Sunhee's POV
Nandito na kami, sa kotse ni Zen. Papunta na sa bahay ko. Dun na lang siya kakain kase hindi naman siya nakabili eh.
Ay shet! Traffic! Hayysss! Sigurado nagugutom na yun si Samantha! At kailangan kong bumalik dun baka kung ano pa mangyari sa kanya.
Ang tahimik ng kotse. Pero nagsalita nalang si Zen para di naman awkward.
"So, kamusta ka na?" Tanong niya.
"Okay lang. Bakit mo naman naitanong yun?"
"Wala lang. Sigurado ka?"
"Oo nga! Kulit mo." He chuckled.
Ayy! Urghhhh! Naiinis ako sa trapik na toh! Ang haba at ang tagal!
"May gusto ka ba?" Narinig kong tanong ni Zen. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin lang siya sa harap.
"Bakit mo naman naitanong yun?" Nagbuntung hininga siya at tumingin sakin.
"Gusto mo ba si Adrian?" Tanong niya. Ha? Ano daw? Si Adrian gusto ko?
"Uh? Why are you even asking me that? Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa gwapo na yun? Oo, may konting kagustuhan ako sa kanya." Nung sinabi ko yun, nakita kong hinigpitan niya yung paghawak niya sa steering wheel. Inalis niya rin yung tingin niya sakin. Galit ba siya?"
"Oh, ba't ka nagagalit? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya. Tumingin nalang ulit siya sakin at grabe! Bes! Nakakatakot siya ngayon! Napakadilim ng aura! Parang makakapatay na siya! Kani-kanina lang parang anghel, ngayon kabaliktaran na.
I swear, gusto ko na bumaba dito. Kaya inalis ko nalang tingin ko sa kanya dahil sa takot.
"Ibig sabihin, may gusto ka pala sa kanya? Okay. Fine." Nung nawala na yung traffic, umandar siya ng mabilis! As in mabilis talaga! Parang nakasakay ka sa racing car.
Napasandal ako sa upuan ko at hinawakan ng mahigpit yung sandalan.
Gusto niya na ba na mamatay kami? Ano ba!?
"Uy! Bagalan mo nga yang kotse mo! Madiskrasya pa tayo eh!" Sabi ko sa kanya pero di parin siya nakinig. Patuloy lang niyang pinaandar yung kotse ng ganun.
Pinalo-palo ko yung kamay niya as a sign of 'tumigil ka na, dahan-dahan lang'.
At gumana naman toh. Binagalan niya yung kotse niya ng onti. Napahinga naman ako ng maayos at inayos ko yung pag-upo ko.
Ang tahimik ng ride. Hindi kami nakikipag-usap sa isa't-isa. Pero nararamdaman ko parin yung pagdilim ng aura nito.
.
.
.
.
.
Nandito na. Nandito na ako sa bahay ko. Tumigil yung kotse at tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin parin siya sa harap at parang hinihintay niya akong umalis dito.
"Get out and get your things. I'm getting impatient here." Sabi niya ng may pagka-stern yung boses.
"U-uh... Teka lang.... Gusto ko muna malaman kung bakit ka gali-"
"I SAID GET OUT AND GET YOUR THINGS! DO I HAVE TO REPEAT IT TWICE!?!"
Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. Tutulo na sana yung luha ko pero di ko naman tinuloy. Bumaba ako ng kotse at sinarado yung pinto ng padabog.
Ano ba kase problema nyun??!! Bakit ba siya nagagalit? Sinabi ko lang naman na gusto ko si Adrian ah? Naseselos ba siya? Or maybe sadyang ayaw niya lang talaga si Adrian?
Kinuha ko yung mga binilhin ko. Hindi na ako tinulungan ni Zen. Nandyan lang siya sa kotse niya, hinihintay na umalis ako.
Nung kinuha ko na yung last package sa kotse, biglang umandar ng mabilis ang kotse ni Zen.
Part of me is that I feel bad for him, kase wala siyang pagkain sa bahay niya. Saan siya kakain? Yung isang part naman ay gusto ko humingin ng sorry sa kanya kase..... ayaw ko siyang masktan?
Pumasok nalang ako sa bahay at nakita kong tulog na si Samantha habang nakabukas yung tv. *sighs* Agad ko naman pinatay yung tv at inayos yung paghiga ni Samantha sa Sofa.
Pagkatapos ay pumunta akong kusina para lutuin yung pagkain namin.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)