Sunhee's POV
Hayyy! Ang boringg!
Second day na toh ni Mr. Walang-Kwentang-tao. Nagtuturo na siya ng lesson niya.
Marami na rin sa mga kaklase ko ang na-bobored.
Yung katabi ko ngang lalaki eh, tulog na. Nakaka-antok tong lesson na toh.Sana magrecess na! Ay mali! Sana magdismissal na!
Sana masuspended. Urrghhh!
"Okay so, who wants to answer this algebraic question on the board? Anyone?"
Alam ko na kung pano sagutin yan. Tinatamad lang akong sagutin.Walang nagtataas ng kamay sa classroom kase halos lahat samin, inaantok na. Marami na ngang nakababa ang ulo kase ANG BORING NGA!
Tumingin siya sakin at napa-smirk. Ano nanaman nginingisi-ngisi neto? Hulaan ko, ako yung tatawagin.
"Ms. Gonzales, please answer the equation." Oh diba? Sabi na nga ba ako eh. Hinayaan ko nalang siya at hiniga ko ang ulo ko sa desk.
Nararamdaman ko siyang palapit ng palapit sa pwesto ko, wala ring pakialam mga kaklase ko eh."Ms. TroubleMaker, please answer the question on the board. Now." Sabi niya na may onting pagdiin yung pagsalita niya. Hinayaan ko nalang siya.
" *sighs* Ms. Gonzales, hindi ka matututo niyan kung hindi ka magkooperate. Gusto mo ibagsak ko grades mo?" Nararamdaman kong galit na siya sakin. Pero nung simula niyang sinabi yun, lahat ng classmates ko nagtawanan. Yung kaninang mukha niyang galit ay biglang pumalit ng pagtataka.
"Ano nakakatawa dun?" Sabi niya sa buong klase. Lalo silang tumawa. Ako naman, yung ulo ko nakahiga parin sa desk. Nakangisi.
"Sir, imposibleng bumagsak naman yung grades ni Sunhee. Hindi mo ba po alam na siya yung Top 1 dito sa school na toh? Matataas grades niyan Sir. Palagi yan perfect sa quizzes at mga tests. Kaya imposible namang mabagsak yan." Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Binangon ko ulo ko at tumingin kay Sir. Nakangisi.
"Kung siya nga yung 'Top 1' at 'pinakamatalino' dito sa school, bakit ayaw niya sagutin yung question sa board?" Tanong ng adviser habang nakataas yung kilay.
"Kase tinatamad siyang sagutin yan. Pati naman rin kami eh. Ang boring ng lesson mo." Sabi pa ng isang lalaki sa klase namin. Tumango naman ang buong Class 309.
"Hay, TAMA NA YUNG REKLAMO! MS. GONZALES! SAGUTIN MO NA YUNG NASA BOARD! DAMMIT!"
Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Sir. Pati ako natakot eh. Sa ilang adviser palang ang nakaalis na dito, siya palang ang nakakasigaw samin.
Ang sama ng tingin niya sakin at nakakatakot.
Agad naman akong tumayo at pumunta sa board. Kumuha ng whiteboard marker at sinolve yung equation sa harap.
Ang awkward ng classroom. Ang tahimik ng klase. Walang nagsasalita. Walang nag-aasaran. Tinitignan lang nila ako magsagot sa board.
At piling ko na nakatitig sakin si Sir. Parang nasusunog na yung katawan ko sa pagtingin niya sakin.Nung pagkatapos ko sagutin yung board, agad ko naman binigay dun sa adviser
ko yung whiteboard marker. Ngumiti siya. Huh? Ano siya bipolar?"Palakpakan naman natin si Sunhee." Sabi ni Sir nung pag-upo ko sa upuan ko. Lahat ng kaklase ko pinalakpakan ako. Pero nasa state in shock paren sila. Pagkatapos pumalakpak, nagproceed ulit si Sir sa lesson.
Nakakatakot pala tong guro na toh pag nagalit.
Kanina parang halimaw na sinigawan yung buong klase, tapos nagmukha siyang inosente.Kakaiba talaga siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/151577230-288-k857399.jpg)
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...