Zen's POV
Nandito ako, nakatayo. Tinitignan ko si Sunhee lumayo sa akin.
Pupunta na rin ako sa classroom nang may nabangga akong estudyante. Tinignan ko ang mukha at nakita ko na si Rose pala.
"Sorry Sir! Hindi ko po sinasadya!" Sabi niya na parang nanginginig sa takot. Napangiti na lang ako.
"Okay lang yun! Pero bakit ka papunta diyan? Dito yung papunta sa classroom oh." Sabi ko at tinuro kung saan papunta dun sa Class 309."Pasensya na po, Sir. Pero hindi po ako papunta doon." Eh? Saan naman siya pupunta?
"Saan ka ba pupunta? Bawal magskipping class."
"Basta po, Sir. Di mo na kailangan alamin."Papagalitan ko na siya sana na may biglang sumulpot na estudyante sa likod ko. Pagkaharap ko, nakita ko si Adrian na nakatingin lang sakin.
"Sir, pumasok na po kayo sa classroom. Marami sa amin naghihintay. Pasalamat ka marunong kami maghintay." Sabi niya at umalis na ito. Humarap ulit ako kay Rose at napansin kong may papel siyang hawak.
"Ano yan, Rose?" Tanong ko habang turo yung papel. Agad naman niya ito tinago sa likod niya.
"Ah. Wala lang po. Sige, alis na ako."Paalis na siya nang bigla kong hinila kamay niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bawal magskipping classes. Ano akala mo sa akin? Estudyante? Respeto naman! At tsaka, patingin yang papel na hawak mo. Kung hinde, yang cellphone mo ang kukuhanin ko."
Nakita kong nanlaki yung mata niya at umiwas ng tingin. Binigay niya yung papel habang nanginginig yung kamay at agad ko naman kinuha ito.Document:
Profile
Name: Sunhee Angelica Gonzales
Age: 17
Sex: Female
Address: *************************** Street.
Mother: Mrs. Risa Gonzales
Father: Mr. Alfonzo Gonzales
Contact Number: Unknown
School: Malaya National University
Signature: _________________Hala! Bakit may hawak si Rose na profile ni Sunhee?? Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin lang siya sa baba.
"Bakit nasa iyo toh?" Nung tinanong ko yun, umiling lang siya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Sige. Mamaya na tayo mag-usap. Pumasok ka na sa room. Huwag mo akong hintay galitin."Tumakbo na siya papunta sa classroom. I swear! Parang hindi ko siya nakikitang natatakot. Nakita ko siyang nakangisi eh. Tapos nung lumayo na siya, narinig ko yung mahinang pagtawa niya.
Baliw.
Maraming tanong paren ang nakapalibot sa aking isipan.
Bakit nasa kanya yung profile ni Sunhee? May kailangan ba siya sa kanya? Bakit gusto niya magskipping classes? Saan naman siya pupunta at dala niya pa yung ano ni Sunhee?
Kaano-ano nya ba si Sunhee?
Daming tanong noh. Ewan ko ba. Para sa akin, mas mahirap yung tanong kesa sa math eh.
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong agad sa akin yung ingay ng classroom. Nung nakita naman nila ako, umupo na sila at tumahimik. Except kay Sunhee at Adrian.
Naghahabulan sila sa classroom. Hindi yata nila ako napansin. Mukha ba akong hangin?
Nag-fake cough ako at dun na nila ako napansin. Kaya agad naman silang dalawa umupo.
Wow ha! Napatino ko na si Sunhee. Onti na lang!
Pumunta ako sa harapan at binati naman nila ako.
"Good afternoon, Sir Gueveras!"
Ganun paren. Walang pagbabago. Si Sunhee hindi siya sumama sa pagbati. Walang pakealam paren.
Pero marami pa akong tanong tungkol sa kanya na gusto ko na malaman... She is still a mystery that I should solve.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...