Chapter 29: Farewell

1.9K 48 2
                                    

"Ms. Gonzales, please come to the principal's office this instant!"

Sunhee's POV

"Bakit? Bakit ba ganyan ka? Ano tong mga naririnig ko sa mga estudyante? Ang kapal talaga ng mukha mo! Pati teacher, ibo-boyfriend mo! Mahiya ka naman sa sarili mo!" Sermon sa akin nang principal.

Nandito ako sa principal office. Akala ng principal na boyfriend ko na si Zen. At syempre illegal yun. Hindi pwede yun.

Pero kahit pagalitan pa ako ng ilang beses, hindi paren ako magso-sorry. Kase wala naman akong kasalanan tapos magso-sorry ako?!? Si Rose ang may kapakanan ng lahat ng mga ito!

Hayaan niyo na. Sanay naman ako sa mga ganitong bagay bagay eh. Okay lang para sa akin. It's basic.

"As I said, Ms... Hindi ko po boyfriend si Sir Gueveras! Bakit ka ba po naniniwala dun kay Rose? Bagong estudyante palang siya, piling niya alam niya lahat! THINK ABOUT IT! HINDI KO KASALANAN NANG LAHAT NG MGA ITO!" Sigaw ko sa kanya.

"Aba! Wala ka nang respeto! Oo, ganyan ka naman palagi eh. Walang galang. Pero sumosobra ka na! Teacher naging boyfriend, tapos isa kang worst troublemakers in this school! AKALA KO TITINO KA NA! PERO DI PAREN!"

"Ano bang magagawa ko? Hindi ko nga yun kasalanan! Inosente ako! Wala akong ginagawa! Tsaka kahit kailan, hinding-hindi ko naging boyfriend si Sir Gueveras! Ano ba ang magagawa ko para maniwala ka sa akin? Ano ba yung gusto mo mangyari sa akin!?!?"

"Alright. I will give you two choices. Pick only one!" Nagtaka naman ako sa sinabi ng principal. Ano kaya yung mga yun? Nanginginig na rin pala siya sa galit. I think I've crossed the line.

"Ano yung choices? Sabihin mo nga sa akin."

"The first one is getting kicked out of the school. And the second one is getting Sir Gueveras fired. Pick only one."

Tumahimik ang office niya. Hindi ako nagsalita. At tsaka, ayoko umalis dito sa school kase mahal na mahal ko yung Class 309. Tapos marami akong memories dito. Sabihin ko rin na scholar ako dito sa malaking school na ito. Marami pa akong mga kaibigan dito.

Ayoko rin lumipat nang school kase nandito sina Adrian at Zen. Baka maging-upset sila.

Pero pag di ako umalis, si Zen ang makakaalis. At ayoko yun.

Pero kailangan ko gawin yun. Ayokong matanggalan ng trabaho si Zen dahil sa akin.

Kaya ginawa ko nalang ang karapat-dapat. Magsasakripsyo ako para kay Zen.

"Okay. Sige. Aalis ako dito sa Malaya National University. Wala nang mangugulo sa inyo." Para toh kay Zen.....

Narinig kong pumapalakpak yung Principal at nakita kong nakangisi siya. Tuwang-tuwa siya siguro dahil aalis na ako sa MNH.

"Here is Expel contract. Pirmahan mo nalang at makakaalis ka na dito sa paaralan na ito."

Binigay niya sa akin yung papel o tinatawag daw na expel contract. Hindi na ako naghestitate na pirmahan yun kase baka magbago pa yung isip ko.

Pagkatapos kong pirmahan yun, agad ko naman binato sa mukha ng principal at umalis sa office niya. Pumunta ako basketball court para magpaalam kay Adrian. Pero di ko nalang sasabihin na expelled na ako.

Pagdating ko sa court, hinanap ko si Adrian at nakita kong nakaupo siya sa bleachers, umiinom ng tubig.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at yinakap siya nang sobrang higpit.

