Sunhee's POV
"Hi Sunhee, Happy Birthday!"
"Kuya driver!? Ano ho ginagawa niyo dito? Pinautos ka ba ni Mama pumunta dito? Nalaman niya na ba kung nasaan ako?" Hindi ko talagang inaasahang si Kuya driver ang dadating dito. Nako! Baka may plano nanaman si Mama!
"Diba sabi ko sayo na tawagin mo nalang akong Mico? Tsaka, huwag ka na mag-alala. Ako lang nandito, hindi ko kasama mga magulang mo. Hindi ko rin sasabihin na nagkita tayo. Day off ko ngayon." Ahh! Kaya naman pala.
Kinuha ko yung mga regalo na hawak niya at pinapasok ko siya sa bahay. Sinarado ko yung pinto.
Ipinatong ko nalang yung mga gifts sa mesa at pumuntang sala.
Pagkadating ko dun, Kita kong si Adrian nakatingin lang kay Mico na parang nagtataka.
Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Sunhee? Aba! Ba't di mo sinabi sa akin na may manliligaw ka na pala?" Tanong ni Adrian. I shifted my glance to Mico and I saw him blushing.
"A-ah... Ano kase ah... Mico, gusto mo ba ng juice? Pagkain? Ano uhmm.... ice tea?" I asked Mico while changing the topic. Adrian just crossed his arms while glaring at me for not answering his question.
"Ic tea will do. Thank you." Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Pumunta ako sa kitchen para magtimpla ng ice tea. Nararamdaman kong sumusunod sa akin si Adrian
pero hinayaan ko nalang siya.
Nagsimula na ako magtimpla habang ramdam ko ang pagtitig ni Adrian.
"Hoy Sunhee. Kaano-ano mo siya? Ba't nakita kong may mga flowers at chocolate siyang ibinigay sayo? Akala ko ba si Zen gusto mo? Akala ko ba loyal ka? Sayang! May birthday gift nga rin ako sayo pero huwag na." I literally can't take him seriously because of how hagard he looks.
"Isa-isa lang yung tanungin mo. Ano? Sasagutin ko ng sabay-sabay?" Pabiro kong tanong sa kanya. Pero nung nakita ko siyang seryoso at di umiimik, pinagpatuloy ko ang pagsasalita.
"Driver ko siya. Day off niya. May gusto siya sa akin, pero wala akong gusto sa kanya. Kase yung kaibigan ko, may gusto sa kanya. Si Zen parin naman gusto ko. Pero hanggang gusto lang, hindi together."
Pagkatapos ko haluin yung Ice tea sa pitsel, nagsalin ako sa baso. Para sa aming tatlo.
"Tulungan na kita." Sabi ni Adrian, kinuha niya yung isang baso at hawak-hawak ko naman yung dalawang para sa amin ni Mico.
Pagkapunta ko dun, nakita ko si Mico nanonood lang ng palabas na kanina na pinapanood namin.
Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang tinimpla ko.
"Thank you!" Sabi niya. Umupo ako sa tabi niya sa sofa at sinimulang inumin ang tinimpla ko habang nanonood ng tv.
Habang nanonood kami ni Mico, nabigla ako sa pagring ng phone niya. Kaya agad naman niya ito sinagot.
"Hello ma?" Narinig kong sabi niya. Kita kong inilapag niya yung baso sa coffee table and he gestured me to wait. I nodded. Lumabas siya ng bahay at kinausap yung nanay niya sa phone niya.
"Saan na yung Mico na yun?" Tanong ni Adrian. "Tinawagan siya ng nanay niya. Kaya lumabas muna siya para kausapin." Sagot ko.
Hindi matagal, pumasok rin si Adrian sa loob.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomantizmSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)