Sunhee's POV
Three days later....
It has been three days. Adrian still hasn't woke up. He is still in coma. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng maayos. Kasama ang mga taong mahahalaga sa akin, at isa dun si Adrian.
Ang parents ni Adrian, hindi sila natuwa sa nangyari. At dahil sobrang galit nila kay Rose, pinakulong na siya sa ibang bansa. Kung saan hindi siya mahahanap at hindi siya makakatakas. Makukulong siya for 45 years.
Don't get me wrong, mayaman pala yung parents niya at may ari ng isang malaking kompanya sa ibang bansa.
Sa wakas. Si Rose ay nakulong na. Masaya naman ako dun. May balak pa nga akong asarin siya sa kulungan kaso alam kung bawal yun. Eh... worth to try.
Nalaman ko rin ang mga pinag-gagagawa ni Rose. Kaya naman pala hindi ko nakikita ang kapatid niya na si Grace, dahil....... pinatay niya ito. Nung nalaman ko yun, guilt is all I feel about Grace.
Nalaman ko rin na lahat ng mga pangyayari o mga nangyari kay Zen at Grace ay plano lamang ni Rose. Dahil gusto lamang niya akong masaktan dahil..... kinalimutan ko siya.
Wala parin akong maalala pero everytime na natutulog ako, napapanaginipan ko ay mga para baga siyang...... weird. Yung bata pa ako tapos ganito.... ganyan ang nangyari.
Ako naman. Yung totoong parents ko, hindi ko pa sila nahahanap. Basta ang alam ko, yung dalawang tao na nagpanggap na mga magulang ko, ay pinakulong na rin. Sa wakas, nahuli na rin sila.
Si Zen, nasa ospital na rin para hintayin si Adrian magising.
At dahil gusto ko malaman ang nangyari noon, nandito ako. Nakatayo sa tapat ng bahay ni Tita Clara. Yung tita ni Samantha. Alam ko na yung address at kung saan sila nakatira, dahil pina-stay muna nila ako dun simula nung nangyari yung insidente. Pero hindi ako natulog dun, isang beses lang ako pumunta dun.
Kumatok ako sa pinto at ilang segundo ay bumukas ito. Ayan, nakatayo si Tita Clara nang nakangiti nung nakita niya ako.
"Sunhee! Kamusta! Pasok ka bili." She gestured me inside and I followed. Tinignan ko yung bahay niya at kita kong..... maayos naman.
"Saan si Samantha?" Tanong ko sa kanya.
"Natutulog siya. Huwag tayo masyadong maingay."Pinaupo niya ako sa sofa at dun na kami nagsimulang mag-usap.
"May gusto akong malaman..."
"Ay ano yun?"
"Kasama ba kayo sa past ko? Yung.... alam mo ba yung nangyari sa akin dati?"Tumahimik muna siya bago nagsalita.
"Oo. Heto kase ang nangyari. Bata pa kayo ni Rose nung nangyari ang aksidente. 3 years old ka noon nung nahiwalay ka sa totoo mong mga magulang. Heto.... heto dapat yung hindi ko ginawa."
Tinignan ko siya habang may pagtaka sa mukha ko.
"A-ano po yun?" She started to hestitate.
"Hindi dapat kita pina-ampon noon. Dahil simula nung nangyari yung aksidente, nagsimula yung paggalit ko sayo. Dahil naalala ko yung nanay mo pag nakikita kita."Naalala ako? Kamukha ko naman pala siya e.
"Kaano-ano po kayo ni..... Mama?" Tanong ko sa kanya.
"Magkapatid kami."
At dun ko na-realized na. Tita ko nga pala siya.
Agad ko siyang yinakap ng mahigpit habang tinutuloy niya yung kwento niya.
"Pina-ampon kita noon. May bumili sayo. Di ko rin namalayan na ang mga taong nagpanggap maging magulang mo ay plano lamang ni Rose. Hindi ko napansin. Simula nung inampon kita, nawala na rin ang contact niyo ni Rose. Hindi na kayo nag-uusap, at higit sa lahat, hindi ko na rin siya nakita. Until now."
Kumawala ako sa yakap at tinignan siya. Gusto ko na talaga siya tanungin na....
"Kung ganun po, nasaan po ang magulang ko? Kung namatay po si mama, nasaan po si Papa? Ba't namatay si Mama? Ano po ba nangyari sa kanila?" Tanong ko.
"Yung tatay mo, nagkaroon siya ng lung cancer. Yung nanay mo, namatay siya dahil may sakit siya sa puso."
Nararamdaman ko ngayon ang sakit.
Natulala muna ako ngayon at nagsimulang isipin ang nangyari ang lahat. So, all this time. I'm living in a disaster.
Tumulo luha ko pero agad kong pinunasan ang mga iyon.
Kita kong may kinuha si Tita Clara sa mesa. Ipinakita niya sa akin toh. Picture siya. May nakalarawan na babae at yung isa naman ay si Tita Clara, may pagkaunting young pa sila dito.
"Yung babae na nakaakbay sa akin, ayan nanay mo. Ganda niya noh?" Tumango ako at tinignan nanay ko. Kamukha ko nga siya.
May ibinigay pas iyang iaang litrato sa akin. Tinignan ko naman ito at kita ko ang nanay ko at may kasama siyang lalaki. Gwapo.
"Ayan naman ang tatay mo." Tinignan ko yung larawan at kita kong, kamukha ko rin naman. Kaso lang mas kamukha ko si Nanay.
Habang nakatitig ako sa larawan, tumunog ang phone ko.
Hindi ko na tinignan yung caller id at agad ko naman isinagot yun.
"Hello?"
"Sunhee."
"Oh Zen? Bakit?"
"Si Adrian."
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?""Wala na siya."
At dun ako napatigil at hindi nagsalita.
No! This can't be real! Hindi toh totooo! Isa lamang tong masamang panaginip!
"Dadating na a-ako diyan." I ended the call. Tinignan ko si Tita Clara at kita kong nagtataka rin siya.
"Kailangan ko na po umalis, Tita. Salamat po sa lahat!"
"Sige, ingat ka."Dun na ako lumabas ng bahay niya at nagtawag ng taxi papunta sa ospital.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomantizmSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...