"Hey Sunhee. What's wrong? Ako na ba yung pinili mo?" Tanong niya. Patulo na sana yung luha ko kaso natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi yun. Sasabihin ko lang na sana maging maganda buhay mo." Sabi ko sa kanya at tumakbo papaalis. Naririnig kong tinatawag niya yung pangalan ko pero di ko nalang pinansin.

Tumakbo ako papuntang classroom. Pagbukas ko ng pintuan nang classroom, lahat ay nakatingin sa akin. Pati si Zen, na nagtuturo.

Kinawayan ko naman yung mga kaklase ko at ngumiti, yun rin yung ginawa nila. Except kay Rose syempre. Pero halata sa mga mukha nila ang pagtaka.

Lumapit ako kay Zen at yinakap siya. Marami sa mga kaklase ko ang napa-'woah'. Natuwa naman ako dun syempre.

"Ms. Troublemaker and Sir Sungit! Ship ko toh ah!"
"Ang cute nila pag naging couple sila!"
"Age doesn't matter!"
"Support!"

Sigaw nilang lahat.

Pagkaalis ko nang yakap, tumingin ako kay Zen at nakita kong nakangiti siya sa akin. Hindi na ako naghestitate na ipag dikit ang labi naming dalawa.

This is what you call heaven. I will cherish this moment bago pa ako makaalis dito.

"Wooaaaahhhh! Hindi ko namalayan na may Romance subject na pala! Sige! Kuha tayo ng date mamaya. Gawin rin natin yan!" Narinig kong sabi ni Ivan, ang class clown namin.

Agad ko naman inalis yung halik at tinignan mukha niya. Kita kong tuwang-tuwa siya sa nangyari.

"Zen, please focus on what makes you happy." Sabi ko sa kanya.
"Then I should focus on you."

Ay wow! Kinilig naman ako dun ah! Enebe! Pero kailangan ko na rin makaalis dito.

"Mahal kita..." sabi ko sa kanya bago ko kuhanin ang bag ko at tumakbo papaalis sa classroom.

Habang tumatakbo ako papaalis, naririnig ko ang paghabol niya sa likod ko. Kaya agad ko naman binilisan ang pagtakbo ko.

Magaling ako sa pagtakbo kaya nahuli siya.

Pero pag takbo ako ng takbo papalayo sa kanya, unti-unting bumabagsak ang luha ko.

Nasasaktan ako.

Pero kailangan ko gawin toh. Kailangan ko siya kalimutan. Kailangan ko masanay na wala na siya sa tabi ko.

Lilipat na rin ako ng ibang paaralan at lilipat na rin ako nang apartment para makalayo lang kay Zen.

Pero habang tumatakbo ako, may naramdaman akong humawak nang mahigpit sa kamay ko. Nakita ko isang lalaking nakamaskara, may mga kasama rin siya na ganun rin yung suot.

Sinubukan ko maglikot pero dahil sa tibay nang lalaking ito, hindi niya ako mabitawan.
Hindi ko namalayan na sinasakay na pala nila ako sa van na puti.

Naramdaman ko na tinakpan ang bibig ko nang isang panyo at may amoy tong kakaiba. Kaya napatulog ako.

Pero habang pinipilit kong magising, dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko yung nakaupo sa tabi ko dito sa loob nang van.

Hindi ko makita yung mukha pero narinig ko yung boses. Pamilyar siya.

"Dalin na natin tong anak ko sa mansion. Make sure na walang nakasunod sa atin."
"I-ready mo na rin yung mga gamit niya."

Mama?? Papa?? No! THIS CAN'T BE HAPPENING!

HINDI NILA AKO PWEDENG MAKUHA!

Pero wala na akong magawa kundi pumikit at matulog.

Sana panaginip ang lahat nang mga ito... pero imposible.

I guess this is.... goodbye, Mr. Masama.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon