Chapter 53: Shocking

1.3K 33 1
                                    

Zen's POV

Sunhee! Please! Dumating ka na! Dumating ka na, mahal ko!

Sunhee's POV

Pagkababa ko ng taxi, dumiretso na agad ako sa loob ng ospital. Halos mapamura ako nung nakita kong maraming tao ang nasa elevator.

Bullsh*t.

At dahil kailangan ko na magmadali, ginamit ko nalang yung hagdan. Wala akong pakealam kahit pagod na ako. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makita si Adrian!

Ang bestfriend ko.

5th floor yun pero hindi parin ako tumigil sa hagdan kaka-akyat. Kahit pawis na pawis na ako dito, hindi parin ako susuko.

Nung nasa 5th floor na ako, agad naman akong tumakbo papunta sa Room ni Adrian.

Pero nagtaka ako lalo nung nakita ko wala si Zen sa waiting area. Tapat lang ng Room ni Adrian. Wala rin masyadong maraming tao. Ang tahimik ng paligid.

Wala yung mga doctors, nurse at kung ano pa man.

Basta ako lang yung tao dito.

Hindi ko nalang muna yung inisip at sinimulan ko na buksan yung pinto ng Room ni Adrian.

Laking pagkagulat ko nung nakita kong walang tao. Wala sila.

Pati rin sila? Mawawala? What iz thiz?

Pumasok ako sa loob ng kaarto at tinignan yung buong room. Walang gamit, walang pagkain, walang inumin, walang mga gamot na nakalagay. Para lang talaga akong nasa isang haunted hospital.

May narinig akong tunog sa likod ko kaya agad naman ako lumingon.

May nakita akong nurse na may hawak na mga papers at mga gamot. Naglalakad siya, padaan dito sa kwarto.

Hindi ako naghestitate lumapit agad at kinausap siya. Nabigla naman siya sa akin pero kumalma nalang.

"Ma'm, ano po yun?" Tanong niya sa akin. Napansin ko yung hawak niyang papel at kita kong may parang card ito. Yung parang Valentine card? Yung mga card na ibinibigay niyo kay crush. Yung maraming heart na design.

Siguro, ibibigay niya yan sa ibang patiente. Malay ko ba.

"Ma'm?" Nagising ako sa pag-iisip nung nagsalita siya ulit.
"U-uhmm... Nasaan po si Adrian Vicencio?" Tanong ko sa kanya. Tinabi naman niya yung card sa kaliwang kamay niya habang yung kanan naman ay hawak-hawak yung documentations.

Tumingin muna siya sa akin, bago dun sa documentation na hawak niya,

"Ah ma'm, kayo ho ba si Sunhee Gonzales?" Tanong niya. Agad naman akong tumango.
"Opo."

"Ma'm, pumunta po kayo sa Room 514. Nandun po yung hinahanap ninyo. By the way, may nagpapabigay po sayo neto. Pero mamaya mo na raw po basahin, pagnakarating ka na raw po dun." Sabi niya at ibinigay niya sa akin ang card na may heart design.

Tinanggap ko ito at tinignan. Maganda yung pagkadesign ha! In fairness.

Pero wala na akong time para dito.

Tuminghala ako at nagulat nalang ako nung biglang naglaho yung nurse na nandito kanina sa harap ko.

Hindi ko manlang siya napansin naglakad papaalis.

At dahil nasa fifth floor na ako, hahanapin ko nalang dito yung pintuan na merong 14 na nakasulat sa harap nung pinto.

"10...11........12.....13... nasaan na ba-AYUN! 14!" Nung nakita ko na yung 14, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Tinignan ko muna ang paligid bago pumasok. Walang tao.

Wala rin yung nakabalot na katawan ni Adrian. Don't worry, I don't want to see him in eternal sleep. Pero gusto ko parin siya makita.

Tears filled up my eyes as I realized....... I am alone.

Agad ko naman pinunasan yung luha ko at nag-isip ng positibong bagay. Baka naman nandyan lang sila.

Nabigla ako ng namatay yung ilaw. All I can see is pitch black. Gusto ko ng madilim pero ayoko ng madilim pag ikaw ay nasa hospital. Malay mo, haunted toh.

Kaya wala akong nagawa kundi sumigaw.

"TULOOOOOOOOONNNNGGGG!"

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon