Chapter 8: Stay

3.2K 85 4
                                    

Sunhee's POV

Nagbihis ako sa CR ni Mr. Masa-I mean Zen. Binigay nya sakin ay isang white tshirt at jogging pants. Yung tshirt, oversize siya pagsinuot ko, yung jogging pants naman, normal lang, parang nakapajama na rin ako.

Paglabas ko ng CR, natigil ako sa nakita ko.

Si Zen, hinuhubad niya yung tshirt niya. Grabe, ang sexy niya! Omg!

Bakit? Yung katawan niya ang sexy naman talaga ah. Problema mo?

Nung narinig niyang bumukas yung pinto ng CR, humarap siya sakin at napanganga ako. Teka, abs ba yung nakikita ko? Omg! Yung katawan niya pang-model! Aaahhhh! Gusto ko na tumili.

Tumigil ka nga Sunhee, ang landi mo.

Nakatitig lang ako sa katawan ni Zen habang nakanganga, grabe.... yung katawan niya..... I'm..... I'm............. speechless.

"Done staring at my body?" Nung nagsalita siya, nagising ako sa tulala. Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong nakangisi siya.
May naramdaman akong tumutulo sa bibig ko. Pinunas ko kamay ko sa bibig ko at-NAGLALAWAY AKO HABANG NAKATINGIN SA KANYA! WHAT IN THE EARTH-

"Naglalaway ka kanina habang tinitignan mo katawan ko." Kinindatan niya ako at inalis ko tingin ko sa kanya. Nagblu-blush ako ngayon, I swear!

Nagsuot siya ng damit pangtaas. Sando lang sinuot niya. Pagkatapos nyun, tinanggal niya salamin niya at linagay niya sa mesa. Humarap ulit siya sakin at-HOLY SHEETS!

ANG GWAPO NIYA! Oo gwapo siya pagmay salamin, PERO MAS NAGING GWAPO SIYA NUNG TINANGGAL NIYA SALAMIN NIYA.
BAKIT BA YUNG LALAKING TOH HINDI NA LANG NAGING MODEL!?!

BAKIT?!

"Sunhee, kanina ka pa nakatingin sakin. Ganun ba talaga ako kagwapo kaya nakuha ko yung pansin mo?" Ngumisi ulit siya ng inalis ko yung tingin ko sa kanya.

Hinayaan ko nalang yung sinabi niya at pumunta nalang sa kung saan nakalagay yung bag ko. My face is back to emotionless. Kinuha ko bag ko at humarap ulit sakanya. Naka-poker face paren.

"Gagawa na ako ng homework." Sabi ko at pumunta dun sa kama niya at umupo. Rineady ko na yung homeworks na dapat ko nang sagutin.

Nararamdaman kong nakatitig lang siya sakin kaya tumingin nalang ako sa kanya. Tinaas ko yung mga kilay ko, ibig sabihin ay 'bakit?'.

"Gusto mo ba tulungan kita sa homework mo?" Tanong niya. Nag-isip muna ako bago tumango.
Umupo rin siya sa kama at nagstart na namin gawin yung homework.
.
.
.
.
.
.
.
Zen's POV

Natapos na namin gawin yung homeworks niya. Pagkasarado ko ng libro, ine-expect kong liniligpit na ni Sunhee gamit niya. Pero pagtingin ko tulog na siya. Hawak-hawak yung pencil at libro niya.

Ang cute niya talaga! She looks so precious! Sabi ko sa isip ko. Kinuha ko yung libro na hawak niya at chineck kung tapos na siya. Oo nga! Tapos na siya. Tsaka tama pa yung lahat ng sagot niya. Grabe ang talino niya. Yung ugali nalang yung problema.

Kinuha ko yung mga gamit niya at linagay ng maayos sa bag niya. Pagkatapos ko gawin yun, linagay ko yung bag niya dyan sa upuan.
Pumunta akong kama at inayos yung higa niya para maging komportable siya.

Pagkatapos ko ayusin yung pwesto niya, aalis na sana ako para matulog sa sofa na bigla akong may naramdaman na humahawak ng mahigpit sa kamay ko.
Tumingin ako kay Sunhee, nakadilat pa siya. Yung mata niya, onting nakabukas. Nakatingin lang siya sakin na may lungkot sa mga mata niya. Naawa naman ako.

"Huwag.... mo kong iwan.....please." Sabi niya parang paiyak na. Agad naman ako lumapit sa kanya at umupo sa kama. Linagay ko yung ulo niya sa dibdib ko at, pinatahanan siya. Yakap yakap ko siya.

"Sshh... Hindi kita iiwan.... nandito lang ako." I said while patting her head gently.

"....Huwag mo.... rin ako..... iiwan.....stay with me." naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya ganito pero pinatahanan ko nalang.

"Shh....I'm here... I won't leave you......I will stay with you, always." Sabi ko sa kanya.
Kinantahan ko siya hanggang sa siya'y makatulog.

Maya-maya, may narinig akong mahihinang na hilik. Tinignan ko si Sunhee, tulog na tulog na. Hiniga ko ulit siya sa kama. Humiga na rin ako sa tabi niya.

Pagkahiga ko, yinakap niya naman ako. Tulog siya ngayon. Hindi niya alam yung ginagawa niya. Hindi ko nalang tinanggal yung kamay niya sakin at yinakap ko rin siya pabalik. Nakatulog na rin ako.

Don't worry Sunhee, I will stay with you always...

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon