Sunhee's POV
Timeskip....
Sa wakas! Tapos na yung klase!
Inayos ko na yung mga libro ko at sinarado bag ko. I turned around at nagulat ako na nasa harapan ko si Zen-I mean, Mr. Masama."Ano yun Mr. Masama?" Tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya at may tinaas sa kamay niya, nanlaki yung mga mata ko nung nakita kong hawak-hawak niya susi ko! Naiwan ko nga pala dito sa school kahapon!
Kukuhanin ko na sana ng bigla niya tinaas para hindi ko makuwa. Bulinggit pa naman ako. Kainis.
Tumalon-talon ako habang kinukuha yun, pero dahil bulinggit nga ako, hindi ko paren makuha.
"Amina nga yan! Bwiset ka talaga."
Nakasandal na siya sa pader habang tinataas niya yung susi ko. Inistretch ko katawan ko para makuha yung susi ko.
Hindi ko napansin na ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko yung paghinga niya. Nagtitigan kami. Nakikita kong linalapit niya yung mukha niya pero hindi ko linapit yung akin. Kase nakikita kong pababa na yung susing hawak niya.
Bago niya pa mahalikan ako, inabot ko yung susi ko na hawak niya kanina at lumayo sa kanya.
".... Sorry, bro. This keys are mine." Sabi ko sa kanya at napangisi ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko makita yung mga emosyon sa mata niya kaya nalito ako.
Nakatingin lang siya sakin ng tahimik, hindi nagsasalita. Kaya inalis ko yung awkward silence nung nagsalita na ako."U-uh..... Alis na ako, Zen. Bye!"
"Ha?....I mean...sige. Bye."Umalis ako ng classroom at pumunta dun sa Court. Papanoodin kong maglaro si Adrian. This is going to be exciting!
Umupo ako sa mga bleachers at hinintay ko mag-start yung laro. Maaga kase ako pumunta dito eh. Pero malapit na rin magstart yan.*BEEEEEEEEEEEPPP*
HETO NA MAGIISTART NA!
Maraming dumating na tao at umupo sa bleachers. Yung mga kaklase ko namang lalaki na hindi naglalaro ng basketball, umupo sa tabi ko. Yung mga babae rin, umupo sa tabi ko. Nagsi-apiran kaming lahat at umupo na para panoorin yung game.Nakita ko si Adrian, Ay ang gwapo niya! Nakawhite na Jersey siya at may nakasulat na number 97 sa harap at likod.
"Good afternoon idiots! Salamat naman na dahil dumating kayo. Alam ko yung iba umuwi na, pero wala na akong pake dun. I-start na natin yung laro."
Ang maglalaban raw ngayon ay yung Blue Thunders, which I assume yung mga naka-suot na dark blue na Jersey, At yung White Tigers, yung team ni Adrian.
HETOOOO NA!
May nakita akong kaklase kong lalaki, may hawak siyang chichirya, umupo siya harapan ko. Kinalabit siya ng mga katabi kong lalaki. Humarap siya sakin pero tinuro ko nalang yung mga katabi ko.
"Jason, diba sabi ng teachers 'share your blessings'? Kaya penge naman kami." Sabi ng katabi ko, si Jerome. Ine-expect kong bigyan ni Jason si Jerome pero dinelatan niya lang ito at binalik niya yung tingin sa harap. Tumingin ako kay Jerome habang tumatawa.
"Ohhhhhhhh! The Rejection! The Rejection is real!" Nung sinabi ko yun, yung mga ibang kaklase ko na nasa isang side ko, tumawa rin at nakisali. Tropa yun ni Jerome at pinagtawanan rin nila siya. Tinignan naman ni Jerome yung mga tropa ng masama.
Pero lalo pa silang natawa."Hahaha! 'share your blessings' hahaha!" Asar ng isa sa kanila. Natawa rin ako sa mga pang-asar nila kay Jerome.
Humarap na ako sa court nakita kong nag-iistart na sila. Hawak-hawak ng Blue Thunder yung bola. Ishu-shoot na sana pero na-block ito ni....Adrian!
Yes! Go go go! Tumakbo si Adrian at............ nashoot niya yung bola.
Maraming tumili. Yung mga fangirls niya. Pero mostly, mga boys yung tumitili.
Napatalon ako sa tuwa at nagsimula na ulit silang maglaro. Na-shoot ulit ni Adrian. Grabe ang galing niya talaga magbasketball.
Yung next na game, Tumayo ako sa upuan ko at sinigaw yung sinabi ni Kathryn Bernardo dun sa 'She's dating the Gangster'.
"GO SEXY LOVE!" Sigaw ko. Narinig yun ni Andrew at nag-thumbs up siya sakin. Maraming estudyante tumingin rin sakin. Bigla akong nagulat ng biglang sumigaw yung tropa ni Jerome.
"Go sexy! Go sexy! Go sexy sexy love~" Tawanan kami lahat ng tawanan kase habang ginagawa nila yun, may sabay pang kembot. Kaya halos ng buong estudyante na inii-stan yung White Tigers, tumayo at ginawa yung chant. Tumayo rin kami ni Jerome at sumali.
"GO SEXY! GO SEXY! GO SEXY SEXY LOVE! GO SEXY! GO SEXY SEXY LOVE!" Cheer naming lahat. Yung mga fans ng Blue Thunder nakanganga lang eh.
Nashoot ulit ni Adrian yung bola, nashoot ulit, paulit-ulit hanggang sa....."5.....4......3....2......1...... WOOOOOOOHHHHHHHH." Sigaw namin lahat. Nashoot ni Adrian yung bola at lahat kaming fans ng White Tiger, kasama yung sina Jerome ay napatalon sa tuwa! Nagsi-apiran kaming lahat at umalis na silang lahat sa court.
Ako nagpaiwan nalang kase gusto ko pa muna makipagmeet up kay Adrian. Lumapit ako sa kanya yung wala ng mga estudyante dito sa court, kaming dalawa nalang natitira.
"Go sexy sexy love!" Chant ko habang papunta sa kanya. Ngumiti lang siya at pinunasan yung pawis niya ng panyo.
Binigyan ko siya ng tubig at ininom naman niya ito."Salamat sa tubig. At salamat rin sa pagsupporta mo sakin." Sabi niya habang nakangiti. Nginitian ko rin siya pabalik.
"Walang anuman. Ang galing mo nga eh. Idol na kita." Sabi ko at tumawa nalang siyang mahina.
Hinubad niya yung Jersey niya at inalis ko naman yung tingin ko sa katawan niya. Pero hindi ko pa rin mapigilan yung hindi pagtingin. A simple look won't hurt right?
Tinignan ko at-HOLY F. HIS ABS! IT'S SO TONED AND BEAUTIFUL. Tinignan ko mukha niya at nakangisi lang siya. Inalis ko nalang tingin ko sa kanya habang nagsuot na siya ng tshirt. Ba't pa kasi lumalabas yung pagkalandi ko. Bwiset talaga!
Tahimik kaming lumabas ng court, nawala yung katahimikan nung nagsalita siya.
"Bakita ganun?" Tanong niya. Nalito naman ako.
"Bakit sabi nila masamang tao ka raw? Oo, alam ko na masama ka sa mga teachers. Lalo na kay Sir. Pero bakit pag-ikaw yung nakikita ko, pero bagang isa kang definition of an angel. Dati naman yung first time mo palang pumasok dito, ang bait mo eh. Lalo na sa Principal. Pero ba't ka nagbago?" Sabi niya at tumigil kami sa paglalakad.Sabi na nga ba na may magtatanong pa sakin niyan eh. Sinagot ko nalang yung sagot na palagi ko sinasagot sa tanong na toh kase ayoko pag-usapan yun. It's my top secret.
"Nagbago? Ako? Piling ko hindi naman ako nagbago simula nung lumipat ako dito eh."
"Nagbago ka kaya. Bakit?"
"Uwi na pala ako. Bye Adrian!"
"But-" bago pa siya makapagsalita, umalis na agad ako sa harapan niya.Phew! That was close.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...