Chapter 17: Only me

2.6K 58 0
                                    

Sunhee's POV

"Nakakainis! Yung babaeng yun! Hinihipo niya yung binti ko! Ang bastos!" Sabi ni Adrian. Nagagalit siya dahil sa kaninang nangyari. Well, hindi ko ide-deny na naiinis rin ako dun sa babaeng yun. Pero bakit ganun? Parang nakita ko na siya pero di ko maalala eh.

Nandito kami ni Adrian sa cafeteria. Recess na kase.

Nung nakita ako ni Adrian na nakatulala, iwinagayway niya yung kamay niya sa mukha ko.

"Huy! Ok lang? May problema ba? Don't worry, sabihin mo lang saakin."
Umiling ako.
"Wala. Pagkain lang iniisip ko." Sabi ko sa kanya.
"Ba't hindi mo agad sinabi. Oh, share tayo dito sa pagkain ko. Luto ko toh sa bahay."

Hinawakan ni Adrian yung kutsara na may kanin at ulam na 'linuto raw niya'. Agad ko naman sinubo.

Nanlaki naman mata ko dahil sa sarap.

"Is it good?" Tanong niya. Tumango ako.
"Oo! Grabe! Ang sarap ng pagkain mo! Bagay ka maging chef! Ang gwapo gwapo mo pa! Ang galing mo maglaro ng sports at magaling ka pa magluto! The best ka talaga! Kaya, penge pa nga?"

"Style mo bulok." Sinubuan niya ulit ako. Grabe talaga!

Nakita kong sinubo niya yung kutsara na sinubo ko. Pero wala namang nakapatong na pagkain. Sinubo lang niya yung kutsara. Kaya agad naman na nagtaka ako.

"What's with that face?" Tanong niya. Umiling lang ako.
"Wala. Sinubo mo kase yung kutsara na walang nakalagay na kanin o ulam eh."

Tinaas lang niya yung balikat niya at umiling as in parang wala lang toh.

"Do you what indirect kiss means?" Tanong niya.
"Uh..... Hindi. Ano ba yun?" Tanong ko pabalik sa kanya. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Cute mo talaga."

Omg! What? Kinilig ako bigla dun ah. Cute ko raw. Alam ko na yun dati pa! Jk.

Kumain na lang kami ng tahimik. Sinubuan lang niya ako at pagkatapos, susubuan niya sarili niya na walang pagkain na nakalagay sa kutsara.

Weird noh?

Maya-maya, nagring yung bell. Pabalik na sana kami sa silid-aralan namin ng biglang may tumigil sa harap namin.

"Sunhee."

Mr. Masama? Ano naman kailangan nito?

"What?" I responded with a bored expression. Kita kong masama ang tingin niya kay Adrian.

"Why are you with Adrian?" Tanong niya na parang may paggalit sa boses.
"Problem?" I said with a sassed tone.
"Yes. I need to talk to you first."

Bago pa ako makapag-salita, bigla nalang niya hinila braso ko at mahigpit ang hawak. Habang naririnig kong tinatawag ni Adrian yung pangalan ko. Kaya tumakbo si Zen habang nakakapit ng mahigpit sa kamay ko.
.
.
.
.
.
Pagkatapos naming tumakbo, tumigil kami sa likod ng school. Walang tao. Walang cctv. Walang kahit ano. Kaming dalawa lang ni Mr. Masama.

Hingal na hingal ako sa kakatabo niya. Siya rin, pinagpapawisan. Pero parang di siya pagod.

"Ano bang nasa isip mo Zen? Ba't mo ba ako dinala dito? May problema ka ba? May sasabihin ka ba sa akin?" Linabas ko na yung mga tanong na kaninang nasa isip ko.

"Easy ka lang. First question muna."

Huminga ako ng malalim at sinabi ang unang tanong ko.

"Ano ba nasa isip mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw, ikaw ang nasa isip ko." Wow ha! Ang cheesy naman nyun! Pero nakakakilig at the same time.

"Second question."
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kase, may sasabihin akong importante sayo. Next question."

"May problema ka ba? Kung oo, sino o ano yung problema mo?"

Nakita kong naging madilim yung aura niya. Natakot naman ako pero hindi ko nalang pinakita.

"Si Adrian ang problema ko. Bakit ba kase palagi kayo magkasama?!?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sigurado ba talagang, nagseselos siya?

"Ano problema mo dun?" Sabi ko at tumalikod. Naglakad papalayo sa kanya.

"Dapat kase ako na lang eh."

What? Did he just said that?

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon