Chapter 40: Criminal

1.6K 41 1
                                    

Sunhee's POV

"Yan ah! Go go! Bilis! Aaannd- Argh!" Muntik ko na maibato yung mouse ng computer yung nakita kong talo ako sa linalaro kong laro. Napasandal ako sa upuan habang nag-iisip kung ano mga gagawin.

Luh akong magawa dito.

Ilang segundo, nakapag-isip na ako ng gagawin. Magluluto nalang ako para saktong pagdating mamaya ni Adrian, may makain kami.

Curious rin ako kung saan siya ngayon at sinabi raw niyang malayo raw ang kanyang pinuntahan.

Ehh... it's none of my business anyways....

Pumunta ako kusina at nagsimula na akong magluto ng pagkain. Buti nalang magaling ako magluto, kung hindi? Nakoo! Sunog ang buong bahay.

Nagdecide na ako na ang lulutuin ko ngayon ay...... Fried chicken! Yay!.... no.

I opened the kicthen cabinet to see.... nothing.

I'm not really that surprised na walang mga pagkaing nakalagay dito. Kaya ang gagawin ko nalang ay yung pumuntang grocery store.

Okay na tong suot ko. Malapit lang naman yung grocery store eh. Naka-tshirt lang ako at short shorts.

Pero di talaga ako komportable sa short shorts pag lalabas. Marami kase akong naririnig sumisipol eh, lalo na yung mga ano diyan? Mga tambay? They tried cat-talking with me, if you know what I mean.

Pero hayaan mo na! Kung kailangan ko ng pagkain, I will do anything for food.

Food is life.

Kinuha ko yung wallet ko sa kwarto. Pagkatapos ay sinarado ko ang pinto ng bahay, making sure na dala-dala ko yung susi upang hindi na ako mamroblema mamaya sa pagpasok ng bahay.

Malapit lang yung grocery store. The problem is, pagkalabas ko palang ng bahay, may mga batang teenager na kasing-age ko lang ay mga nakatambay jan sa gilid ng kalsada. Nakatingin sila sa akin pero di ko nalang pinansin. May nakita pa nga akong kumindat sa akin eh.

I hate this...

Naglakad ako pumuntang grocery store. Habang naglalakad ako, natndaan ko tuloy yung nangyari dati.

Yung nag-grocery ako para may makain si Samantha ng ulam? Yung binili ko fried chicken kase yung yung paborito niya? Natandaan ko pa yun.

Natandaan ko rin kung paano kami ni Zen nagmeet sa grocery store, parehas pa kami ng suot at bibilhin. Nag-agawan kami no'n dahil lang sa isang ingredient.

Natawa naman ako sa mga iniisip ko. Pero bigla kong naalala.... Ano na nangyari kay Samantha? Simula no'ng kinuha siya ng magulang ko para lang mahanap ako, hindi ko na siya nakita.

Bata-bata palang nun. Kawawa naman. As I said noong dati pa, ginamit lang ng parents ko si Samantha para lang makuha muli ako.

Buti nalang na nakatakas na ako ngayon sa mga magulang ko. Sana naman na magkaroon na sila ng puso na hindi lang ako basta-bastang tao na ipinanganak sa mundo. May halaga rin ako. Tayong lahat.

Nawala ako sa aking pag-iisip nung nasa tapat na ako ng grocery store.

Pumasok ako at nasanghap ko ang malamig na hangin na nagmula sa aircon ng store.
.
.
.
.
.
Ilang oras na ako dito at nakuha ko na yung mga ingredients na kailangan ko. Isa nalang talaga ang kailangan ko.

Sana mangyari yung dati. Yung nagkabangaaan kami ni Sen dito sa store.

Pero alam ko imposibleng mangyari yun.

Habang naglalakad ako sa foods' section, sa wakas at nakita ko na rin ang kailangan ko. Kaso, isa nalang siya. Perfect!

Tumakbo ako papunta sa ingredient na yun. Nasa baba siya. I bend over to pick iy up. Kukuhanin ko sana na may unang nakakakuha nito.

