Chapter 37: The Heart-Breaking Party

2K 45 3
                                    

Sunhee's POV

3 hours later......

Ako lang mag-isa dito sa bahay. Pano ko na alam? Wala kaseng tao sa bahay at kita ko na wala sa parking lot yung bike ni Adrian. Siguro umalis, pero I just shrugged it off.

Kanina pa ako nandito sa loob ng kwarto. Walang ginagawa kundi humiga nalang sa kama. Isip ng isip.

Iniisip ko kase kung ano gagawin ko sa party. Sana may makilala akong gwapo. YIIIIIEEEEEE! charot.

Huwag na. Madalas kase yung mga gwapo, mang-iiwan eh. Madalas, playboys.

At meron pa. Kung sino pa yung gwapo, siya pa ang bading. Ano yuunnn?!? Lokohan? Sayang naman kagwapuhan....

*knock knock*

May narinig akong katok sa pinto ko at alam kong si Adrian yun.

"Bukas." Sabi ko at bumukas naman yung pinto. There stood Adrian with a happy expression on his face.

"Sunhee. Magbihis ka na. Aalis na tayo mamaya." Sabi ni Adrian habang nakalabas yung ulo niya sa pinto.

"Oo. Sige. Magbibihis na ako. Kaso lang, wala akong masuot."

Nung sinabi ko yun, hinuga ko ulit yung ulo ko sa kama. May narinig akong mga maliliit na tadyak ng paa, papalapit sa akin.

Binangon ko ulit yung ulo ko sa kama at nakita ko si Adrian sa harap ko. May hawak siyang mga damit na hulaan kong binili lang niya toh kanina.

"Ano yan?" Tanong ko. Tinaas niya yung kanyang kilay as in parang obvious naman.
"Damit." Sagot nito.

"Anong gagawin ko diyan?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Di ba obvious? Syempre, susuotin."

"Alam ko. Pero para saan?"
"Malamang, sa party. Diba wala kang damit na masuot kanina? Kaya kanina yung habang umalis ako, bumili ako nang susuotin mo."

Wow! Very kind gentleman!

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanya habang kinuha ang damit na hawak hawak ng kamay niya at pumunta ng CR, para magbihis.

Nung sinarado ko yung pinto, narinig ko siyang nagsalita.

"Huwag mo masyado pagandahin sarili mo!" Sigaw niya sa labas ng pinto. Natawa naman ako.
"Bakit!?"

"Kase baka mainlove nanaman ako sayo." Natawa naman ako sa mga pinagsasasabi niya. Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto na ang pagkakaalam ko na lumabas na si Adrian.

Hinubad ko na yung damit ko. Paghubad ko, tinignan ko muna yung damit na binili ni Adrian. Isa siyang silky dress. Overshoulder, knee-length at color pastel pink siya. May gold belt rin siya dito sa gitna para sa bewang.

Sinuot ko at pagkatapos ay tumingin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Maganda naman sa akin. Bagay!

Tinanggal ko yung tali ng buhok ko. Sinuklayan ko yung aking buhok hanggang sa wala nang matirang buhol-buhol.

Pagtingin ko sa salamin, nagandahan naman ako ulit sa itsura ko.

Kinuha ko muna toothbrush ko at pagkatapos ay nagsipilyo na rin ako. Para naman pag may babatiin ako, hindi siya mamatay sa baho ng hininga ko...

Tsaka nga pala, yung pagpasok ko kanina dito, dinala ko na rin yung makeups ko. Kaso lang, hindi naman ako masyadong nagmamakeup.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon