"Adrian!?"
Nagkatinginan kami sa isa't-isa habang nanlaki yung mga mata namin. Inalis ko tingin ko at hinila braso niya. Iniwan lang namin dun si Zen na nagtataka sa nangyari.
Pumunta kami ni Adrian sa walang taong lugar at buti nalang na hindi sumunod si Zen. Pagpunta ko dun, tinitigan ko siya.
"Sunhee-"
"Anong nangyari kay Zen?" Tanong ko sa kanya."Teka lang. Dapat nga ako muna magtanong eh. Anong nangyari sayo?" Tanong niya ulit pabalik.
"Gumanda." I flipped my hair sideways. I'm proud of myself. Nakita ko naman nag 'tsk' siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit ka umalis ng MNH? Miss ka na ng Class 309. Yung principal, ang strikto na sa amin. Tsaka, gusto namin pagtrippan kaso lang natatakot kami eh. Ikaw lang yung tanging nakakagawa nyun."
Paliwanag niya. Napangiti ako sa mga sinabi niya.Namiss ko rin sila....
"So... kamusta naman kayo ni Zen? Hindi na ba kayo magkaaway? Magkaibigan na ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Bigla kong nakita yung pagkaba sa mga mata niya.
"Uh.... actually Sunhee, may nangyari. Si Zen ay na-" hindi niya natuloy ang pagsasalita niya nung may humila sa kamay ko.
"Mahal na prinsesa! Bawal ka po makipag-usap sa mga lalaki, bilin ng iyong ina! Halika na po at tayo'y makaalis na dito." Sabi ni Janine na hinihila hila yung braso ko. Pinigilan ko naman siya.
"Kaibigan ko siya. Pwede ko ba po siya kausapin?" Pilit ko kay Janine.
"Bawal po, mahal na prinsesa. Bilin po sa akin ng ina mo. Kaya po, halika na." Sabi niya.Nung hinawakan niya ulit braso ko, agad ko naman hinila at lumapit kay Adrian.
"Sorry about that." Sabi ko ulit sa kanya.
"Okay lang. At bakit tawag niya sayo 'mahal na prinsesa'?" Tanong niya."It's a long story and I got no time to explain. See ya! Until we meet again!"
"Okay, See you too!"Tumakbo ako papalayo sa kanya at pumunta ulit kay Janine. Nakita ko na may kotse na sa harapan niya at yun na yung driver namin.
Binuksan ni Janine yung pinto sa harap pero nagtaka ako kung bakit pinigilan ito ng driver.
"Miss Janine. I believe Princess Sunhee should sit here. It's her mother's orders." Sabi nung driver. Nakita kong nawala yung ngiti ni Janine at padabog sinara yung pinto at binuksan niya yung sa likod. Dun na siya umupo.
Ako naman, binuksan ko yung pinto ng harap ng kotse at tinignan ko si Janine sa likod. Tulog. Humihilik na.
Tulog agad? Kakainom pa nga lang ng kape eh.
"Driver, bakit niyo po ipinalipat si Janine sa likod? Alam ko hindi nagbibilin yung nanay ko ng ganun eh." Tanong ko kay driver. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Oo, admit ko na gwapo siya... para na talaga siyang model kesa driver. Besides, 21 years old rin siya. Kasing age ni Zen.
Gwapo niya talaga pag ngumingiti.
Pero si Zen paren nasa puso ko..... loyal ako eh. Ohhhhh!
"Princess, please call me by my name, Mico."
"M-Mico?""Yes... ang ganda pakinggan pag ikaw yung nagsasabi eh." Wow nemen! Kinilig ako dun.
Pero si Zen paren nasa puso ko.....
"Ay thank you. Di ko alam kung compliment yun o ano.... basta, thanks for saying that." Ngumiti ako sa kanya at nakita kong namula siya.
Pinaandar niya yung kotse at ayun.... ZOOOOOOOOMMMMMMMMM!
Habang umaandar yung kotse, nagdecide ako na kausapin ko siya para di ako bored.
Ang sarap kase niyang makausap eh.
"Driv-I mean, Mico! Alam mo ba na.... may gusto sayo si Janine?" Sabi ko sa kanya. Nakita kong parang binalewala lang niya toh.