Tinignan ko at nanlaki naman ako sa nakita ko.

Samantha??

"Samantha? Ikaw ba yan??" Tanong ko at nanlaki rin ang mga mata ng bata.
"Ate Sunhee!?!? ATE SUNHEE!!" Tumalon siya sa mga kamay ko at yinakap ako, yinakap niya rin ako pabalik.

Pagkatapos ng pagyakap namin, humiwalay kami.

"Ate Sunhee! Tumakas ako sa mga parents mo! Sinubukan nila ulit ako kuhanin..." sabi niya habang paiyak. Tinahanan ko siya.

Ang tapang naman netong babaeng toh. 7 years old palang, nagrogrocery na! Daig pa ako neto.

"Shh... Tahan na...tanong ko lang. Paano ka nakapunta dito?" Tanong ko.
"Kasama ko yung Tita ko." Akala ko naman siya lang mag-isa dito.
"Nasaan siya?"

"Nasa police station. Sinumbong kase namin yung mga ginawa ng parents mo eh. Pero, na-bored ako sa kaka-interview ng pulis. Pero nasabi ko na lahat ng mga dapat kong sabihin. Ang ginagawa nalang ng tita ko ay may mga pinirmahan na papeles. Kaya pumunta muna ako dito sa grocery syore para tumingin."

Tumango naman ako. This little girl is my main inspiration. Lol.

"Buti naman. Hindi ko naisipang isumbong sila sa pulis. Ayoko rin sila makulong."
"Bakit naman Ate Sunhee? Diba masama sila sayo?"

"Oo, ayoko sila ikulong kase mas gustuhin ko pang mamatay sila."

Nakita kong bumuka yung bibig ni Samantha habang nakatingin sa akin ng gulat. Natawa naman ako sa reaksyon neto pero natandaan ko na bata pala itong kausap ko.

Shet. Ba't ko yun sinabi sa bata!? Ang engot ko talaga!

"Samantha!" May narinig kaming sumisigaw kaya napatingin kami ni Samatha sa direksyong yun. Nakita ko isang babae na nasa mid-30's. Hinahanap si Samantha. Yun ata yung tita niya.

Nung nakita kami nung babae, lumapit siya kay Samantha.

"Samantha! Akala ko na wala ka! Sasusunod, huwag kang aalis ng ganun-ganun lang. Di porket sinumbong natin sa pulis, maayos na ang lahat. Tandaan mo, baka mahuli pa tayo nun." Sabi nung babae. Tumango naman si Samantha at tinuro ako, kaya tumingin sa akin yung babae.

Kumaway-kaway ako pero nahihiya ako.

"Tita, siya po ang anak nung mga criminal na nang huli sa akin. Mabait po siya. Ibang-iba po siya sa parents niya ma." Banggit naman ni Samantha.

Nangingilabot ako sa tingin sa akin ng tita ni Samantha. Nakatingin lang siya sa akin.

"Do I know you somewhere?" Tanong niya. Umiling ako.
"No po tita." Sagot ko. Tumango siya at ngumiti.

"Call me Clara. I'm Samantha's Aunt. I'll be her mother from now on. What's your name?"
"Sunhee po. Nice to meet you rin po." Nginitian ko siya.

"Alam mo na ba yung mga ginagawa ng magulang mo?" Tanong niya. Tumango ako pero di parin nawawala yung ngiti ko sa mukha.
"Opo. Hayaan niyo nalang po. Mas okay pa sa akin na mawala sila." Sabi ko at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sunhee, kahit kaunti? Wala kang naramdaman na pagmamahal sa parents mo?"
"Wala po. Sige na po, babayaran ko na po itong groceries. Hanggang sa magkita tayo muli!"
"Sige bye."

Iniwan ko lang sila dun at pumunta sa cashier para bayaran yung mga pinamili ko.

Finally, Hindi na ako nag-aalala na hahanap-hanapin lang ako ng magulang ko. Makukulong na sila, sa wakas!

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon