Chapter 42: Problem

1.7K 46 2
                                    

Sunhee's POV

Nandito ako ngayon, nakatulala sa table. Habang si Adrian naman ay nagluluto.
Nag-aalala ako kay Zen....

"Adrian." Tawag ko. Lumingon siya sa akin.
"Hm Bakit?" Tanong naman nito.

"May mga kailangan akong sabihin sayo." Nung sinabi ko yun, tumango si Adrian. As a sign na 'ikwento mo na.'

"Piling ko, bumabalik yung mga ala-ala ni Zen. Kase kanina, may mga sinabi siya. Nagtanong rin siya sa akin." Buti nalang good listener si Adrian. Pano kaya kung wala tong lalaking ito? Wala akong pagtitirahan. Walang mag-aalala sa akin. Wala akong kaibigan. That's why I'm so thankful na nandito siya.

"Ano sabi niya sayo?" This time, tinignan niya naman ako.

"Kung saan raw ako nag-aral. Tapos nung sinabi ko kung ano ang apilyedo ko, nainterested ata siya? Di ko alam. Tapos may sinabi raw siya tungkol sa isang estudyanteng troublemaker. Adrian, naalala na ba ako ni Zen?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Di ako sigurado pero parang matatandaan ka na niyon." Nung sinabi niya yun, bigla ako nagkaroon ng hope na baka mahalin na niya ako muli.

*Ding dong*

Napatingin kami ni Adrian sa tunog ng pinto. Sino kaya yun?

Ako nalang yung nagbukas ng pinto because as I said, nagluluto nga si Adrian para may makain kami.

Diba para siyang ina? Ako naman parang anak...

Binuksan ko yung pinto at nakita ko ay dalawang pulis. Isa mapayat, parang kasing age ko lang. Gwapo pa! Yung isa mataba, I MEAN! Malusog! Parang matanda na siya.

Once na realize ko na nagtitigan lang kami ng pulis, I cleared my throat.

"Uhmm.... Bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa kanila. Kinakabahan kase ako pagkaharap ko yung mga pulis. Seryoso kase itsura nila eh. MALAMANG! PULIS NGA!

"Are you Ms. Sunhee Gonzales?" Tanong sa akin ng mapayat. Tumango ako.
"Yes I am."

"You are coming with us. Kailangan ka namin ma-interview tungkol sa mga magulang mo." Ay oo nga pala. Yung aking mga 'mahal' na magulang. Bleh!

"Oh sige po. Saglit lang po ha." Tumakbo ako papunta kay Adrian at hinawakan siya sa balikat para iharap ang sarili niya sa akin. Nanlaki naman ang mata namin nung malapit ang mukha namin sa isa't-isa. I just shrugged it off and talked to him.

"Adrian, may mga pulis. Kailangan nila ako iinterview dahil makukulong na yung parents ko." Sabi ko sa kaniya.
"Hatid na kita? O ano-"
"Sige ako nalang. Yung mga pulis naman kasama ko eh. Sunduin mo nalang ako. Si Zen bantayan mo ha?"
"Oo na po, inay." Agad ko siya kinutusan. "Aray!"
"Alis na ako." Lumabas na agad ako ng pintuan at sumakay ng kotse ng pulis. Syempre para may respeto naman ako, sila muna ang una kong pinasakay dahil pulis sila. Pero ang ginawa nila ay yung 'ladies first'. Such gentlemens.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Name?"
"Sunhee Gonzales po."
"Age?"
"17 in a half years old."
"Sabihin mo ang lahat ng ginawa sayo ng mga magulang mo."

Huminga ako ng malalim at sinabi ang lahat.

"Noong bata palang ako, ginagawa nila akong alipin. Palagi nila ikinokontrol buhay ko. Palagi nila ako ina-abuso. Hindi talaga sila naawa sa akin. Palagi nalang nila ako sinasaktan kaya puro pasa at sugat ako noon. Palagi nila sinasabi sa akin na walang kwenta, mamatay ka na, hindi ka namin anak. Hindi ko lang man naranasan ang pagmamahal ng mga magulang sa anak nila. Para nila akong itinuturing wala lang."

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon