Sunhee's POV
"Halika na, Sunhee. Uwi na tayo." Narinig kong sabi ni Adrian kaya tumango ako. Pagod na kase kami ngayon eh. Kanina pa kami naglalakad ni Adrian. Saka nga pala, bumili kami ng mga kailangan na namin na gamit.
Pagkalabas namin ng mall, nasa parking lot kami. Hindi ko ine-expect na magkatabi yung kotse ni Adrian-I mean hindi pala niya yan kotse-kay Joel pala. Magkatabi yung kotse namin sa kotse ni Zen. Buti nga wala pa sila ng asawa niya dito para hindi awkward.
Pagsakay namin sa kotse, agad naman pinandar ni Adrian. Mahaba pa yung biyahe namin kase trapik. Trapik dito sa EDSA.
Since nabo-bored ako, kinuha ko yung phone ko at nagscroll lang sa FB. Puro memes. Dami! Pero nakakatawa naman kaya ako panay share.
Since sikat ako dati sa school ko, marami agad nag-react at nagcomment ang mga classmates at schoolmates ko. Maya-maya, tinabi ko muna yung phone ko sa bag at sinandal ko ang sarili ko sa upuan ng kotse. Inaantok ako eh...
"Sige, matulog ka lang Sunhee. Gisingin nalang kita mamaya." Narinig kong sabi ni Adrian. Pinikit ko ang aking mga mata and I'm off to dreamworld.
Zen's POV
"Nu bayan! Trapik dito sa EDSA! Urgh." Reklamo ng fiancée ko. Di ko nalang siya pinansin at patuloy na nakatingin sa harap.
Ewan ko ba kung bakit di ko siya pinapansin... Madalas kami nag-uusap niyan. Acting like love birds.
Pero ngayon, parang ayoko na talaga siya kausapin, nawalan na ako ng gana kausapin siya. Ang gusto ko lang marinig ay yung boses ni Sunhee. Mahal ko parin siya....
Hetong si Grace? Maghanap nalang siya ng bago! De joke.
Mahal ko rin naman si Grace pero mas mahal ko si Sunhee. Di ko lang alam kung ano gagawin ko pag nagbreak kami ni Grace.
"Love, I want to go home.... Bilisan mo nga yung pagdrive mo." Naiiritang sinabi ni Grace.
"Trapik nga oh! Di mo ba kita?" Sagot ko naman sa kanya. Naiirita rin ako dito sa babaeng ito minsan eh. Walang ginawa kundi magreklamo.
Nakita kong umirap siya at tumingin sa bintana. Sana hindi ko nalang siya naging fiancée.Madali ako magmove-on sa taong HINDI ko mahal. Sorry, not sorry.
"Matulog ka na nga lang diyan." Sabi ko sa kanya habang naiinis. Tumingin lang siya sa akin na parang may kakaiba.
"Love, what's wrong with yo-"
"Don't call me love. Because we aren't lovers from the start."Nagulat siya sa mga sinabi ko. Admit kong nasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya. Pero hindi ako masyadong nasaktan kase hindi naman si Sunhee ang nasaktan ko ngayon eh.
Kita ko sa gilid ng aking mga mata na umiiyak siya. Pero hinayaan ko nalang. I don't know what came over me but.... parang hindi ako naawa sa kanya pag siya yung umiiyak. Naiirita lang ako.
Tsk. Gusto ko na siya pababain sa kotse para masagasaan na toh eh. Pero jk lang.
I can still control my temper.
"Why are you being like this, love?"
"I SAID STOP CALLING ME THAT!" sigaw ko sa kanya. Buti nga nakatigil pa yung kotse namin dahil sa haba ng trapik eh.Lalo siyang umiyak at lalo ako nairita.
"Dahil ba ito kay Sunhee...?" Nabigla naman ako sa mga sinabi niya.
"Dahil naalala mo na ba uli siya? Naalala mo na yung mga dati niyong pagsasama? Mahal mo paren ba siya?"I did not hesitate to answer. "Oo, mahal ko parin siya."
I can feel her glaring at me but as usual, I still ignored her. I felt like I want to break up with her. Ang gusto ko ngayon ay habulin si Sunhee and catch her, keeping her in my arms forever.
Pero ang tanong, pano niya na laman yung pagsasama namin ni Sunhee?
"Paano mo nalaman yung nangyari sa amin noon ni Sunhee?" Tanong ko sa kanya.
"Kwinento sa akin ng kapatid ko, Si Rose Jinelle Seraspi." I'm surprised. Pero hindi ko nalang pinakita yun.
"So, you're sisters with that slut? Okay." Pinandar ko na yung kotse simula nung nawala na yung traffic.
"Kung ganun, makikipag-break ka ba sa akin?" Malungkot niyang tinanong.
"Oo, ngayon na. Hind lang dahil sa kapatid mo siya, dahil sa nawala na yung pagmamahal ko sayo. Hatid na kita sa bahay ninyo."
Hindi nalang siya umimik at patuloy ko nalang drinive yung kotse papunta sa bahay nila. Yung totoo niyang bahay.
"Manhid ka. Wala kang pakiramdam sa mga damdamin ko." Narinig kong sinabi niya. Tsk.
"Hindi ako manhid. Sadyang may mahal lang akong iba."
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...