"Oo.... alam ko na yun. Halata naman eh. Tsaka, di ko type yung mga ganyang babae. Masyadong clingy. Di mo alam kase nasa likod ka nakaupo kanina. Hinihimas niya yung kamay at braso ko habang nagdadrive." Sabi niya with a disgusted look on his face.
Tumawa naman ako ng mahina.
"... Ganyan talaga si Janine. Anyways, ano ba yung type mo?"
"Ikaw...."Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ano ano? Pakiulit nga?"
"Sabi ko ikaw. Kase kakaiba kang babae. Maganda, mabait, inosente at hindi clingy. Anghel. Yan ang type ko." Sabi niya.
Weh? Ganun raw ako?
"So.... yun ang tingin mo sa akin? Para akong anghel?" Nalilito kong tanong. Tumango siya.
"Oo. Bakit? Halata naman na mukha kang anghel ah." Natawa naman ako sa mga pinagsasasabi niya.
"Ako? Inosente? Mabait? What the fudge! Hahaha! That is the most ridiculous thing I've ever heard." Nagtaka naman siya.
"Bakit? Ano ba yung totoo mong ugali?"
"I'm the worst troublemaker in my old school, bro. Kaya ko paalisin lahat ng teachers sa school na yun. Pinagtitripan ko sila kaya sila umaalis sa school na yun. Students love me and I love myself. Pero meron akong isang teacher na hindi ko pa napapaalis sa school na yun." Kwento ko sa kanya.
Kahit focus siya sa road, alam kong nakikinig siya sa akin.
"At sino naman yung teacher na yun?" Tanong niya.
"Si Zen Gueveras. I call him, Mr. Masama."
"Bakita tawag mo sa kanya yun?" Natawa siya sa sinabi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Kase, masama siya noon. Palagi niya ako linalait. I hated him. Pero nawala yung hatred ko sa kanya sa katawan ko. Napalitan naman yun ng pagmamahal." Sabi ko sa kanya.
Pagtingin ko, nakita ko na hinigpitan niya ang paghawak ng steering wheel at bumilis yung kotse. Syempre, si Janine tulog paren.
"Mico! Dahan-dahan lang! Baka makabangga tayo!" Sabi ko sa kanya at hinawakan yung braso niya. Bumagal naman ito.
Tumigil ang kotse sa tapat ng pharmacy at tinignan ko lang siya kung bakit ganyan reaksyon niya.
"Mico-"
"I'm so stupid!"
"What? Don't say that!"
"I am."
"Bakit ba?"
"Ang tanga ko kase nainlove ako sayo. Nag-apply ako ng job na toh para makita lang kita at makausap. Kaso lang, may mahal ka na palang iba."Lakas makahugot. Pero natamaan ako dun ah.
"Sorry-"
"Di mo na kailangan magsorry. I'll just let you go. It's not that easy. Pero Princess, kahit man na mawala ka sa akin, basta ikaw paren ang tanging babaeng nasa puso't isipan ko. Pagkailangan mo ng tulong at kung gusto mo ng balikat na papag-iyakan, nandito lang ako para sayo.""Awww~" yinakap ko siya dahil ang cute ng sinabi niya. I treat him as a friend only.
Masakit ma-friendzone pero kailangan mo paren ito matiis.
"Pretend that never happens, okay,princess?" Sabi niya at tumango naman ako
"Oo. Sorry ha? May mga babae pa naman diyan na pwede maging sayo eh. Si Janine, maganda naman siya. Pero di talaga maiiwasan sa babae ang pagkilig pagnandyan si 'crush'. Anyways, uwi na tayo. Baka pagalitan pa tayo nila ma-Mother pala."
"Sige." Umandar ulit kami pauwi.
Diba sabi ko nga na loyal ako kay Zen?
Tsaka, siya paren mahal ko kahit may mga lalaki na may gusto sa akin.
Loyal ako kay Zen.
Pero ang tanong,
Loyal ba siya sa akin?
I don't know..... but I hope na hindi niya ako ipagpalit sa ibang babae. Kundi, mawawala tiwala ko sa kanya.
Kasalanan ko naman toh eh... Iniwan ko siya....
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...