Zen's POV
Liniligpit ko na yung mga gamit ko. Tapos na rin ako magcheck kase onti lang yung mga seatworks na ginawa namin. Kanina pa pala yung mga estudyante umuwi, Ang sinasabi ko ay kanina pa dismissal. Naiwan ako dito para magcheck.
Hindi ko nakausap si Rose kase nakatakas nanaman yun.
Lumabas akong classroom at linock ko yung pintuan. Lumabas akong school gates at pumunta sa parking lot kung saan nakalagay kotse ko.
Habang papunta ako dun, may narinig akong umiiyak. Babae boses eh. Pamilyar pa.
Teka.... Si- Oh no! Sana naman hinde!
Sinundan ko yung direksyon nung tunog ng iyak.
Nasa likod ng kotse ko. Nakita ko isang babaeng nag-aaral rin sa MHN. Umiiyak. Hindi ko makita yung mukha kase nakatago toh. Isang highschool student.
"Iha, bakit ka umiiyak?" Tanong ko dun sa estudyante.
Tumingala naman siya at tumingin sa akin. Nakita ko na ang mukha niya at walang iba kundi si Sunhee! Nanlaki naman yung mga mata ko kase first time ko lang siyang makitang umiiyak.
"S-Sunhee? B-Bakit ka umiiyak?" Kaming dalawa lang nandito sa parking lot. Walang mga tao kaya walang nakakakita sa amin.
Agad naman pinunasan ni Sunhee ang luha niya at umingil.
"Hindi mo na kailangan malaman. Sige, alis na ako." Sabi niya in a VERY cold voice. Kinuha niya yung bag niya at tumayo. Maglalakad na sana palayo sa akin ng bigla kong hinawakan ang kamay niya.
Tumingin naman siya sa akin ng masama.
"Sabihin mo sa akin yung problema mo, Sunhee. Malay mo, baka may maitulong pa ako."
Hinihila niya kamay niya para matanggal sa hawak ko pero lalo ko hiniitan yung paghawak ko sa kamay niya. Ayoko siya bitawan. Masakit pag pinakawalan ko siya."BITAWAN MO AKO! WALA KA DAPAT MALAMAN!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at dun ko naman nabitawan kamay niya. Umalis na siya.
Sinundan ko na lang siya kahit hindi niya alam. Para naman akong stalker.
Anyways, nakita ko siyang dumiretso sa isang...... Bar?
Iinom na agad siya? Bata-bata niya pa!
Pumasok siya pero ako nanatili sa labas. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hinde kase ayoko pumunta diyan dahil ang baho.
Pero gagawin ko toh para kay Sunhee. Gusto kong ligtas siya.
Pagpasok ko sa loob, ang sikip! Maraming mga sumasayaw. Mga babae, nakatingin sa akin na parang gusto makipag- You know.
Ang hirap hanapin kung nasaan si Sunhee. Ang daming tao. Ang laki pa ng area. And dami ring tao. Kaya siguro ilang oras ako maghahanap dito kay Sunhee.
But I will still do it! For her!
Sunhee's POV
Nandito na ako, nasa pinakadulo ng bar. Kung saan walang tao ang makakapansin sa akin.
Naka-isang bote na ako ng alak, pero nalasing ako agad.
Hayaan mo na! Wala akong pakialam! Basta mawala lang yung problema na toh sa isip ko!
Kumuha ulit ako ng baso at linagyan yun ng alak. Agad ko naman ring ininom yun.
Nasusunog yung lalamunan ko! Ang pait pa! Pero gustong gusto ko pa! Hindi ko matigilan!
Nahihilo na rin ako sa kakainom. Tsaka nararamdaman ko na umiinit yung paligid ko. As in, umiinit.
Pagkaubos ko ng isang baso, naglagay ulit ako. Pagka-puno niyon, iinom ko ulit. Paunti-unti na nawawala yung problema sa isipan ko.
Maganda yun!
Pagka-ubos ko ng baso, lalagyan ko sana ulit ng may biglang kumuha sa bote.
Tinignan ko kung sino at nakita ko si........Adrian?
"Sunhee. Tama na yan! Lasing na lasing ka na oh. I-uwi na kita! Shet, pinagpapawisan ka na!"
Nararamdaman ko yung pagbuhat ni Adrian. Napangiti naman ako dun kase para akong lumilipad.
Tinignan ko yung mukha ni Adrian habang binubuhat niya ako. Mas lalo akong napangiti at tinouch ko yung mukha niya.
Ang kinis ng mukha niya at ang gwapo pa.
Nakita kong tinignan niya ako pero papikit na papikit yung mata ko kaya nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...