Chapter 38: Feel Like Knowing Her

1.8K 45 2
                                    

Adrian's POV

Pinapakinggan ko yung speech ni Zen. Nung nakita kong hinalikan niya yung si Grace, ang kanyang asawa, I looked at Sunhee in the corner of my eyes. Nakikita kong tumutulo na luha niya while clenching her fists. Nasasaktan siya.

Kakalabitin ko sana siya pero bigla siyang umalis. Kaya bumangon rin ako sa upuan ko para sundan siya.

Kaso lang, habang sinusundan ko siya, may humila sa braso ko. Tinignan ko at nagulat nalang ako na si Rose!

Yung Kontrabida sa school. Siya may kasalanan kung bakit na kick out si Sunhee!

"Hi Adrian, remember me? Rose?" Sabi niya habang hinihipo yung braso ko.
"Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko habang masama yung tingin sa kanya.

"Mmhh..... Diba obvious? Of course I'm here for my sister's marriage party." Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Sister?"
"Yep. The one who's marrying Zen, Grace Dianne Seraspi."
"Well, not surprised. Kaya pala ang kapal ng makeup nun kasing kapal ng mukha mo."

Binitawan niya braso ko at tumingin sa akin ng masama.

"You're still the same Adrian. Stubborn and you're still inlove with Sunhee."

"So what? I don't change just because of how other judges me. It depends on myself. So buzz off, b*tch." Umalis ako sa harapan niya at hinanap-hanap ko ulit si Sunhee.

Shet! Yan tuloy! Si Rose kasi eh.....

Pumunta ako sa likod ng building at nung nandun na ako, nakita ko si Sunhee, umiiyak. Lalapit na sana ako kaso may nauna na saakin.

Ano nanaman gagawin ni Zen?

Nagtago ako at tinignan yung mga gagawin nila.

Zen's POV

Pagkatapos ko halikan yung aking asawa na si Grace, maraming nagpalakpakan.

I chose the right girl......

"Thank you!" Sabi ni Grace at ngumiti naman ako sa mga ginagawa niya.

Bumaba kami ng stage pero hawak-hawak ko parin yung kamay ng aking asawa. Nung nasa baba kami, nagsalita siya.

"Thank you, love." Sabi niya. Nagtaka naman ako.
"For what?"
"For introducing me."
"No problem, love."

Binitawan niya bigla kamay ko and I admit that I was a little disappointed. But I still kept the smile on my face.

"Love, puntahan ko lang yung mga friends ko diyan sa table." Sabi niya at tinuro yung mga babae na nakaupo dun sa VIP table na alam kong mga kaibigan niya.

Tumango ako at pinayagan siya.

"Sige lang."
"Yay! Thanks, love." Naglakad na siya papunta sa mga kaibigan niya. Naiwan nalang ako mag-isa dito kaya naisipan ko na pumunta kay Adrian.

Pagpunta ko sa table niya, wala siya. Nasaan na kaya yun?

Dumaan ako sa shortcut papunta sa likod ng building. May back door kase dun eh, shortcut yun papuntang likod.

Pagkadating ko dun, nasinghot ko naman ang malinis na hangin at narelax ako.

Sinarado ko yung back door at uupo na sana ako sa bench dun na may nakita akong babaeng umiiyak.

What's wrong with her?

Lumapit ako sa kanya. At umupo sa tabi niya.

Sunhee's POV

Habang umiiyak ako dito, may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin at alam kong si Adrian lang yan.

Nakatakip kase yung mga mukha ko ng kamay ko kaya hindi rin niya siguro makita mukha ko at di ko rin makita mukha niya.

"Why are you crying?" Nagulat ako dun sa boses na yun. Alam ko na kung kay nino. Kay Zen.

"Go away." Sabi ko. Naramdaman ko yung paglapit niya sa akin kaya tinigan ko siya at inalis ko yung mga kamay ko sa mukha ko. Nabigla naman siya nung nakita niya ako.

"Sunhee?.... Diba, ikaw yung na kilala ko sa park?" So.... hanggang dun lang pala yung naalala niya.

Hindi nalang ako sumagot at tumingin nalang ako sa harap.

"Sunhee. sabihin mo sa akin problema mo. Baka may maitulong ako." Sabi niya ulit.
"Hindi mo talaga ako matandaan."

Bumangon ako at aalis na sana na may bigla akong naramdaman na pagyakap sa likod ko. Sinubukan ko alisin yung mga braso niyang nakahawak sa akin but it's no use. Mahina ako.

I started to cry again. I can't help it. Natatandaan ko yung mga moments namin dati at namiss ko yun.

"Sunhee, tahanan na. I don't like to see you like this." Hindi parin ako sumagot at hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan yung mga luha ko sa mga mata ko. Pagkatapos, ay tumingin siya sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang minuto habang hawak-hawak niya mukha ko. Pero siya ang naunang nagsalita.

"Sunhee. Alam kong hindi kita masyadong kilala pero.... I have a feeling na nagkita na tayo..... dati pa. You're familiar to me." Sabi niya.

"... Feeling lang yun." Sabi ko habang nasasaktan sa mga sinasabi ko.

"I know. But for me, feelings shouldn't meant to be ignored."

Ako nga, hinayaan ko na nga lang yung feeling na inlove ako sayo eh. Ang gusto ko lang naman ang kalimutan ka, kase may maganda ka ng buhay.
Sabi ko nga na dapat maging masaya ako kahit may iba ka na eh. Kaso lang ang hirap.

Habang nagtititigan kami, may lumapit sa amin. Si Grace, yung asawa niya.

"Love, who's this? Is she your younger sister?" Tanong niya kay Zen. Nasaktan naman ako sa tawag niya kay Zen. Love.

"Uhh.... no. Just a friend." Ouch! Friendzone...

"Oh umm... okay. Goodnight, love and Hi!" Kinawayan niya ako at ngumiti habang umalis siya sa harap namin.

Mabait naman siya eh. Tsaka hindi naman peke yung ngiti niya. Marunong ako tumingin ng peke at totoo.

Pagkatapos ni Grace umalis, tumingin sa akin si Zen at nagkatitigan ulit kami ng ilang segundo pero nawala yun nung inalis ko yung sarili ko sa harap niya.

"I need to go now. Goodnight." I said bluntly while walking away.

"Wait! Sunhee!" Narinig kong tawag niya sa akin at bigla siyang pumunta sa harapan ko, blocking my way.

"Sunhee, I want to know you more. Because I feel liked I've known you before the meeting at the park. Can I please get your phone number?" Tinignan ko nalang siya at nakita kong hawak-hawak niya yung phone niya.

"I-I..."
"Please." Nagbuntong hininga ako at kinuha phone niya. Linagay ko naman yung number ko dun sa contacts niya at pagkatapos nun ay binalik ko yung sa kanya yung phone.

"Night, Zen." Sabi ko habang umalis sa harapan niya. I left him there, I can feel that he's staring at me while I'm walking away.

Bakit ganun? Yung gusto mo kalimutan, ayun pa ang ating natatandaan?

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon