Chapter 54: News

1.4K 32 1
                                    

Sunhee's POV

"TULOOOOONNGGGGGGGGG!" Sigaw ko sa loob ng kwarto.

Hindi ako mapakali. Basta alam kong habang nandito lang ako sa loob, may mga naririnig akong nagkakanda hulugan na mga bagay. Kaya naman ako natakot.

Bakit? Sino bang hindi matatakot sa bigla bigla lang pumatay yung ilaw, tapos may maririnig kang mga bagay na nahuhulog?

Nagulat nalang ako nang may biglang tumulak sa akin. Kaya naman ako napasandal sa pader. Naupo ako sa sahig dahil sa sakit.

"Aray ko, sh*t." Hinawakan ko yung braso ko at hinimas himas yun.

Nakaramdam ulet ako bg paghila sa isang braso ko, kaya naman ako tumayo.

Kita ko ngayon ay isang lalaki na nasa harapan ko, di ko lang makita yung mukha dahil sa dilim pero kita ko yung mga shadows niya.

Nakita ko ring ilinapit niya nag mukha niya sa mukha ko. Kamuntikan na kami maghalikan ng itulak ko siya papalayo sa akin.

"HOY IKAW LALAKI KA! HAHALIKAN MO PA TALAGA AKO!?!? DI MO BA ALAM NA PARA KAY ZEN LANG TONG LABI NA TOH? SIYA LANG ANG HAHALIK NETO WALA NG IBA!" Sigaw ko sa kanya. Nagtaka naman ako nung narinig ko humalakhak ito.

Aba! Baliw!

Hindi paren ito nagsalita at patuloy lang sa paghahalakhak. Kaya nagsalita ulit ako.

"SAAN SI ADRIAN!? TINAGO MO SIYA NOH! TUMIGIL KA NGA SA KAKATAWA MO PARA KANG BALIW NA BAKULAW!" Lait ko sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya at kumapa ng mga gamit para may self-defense ako kung sakaling kaharap ko ay isang mamatay tao.

Naramdaman ko ulit ang paghila niya sa braso ko at paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Gusto ko sana siyang itulak kaso lang isinandal niya ako sa isang pader at ilinapit mukha niya.

What is this animal doing myghad!

Naramdaman ko ang paglapit niya sa tainga ko. Di ko inaasahan na sasabihin nitong lalaking toh ang tatlong salita na nagpapula ng pisngi ko.

"I love you."

Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko na tuluy-tuluyan ang mukha niya. Zen!?

Nagkatitigan kami sa isa't-isa. Pero di muna ako kinilig sa titig niya kase may iniisip ako. Ba't iba yung boses ng tawa kaninang narinig ko? So weird.

"Sunhee, you still awake?" Muli akong napatingin sa kanya at kita ko ang pagtitig niya sa aking labi. I need to control this.

"O-oo naman." Sabi ko habang nauutal. May narinig kaming naglakad papunta rito. Tumingin ako sa gilid at kita ko ang nanay ni Adrian. Kaya naman mabilis kaming humiwalay sa isa't-isa.

Lumapit siya sa akin at nabigla ako sa sampal niya.
Hinawakan ko ang pisngi ko at hinimas-himas iyon. Tinignan ko lang siya with full of shock.

Pumalagitna sa amin si Zen para di magsimula ng away.

Hindi naman usually ganito ang pag-uugali ni tita sa akin ah.

"Tita, bakit niyo siya sinampal?!? Akala ko ba matinong usapan lang!"
"Hindi ko napigilan sarili ko."

Tumingin siya sa akin na puro galit lang ang nasa kanyang mga mata.

"Huwag ka na magpapakita sa anak ko."

"Ha? E-eh b-bakit po?" Sabi ko. Pipipilit kong hindi kumawala luha ko pero di ko agad nagawa yun.

"He's in America, dun siya magpapagaling. Dun na rin siya titira at hindi na kayo magkikita. As a mother, I promised myself to keep my son safe. If Adrian shouldn't have met you, this wouldn't happen."
"P-pero-"
"No. I don't want my son near you. You are dangerous. You are a bad luck to my son. Sana hindi nalang kayo nagkakilala. Forget those memories. You are a monster!"
"ENOUGH TITA! WALA NAMAN KWENTA YANG PINAGSASASABI MO! YOU KNOW NOTHING!"

Ayun. Nalabas ko na ulet mga luha ko na akala ko'y ubos na.

Ms. Vicencio walked away. Zen hugged me then I cried on his shoulders.

"Shh.... tahanan na, nandito lang ako sa tabi mo."

I still need to think positive. Alam ko naman kase na buti nalang na hindi siya pumanaw. Oo, nalungkot ako dahil pumunta siya sa America. Pero dapat mas matuwa ako na ligtas siya. Gagaling na siya. Kahit di kami makita, basta malaman kong ligtas siya, matutuwa na ako.

I guess this is goodbye.
Goodbye bestfriend.

Zen's POV

I can't help but feel sad because my bro just left. Hindi lang man siya nagpaalam sa amin ng maayos. Mamimiss ko yung mga tawanan namin at yung agawan namin kay Sunhee. Mamimiss ko lahat ng pagsasama namin.

Pero as long as he is safe, I'm happy.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon