi pa ako ready. Hindi pa ako handa na harapin si Sunhee.

Dahil.... natandaan ko na ang lahat.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon