Chapter 22: Confession

2.7K 57 2
                                        

Sunhee's POV

1 month later...

Dumaan ng isang buwan, maraming nangyari sa amin. May good news at bad news. Ang good news ay hindi pa ako nahahanap ng mga magulang ko. Alam niyo naman na hinahanap lang ako nun para sa pera at ibebenta lang ako nyun. Why can't they let me be free?
At yung bad news naman ay nililigawan na ako ni Zen. NILILIGAWAN!

Oo, sabihin niyo mang good news yun pero hinde! Paano kung may nakakita sa amin?Ayokong magkarumour yung buong school tungkol sa akin. Tsaka mapapahamak pa si Zen.

Pero naging close na close na kami ni Zen. Kaso lang,wala pang kami.

Hinihintay ko nga mangyari yun eh. Pero alam ko imposible yun. Teacher siya at ako naman estudyante. Pag nalaman ng bruhang principal na yun, mawawalan siya ng trabaho. At palagi naman inaasahan ng Principal si Zen eh. Tinuturi niyang anak si Zen pero yung sarili niyang anak, parang balewala lang.

Admit ko na rin na si Zen ang first love ko. Siya kauna-una lalaki na nakakuha ng puso ko.

Galing noh?

Anyways, nandito ako sa cafeteria. Mag-isa kumakain. Si Adrian? Aba! Hindi ko alam. Sabi raw niya na may ire-ready raw siya.

At para saan naman yun? Di ko alam.

Wala akong alam sa pinagagawa niya. Basta ang alam kong may rineready na siya. At excited naman ako.

Pagkatapos ko kumain, tinapon ko yung mga balot na pagkain at uminom ng tubig.

Paglabas ko ng cafeteria, maraming mga estudyante na tumingin sa akin. Ngumisi sila at tumabi, para dumaan ako. Weird.....

Dumaan nalang ako na patingin-tingin sa mga estudyanteng nakangisi. Ano pinaplano neto?

"Hoy! Ano mga pinaplano niyo? Ba't kayo ngumingisi?" Tanong ko sa kanilang lahat. Pero ang nakakatakot ay hindi paren sila gumagalaw. Pero may isang nagsalita.

"Your majesty, your prince is waiting for you at the school garden. Now, move along!" Sabi ng isa sa kanila. British accent pa.

Kaya pinatuloy ko yung paglakad ko at dumiretso sa garden. Biglang may nagtakip ng mga mata ko ng dahan-dahan. At naramdaman kong linapit niya yung labi niya sa tenga ko.

"Surprise, my princess!" Sabi ng nagtakip sa mga mata ko. Teka, ba't pamilyar ang boses?

Tinanggal niya yung mga kamay niya na nakatakip sa aking mga mata at nagulat sa harapan ko.

Yung garden! May blanket na nakalatag! May mga pagkain na nakahanda at tinignan ko yung nagtakip sa akin... Walang iba kundi si Adrian.

Ine-expect niyo bang si Zen? Ako kase, oo eh.

Lumapit siya sa akin habang nakangiti.

"Hi princess." Bati niya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko kase napansin kong ang gwapo niya. Nag-ayos siya ng buhok at nagpabango pa siya. Wow!

"Shall we dance?" Sabi niya. Agad naman ako umiling. Nagtaka naman siya.

"Ayoko. Kain muna tayo. You know, health first before fun." Natatawa kong sinabi. Tumawa siya ng mahina at tumango.

"Gusto mo lang kumain eh. Okay, if you insist. As long as you're here." Kinilig ako sa sinabi niya. Minsan kase nakakakilig tong si Adrian eh.

Umupo kami sa blanket na nakalatag at nagsimula na akong kumuha ng pagkain. Alam kong kakakain ko lang kanina, pero gutom pa ako?

There's nothing wrong with loving food right?

"Sarap ba?" Tanong ni Adrian. Tumango ako.
"Oo, malamang. Ikaw, di ka ba kakain?" Sabi ko. Umiling siya.
"No, para sayo lahat toh. Tsaka, busog pa ako eh. Mas gusto ko tignan ka kumain."
"Ang creepy mo noh."

Tumawa kaming dalawa dahil sa pinag-usapan namin. Bigla siyang napatigil at napatigil rin ako.

"Meron kang icing dito sa labi mo oh." Sabi niya. Hahawakan niya na sana yung pisngi ko para punasan ng bigla naman ako kumuha ng tissue at pinunasan yung sarili ko.

Hindi kase ako mahilig sa, yung kaya mo na gawin tapos sa iba mo pa ipapagawa. Sorry, not sorry.

"Ako na. Hindi mo naman matanggal eh." Sabi ni Adrian. Pinigilan ko nalang siya.
"Kaya ko naman eh. Ako na."
"No, ako na."
"Ako na!"
"Ako na nga."
"Ang kulit mo."
"Ang tigas ng ulo mo. Ako na!"
"Fine, fine fine."

Pinunasan niya yung labi ko at natanggal na yung dungis. The weird part is..... Sinipsip niya pa yung daliri niya pagkatapos niya kinuha yung dungis sa labi ko.

Ang weird lang talaga sa tingin ko.

Biglang kong narinig tumunog yung bell!

Tapos na yung break time! Paano pagkain ko?!

Uwi ko nalang mamaya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko pero pinigilan naman ako ni Adrian umalis.
"Teka! Huwag ka muna umalis! May sasabihin ako sayo." Sabi niya.
"Paki-bilisan nalang. Kase malelate ako eh." Ngumisi siya.
"Kailan ka ba may pake sa pagiging late mo?"

Di ko naman sinagot tanong niya.

"Tsk tsk tsk..... Nagbago ka na pala ah." Asar niya.
"Sabihin mo na yung dapat mong sabihin."
"Fine. I love you."

Napatigil naman ako. Ano daw ulit? Pardon?

"Ano?" Tanong ko.
"I said I love you. Gusto mo tagalugin ko pa. Oh sige, Mahal kita."

Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. Di ko masagot yung 'I love you too'. Nakatikom lang bibig ko. Nasa state in shock paren ako.

"Please say 'I love you' back."

"I..I...."

Shet.....

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon