Adrian's POV
Nakita kong naglakad papalayo si Sunhee kay Zen. Malungkot ang ekspresyon ni Zen.
Tinignan ko lang si Sunhee dumaan sa amin, hindi niya ako napansin pero mas mabuti na yun. Hindi siya mabibigla na nakita ko at narinig ko yung nangyari.
Nung lumabas ako sa tinataguan ko, lumapit ako kay Zen. I'll just do what is right.
"Zen." Tawag ko sa kanya, tumingin siya sakin at ngumiti na alam kong peke.
"Oh Adrian. Hinahanap kita kanina. Nasaan ka nga pala?" Alam kong worried siya kay Sunhee kase halata naman sa ekspresyon niya kanina.
"Ah wala lang. Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko. Kungwari hindi ko alam yung nangyari.
"Ah. Nagpahangin."
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Bukas, magkita tayo. May kailangan ako ipakita sayo." Sabi ko sa kanya. Nagtaka naman siya.
"Bakit?"
"Basta. May mga dapat ako kailangan ipakita sayo para matandaan mo ang lahat.
Magsasalita ulit siya ng bigla na akong umalis sa harapan niya.
Ang gagawin ko lang naman ay ipapaalala ko sa kanya ang nangyari dati. Para toh kay Sunhee.
Pero kung ayaw ito gumana, hinding-hindi parin ako susuko.
Pumasok ulit ako ng party at kita ko, mga nagsasayawan na silang lahat. Yung iba kumakain at yung iba pa-chill chill lang diyan.
Hinanap-hanap ko si Sunhee kase baka kung ano pa mangyari dun.
Nung hindi ko na siya mahanap, kinuha ko yung phone ko at tinext siya. Nasa akin parin number niya kahit nung umalis siya dito. I just hope na wala pa siyang bagong phone.
From: Adrian
Sunhee, san ka?
Hinintay ko lang siya mag-reply. Pero habang hinihintay ko, nagtanong ako sa mga dati naming kaklase kung nakita nila si Sunhee.
"Nakita niyo ba si Sunhee?"
"Ay nagpaalam pala siya sa amin na uuwi. Sayang, gusto pa naman namin siya makasama."
"Ah sige thanks."
Pagkatapos nun ay lumabas akong party at dahil nasa bundok nga yung building, walang masyadong sasakyan na dumadaan dito sa kalsada. Kaya ang naisipan ko nalang ay humiram ng sasakyan kay Joel, isa sa mga ka-team mate ko sa basketball.
Lumapit ako sa kanya at nakita kong lasing na siya. Oh... great.
"Joel." Tawag ko.
"Ohh Adrian! Nandyan ka pala! Ilang araw ka na nawala! Tara! Inuman tayo!" Sinubukan niyang hilahin ang braso ko pero inalis ko nalang yun.
Nagbuntong-hininga ako.
"Joel, pahiram muna ng sasakyan mo. Kailangan ko maka-uwi agad."
"Why didn't you just say so? Here's the key, bro."
"Thanks."
Hinagis niya sa akin ang susi at agad naman ulit ako lumabas ng party. Pagkalabas ko, pumunta agad ako sa parking lot.
Alam ko na kung ano yung kotse ni Joel kase nakasakay na ako dun ilang beses na.
Nung nakita ko na yung kotse, agad naman ako sumakay at pinaandar yun.
Nag-aalala ako kay Sunhee. Baka kung ano pa mangyari dun. Alam kong nasa bahay siya pero paano kung may pumasok na murderer, holdaper? Sobra naman yun.
Let's just hope na walang mangyaring masama sa kanya.
Sunhee's POV
Nakauwi ako agad ng bahay dahil may taxi na dumaan sa kalsada. Ang swerte ko noh?
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)